Chapter 4: Use Protection

1.4K 100 45
                                    

Chapter 4

"Use Protection"

Year: 2005, Batangas (Present)

May dalawang malaking guestrooms ang pamilya Fajardo. Pagpasok nina Adam at Noah sa kuwarto na para sa mga lalaki ay masarap na ang tulog ng mga iba pa nilang kaklase. Malakas na ang hilik ni Ethan na nakabukangkang sa ibaba ng kama habang si Vincent naman ay nakadagan ang paa sa singit ni Zorhan. Puno na ang kama ng iba pa nilang kaklase at maging si Alex ay may sarili nang kutson sa sahig.

Napakamot na lang sa ulo niya si Noah dahil wala na silang mapagpuwestuhan. Nais nitong maagang makatulog dahil kanina pa niya nararamdamang may binabalak ang kanyang nobyo.

"So paano ba 'to?" patay-malisyang tanong ni Noah.

"Titignan ko lang ang loob ng cabinet baka may puwede tayong magamit na higaan," mungkahi ni Adam na may kakaibang ngiti sa mukha. Ilang segundo lang ay agad nitong binalikan si Noah. "Walang sapin. Sa ibang kuwarto na lang kaya tayong matulog?"

"Tsk! Tumabi ka nga riyan," utos ni Noah. Hinawi nito si Adam sa tapat ng aparador at sinumulan na niyang maghalungkat. "Tatayo ka lang talaga riyan? Eh, kung tulungan mo kaya ako?"

Natatawa siyang sinunod ni Adam. Ngunit halos wala naman itong ginagalaw na gamit habang nakatitig kay Noah na kulang na lang ay baliktarin ang buong aparador.

"Wala nga talaga," pang-iinis pa ni Adam sa nobyo niyang hindi mapakali.

"Abnuy ka talaga. Hindi ka naman naghahanap, eh," reklamo ni Noah.

Ilang sermon pa mula kay Noah ay napahalungkat na rin si Adam sa aparador. Abala silang dalawa sa paghahanap ng maari nilang gawing sapin nang biglang pumasok sa si Sky sa kuwarto. Wala itong pang-itaas at basa ang kanyang ulo halatang kagagaling lamang sa pagligo.

"Uy! Puno na pala kayo rito. Ang kuwarto ng kuya ko sa taas, bakante roon. Doon na lang kayo, wala naman siya, eh."

"Nako nakakahiya, baka may sobra ka nalang na banig o sapin," pagtanggi ni Noah. Bumalik ito sa paghahalungkat habang kinakabahan sa mga takbo ng pangyayari. "Okay na kami rito."

Agad na napatayo si Adam. Bakas sa mga ngisi nito ang kakaibang tuwa mula sa sinabi ni Sky. "Talaga Sky? Sige, roon na lang kami!"

"Psst! Adik ka talaga. Ayos na tayo rito," nahihiyang bulong ni Noah.

"Doon na kayo, kesa sa sahig kayo matulog. Wala nang sobrang sapin," pagpupumilit ni Sky.

Napatingin si Noah kay Adam na panay lamang sa pag taas-baba ng kilay. Itinigil na ni Noah ang paghahalungkat niya. Lumapit ito kay Adam na kanina pa pumapalakpak ang tainga dahil sa mga binabalak nito.

"Pasaway ka talaga," bulong ni Noah sa kanyang nobyo.

"What? You heard him. Walang sapin. Tara na!" Agad na naunang lumabas si Noah upang sundan si Sky.

Palabas na sila ng pinto nang makita nila si Nico na nakahiga sa sala. Kanina pa ito namamaluktot. Halatang hindi ito kumportable sa upuan na hanggang sa likod lamang ng kanyang hita ang sakop. Maging ang suot nitong jacket ay hindi sapat upang gawing kumot sa malamig na sala ng mansyon.

"Nico pogi. Tara roon sa taas," yaya ni Sky. Nakatayo na ito sa ulunan ng sofa na kanyang hinihigaan.

Bagamat madilim ay kitang-kita ni Nico ang matikas na pigura nito. Maging ang ginamit nitong sabon na amoy dalandan ay tuluyan nagpaalis sa kanyang antok. Agan na napatakip ng jacket si Nico dahil nagsimula na siyang magkutis kamatis.

Ark and Apple || Flood in EdenWhere stories live. Discover now