Chapter 22: T.A.D.

784 68 15
                                    



Chapter 22

"T.A.D."


Year: 2006, Seoul, South Korea (Present)

Third Person POV:

Panahon ng taglagas. Makukulay ang mga dahon. Hinihipan ng malamig na hangin ang kulay tansong buhok ni Noah habang naglalakad sa ilalim ng mga puno. Ang buong paligid ay kulay kahel na may halong kumikinang na ginto. Tumatakbo si Adam sa harap ni Noah habang isa-isang nagbabagsakan ang mga tuyong dahon sa buong isla ng Naminara.

"Apple! Dalian mo!" sigaw ni Adam. Parang isang bata ito na tuwang-tuwa sa mga nakikita niya. Abot tainga ang ngiti nito habang umuusok ang kanyang hininga sa hangin sanhi ng paparating na taglamig. "Noah, gusto ko pang makita yung Maple Lane. "

"Ark! Hindi ka ba giniginaw?" reklamo ni Noah. Natatawa na lang siya sa kanyang nobyo. Halatang hindi palalabas si Adam dahil sa inaasal nito. Tila bumabagal ang oras habang pinagmamasdan ni Noah na nagbabagsakan ang mga gintong dahon sa napakaguwapong mukha ni Adam. "Huwag mong bilisan, ang hirap gumalaw! Malamig."

Sa 'di kalayuan ay tumatawa lamang si Adam habang nakatingala. Ang suot nitong brown na jacket ay akmang-akma sa kulay ng paligid. Ang kanyang kulay kahoy na buhok ay bumabagay sa taglagas. "Hindi, ano. Wala pa itong lamig ng South Korea sa nagyeyelong lugar namin sa Finland," saad ni Adam.

"Ang ganda!" sambit ni Noah. Maging si Noah ay hindi na maitago ang pagkamangha nito nang may umihip na malakas na hangin at dumami ang mga nagbabagsakang dahon. Ang kulay bughaw na jacket ni Noah na yari sa maong ay taliwas sa kulay ng buong isla. Ang bota niyang kulay kahel ay masayang tumatapak sa mga malulutong na tuyong dahon. Nang marating nila ang puno ng mga Maple ay namangha silang pareho. Napakaganda ng mga gintong dahon nito na dahan-dahang bumabagsak sa kanilang mga ulo.

"Here, look," yaya ni Adam. Hinawakan nito ang kamay ni Noah at hinila siya papunta sa bulletin board sa isang sulok. Hinihingal pa si Noah kakahila sa kanya nang iangat niya ang kanyang ulo. Bago pa mabasa ni Noah ang nakasulat sa bulletin board ay bigla itong hinalikan ni Adam sa pisngi.

"Hey!"

"The Maple Lane of True Love," saad ni Adam habang tinuturo ang pangalan ng lugar sa kinalalagyan nila.

"Ang cheesy," natatawang saad ni Noah habang hinahawakan ang pisngi nito.

"Ang cute kaya," sabi naman ni Adam na nakangiti pa rin habang nakatitig sa kanyang nobyo.

Agad na inilabas ni Noah ang mapa niya ng buong isla. "Dito kaya, anong itsura dito?" tanong ni Noah habang itinuturo ang isang bahagi.

"Ginkgo Tree Lane? I dunno, never heard of it," sagot ng kanyang kasintahan.

"Let's go and see it then," yaya ni Noah. Masaya silang naglalakad sa ilalim ng mga puno. Pasulyap-sulyap si Noah kay Adam na manghang-mangha pa rin sa mga tanawing nakikita niya. Biglang may naalala si Noah. Ginunita nito ang taong sinadya talaga nilang puntahan sa Naminara. "Ark, makikita kaya natin dito ang doktor na iyon?"

"I'm really not sure." Naitigilan si Adam at napatingin kay Noah. Napakaseryoso ng mukha nito. May halong kaba sa kanyang mga tono. "Sinusunod lang naman natin ang notes mo. Ano nga ulit ang name niya? Dr. Kevin Cornwell?"

"Oo, when one of your future versions mentioned him when I was a kid, sinulat ko agad ang name nya sa journal ko," saad ni Noah. Kinuha niya ang kanyang journal at binasa ang iba pang nakasulat. "He specializes in behavioral science and he is a Physicist."

Napayuko si Adam habang iniintindi ang mga sinasabi ni Noah. Napatingin ulit ito sa mga nagbabagsakang dahon. Muling nabalot ng kalungkutan ang kanyang puso. Matagal na niyang tanggap na walang lunas ang kanyang kundisyon. Sapat na sa kanyang tumanda kasama si Noah. Pinilit niyang ngumiti upang pagtakpan ang kanyang tunay na nararamdaman. "I really doubt he could help me," mahinang sagot ni Adam.

Ark and Apple || Flood in EdenKde žijí příběhy. Začni objevovat