SIMULA

6 1 0
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Name,characters,places,events and incidents are product of the author's imagination. Some resemblance to actual person,or actual events are purely coincidental.

No to PLAGIARISM.

Read at your own risk.



Brianna Alessandra's POV

"Happy birthday,Sandra!!!!"

I close my eyes and make a wish before i blow the candle. Pumalakpak sila ng ma-blow ko na ang kandila. I'm now 18,dapat ay magarbong debut eto pero sinabi ko kina Papa na huwag na at malaking gastos pa iyon.
Binaba ni Papa ang cake atsaka kinuha ang isang malaking paper bag,napangiti ako ng mapagtantong regalo nila iyon.

"Anak buksan mo na"wika ni Mama na nakaupo sa wheel chair habang nakangiti at nakatingin saakin.

Naaksidente si Mama sa pagmomotor noong 15 ako,kaya naman nabali na ng tuluyan ang paa niya,pero kahit ganoon hindi niya naramdaman na pabigat siya dahil hindi iyon pinaparamdam ni Papa sakanya. Simula ng mangyari iyon ako na ang nagaasikaso sa bunso kong kapatid na si Brian.

"Nako house and lot ba to?"pabiro kong sabi sakanila na ikinatawa nila. Ng mabuksan ko ang paper bag ay namuo bigla ang luha sa mata ko,halos hindi ako makapagsalita ng makita iyon. Tumingin ako kila Papa at niyakap sila.

"Maraming salamat sainyo."

Niregaluhan nila ako ng pangarap kong cellphone kahit pa napaka-mahal noon. Matapos ng madramang pangyayari ay kumain nadin kami,may ilang kapitbahay din na pumunta at nakidalo sa kaarawan ko. Tinignan ko din ang mga message nina Liza saakin.

"Ate may deliver ka. Nagshopee ka na naman"pangaasar sakin ni Brian na naglalaro ng 'ML.

Napa-kunot noo naman ako dahil wala akong inoorder na kahit ano. Agad akong pumunta sa may gate namin at tinignan ang order,kahit maliit lang ang bahay namin syempre minsan nakaka luwag luwag din kaya nakapag pagate.At sa inaasahan ko,isa na namang truck ang nasa labas ng bahay.

"Ma'am Brianna?"

"Ako nga po."

Binaba na nila ang dalawang malalaking kahon. Napabuntong hininga ako ng makita iyon.

"Pwede ko po bang malaman kung sinong nagpadala nito?"tanong ko kay Kuyang nagdeliver habang binaba niya ang mga kahon.

"Pasensya na ma'am wala po kaming ideya,taga deliver lang po kami. Paki-pirmahan na lang po ito."

Pinirmahan ko na iyon,at tinawag si Brian na ipasok ang mga kahon.

"Wow! Akin na lang to ate!"excited na wika ni Brian ng makita ang isang magandang t-shirt doon.

Simula 10 years old ako,nakakatanggap na ako ng mga regalo galing sa taong hindi ko naman kilala. Noong una nagtataka sina Mama kung saan galing iyon,pero hindi nagtagal nasanay na kami na tuwing birthday ko ay may nagpapadala sakin. Busy si Brian na maghalungkat ng mga gamit sa box habang ako naman ay may hinahanap.

"Finally!"sigaw ko ng makita na iyon.

As I expected,there was a paper airplane in the box,naipon ko na ang iba nito dahil taon taon nga may nagpapadala saakin. Binuklat ko ito at binasa nag nakasulat

'Happy Birthday! I hope you enjoy your day. Take care always,Brae.'

-GV

I don't know what to say. Simula nung nagpadala siya wala talaga akong balak na suotin o gamitin yung mga bigay niya,dahil baka nagkamali lang talaga ng padala iyon,pero sa tuwing binabasa ko yung mga mensahe sa papel doon ko napapagtanto na ako talaga ang pinapadalhan ng taong yon.

"Gamitin na natin ito anak,baka may nagma-magandang loob lang na tumulong saatin"

Yan ang laging sinasabi ni Papa saakin. Sa bawat padala hindi lang ako ang meron,meron din ang mga magulang ko at si Brian. Minsan pa ay nagugulat na lang kami sa mahal ng presyo ng mga padalang iyon.

"Ang ganda ate!!! Ma!!! Pa!!!! May padala na uli kay ate!!!"sigaw ni Brian. Agad namang nagpunta sina Papa sa kwarto ko,habang tulak tulak ang wheel chair ni Mama.

Binigay ni Brian ang mga plastik na may pangalan nina Papa at Mama. Samantalang ang isang malaking kahon ay para saakin lahat ang laman. Nihindi ko man lang ito binubuksan.

"Anak ang ganda nito oh,hindi ba't pangarap mo itong damit na ito."napalingon ako kay Mama ng ipakita niya ang napakagandang damit. Pinasukat niya ito saakin kaya pumasok ako agad sa CR,may parte saakin na naeexcite.

"Ganda mo ate,ngayon lang birthday mo e."

Binatukan ko si Brian kaya natawa sina Mama.Tinignan ko ang reflection ko sa salamin.

"Ganda ko nga! Buti na lang hindi ko kamukha si Brian ewww!"

Sinamaan naman ako ng tingin ni Brian,na busy sa pag hahanap ng mga padala sakanya.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Brian,na busy sa pag hahanap ng mga padala sakanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Brianna wearing the dress.)

Pinagmasdan ko sina Mama na tuwang tuwa sa mga padala saamin.
Napatingin ako sa damit na suot ko tsaka sa eroplanong papel sa palad ko.

8 years already passed but I still don't know where this paper airplane came from.

Paper AirplaneWhere stories live. Discover now