ILYM: Kabanata 28

17.2K 443 24
                                    


NAPAPANGIWI ako habang dahan-dahan kong inuunat ang aking katawan. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto niyon. Napabuntong-hininga ako. Mabuti nalang at weekend ngayon dahil kung hindi ay siguradong sobrang late na akong papasok sa school. Hindi ko maiwasang samaan ng tingin si Maximo na ngayon ay nagbibihis na. Tsk!

"Aren't you going to get up wife?" Tanong pa sa akin ni Maximo kaya sinamaan ko ito ng tingin. Natawa naman ito ng mahina.

"I can't" nakalabi na sagot ko dito. Napabuntong-hininga naman ito bago lumapit sa akin. Hinawakan nito ang dalawa kong kamay para dahan-dahan akong higitin patayo. Kinarga ako nito para dalhin sa loob ng CR. Pinaupo ako nito sa bathtub. Tinapik pa nito ng mahina ang ulo ko.

"Take a bath wife to remove your body aches" wika nito bago ako hinalikan sa noo. Lumabas na rin ito ng CR pagkatapos.

Pagkatapos kong maligo at ayusin ang aking sarili ay lumabas na rin ako ng kwarto ni Maximo. Napangiti ako dahil medyo gumaan na ang aking pakiramdam.

Tumuloy ako sa kusina kung saan naroon si Maximo. Naabutan ko pa itong umiinom ng kape habang ang paningin ay nakatutok sa laptop. Napakunot-noo ako.

"Are you busy?" Pukaw ko dito bago umupo sa katabi nitong upuan.

"A little bit. By the way, we have 3 days seminar starting tomorrow wife" sagot ni Maximo na hindi inaalis ang tingin sa laptop. Tumango-tango naman ako habang kumukuha ng sandwich at hotdog na siya kong kakainin.

"Ok. Sino kasama mong teacher?" Nakangiting tanong ko naman dito na masaya pang kumagat sa sandwich na hawak. Sinubuan ko pa ng bacon si Maximo na agad naman nitong kinain.

"Ma'am Bueno" sagot ni Maximo habang ngumunguya. Agad namang bumagsak ang kamay ko na may hawak na sandwich dahil bigla nalang akong nawalan ng gana. Tsk!

"3 days? Paano naman ang pagtulog ko?" Nakayuko at napapabuntong-hininga na tanong ko pa dito.

"Sa tingin ko naman ay magiging ok ka lang wife. Just think of me if you are going to sleep then you'll be fine" wika nito dahilan para lalo akong sumimangot. Walang gana na sinimulan ko nalang ulit kainin ang hawak kong sandwich. "By the way wife, may naisip kana bang course na gustong kunin ngayong patapos kana ng grade 12?" Tanong ulit nito.

Natigilan akong muli sa aking kinakain at napaisip ng malalim. Naalala ko bigla na nag-exam kami online ni Maxinne no'ng nakaraang buwan sa isang school na mamimili ng mga estudyante na pwedeng mag-aral abroad. Ang alam ko nga ay next week na ang labas ng resulta. Hindi na ako umaasa na mapipili ako doon at saka parang ayaw ko nang pumunta abroad kung sakali dahil ayaw ko namang maiwan dito si Maximo.

"Wala pa. Mag-iisip palang ako" nakangiting sagot ko naman kay Maximo kahit nasa laptop lang nito ang atensiyon. Napasimangot ako. "Busy"

"I love you wife" wika nito dahilan para mapangiti ako. "I'm sorry if I'm busy. I just need to rush this paper wife before seminar so I have nothing to worry about" Paliwanag pa nito.

"Ok lang" wika ko naman dito bago masiglang bumalik sa pagkain. Muli kong sinubuan ng bacon si Maximo na agad naman nitong tinanggap. Napangiti ako dahil doon.

––

Brylle Maximo

Napalingon ako kay Alana Candra sa huling pagkakataon bago ako sumakay sa aking kotse. Ngayon ang simula ng aming 3 days seminar kaya may kaunting disgusto sa aking pag-alis. Tsk! "Damn this love! It makes me weak and too emotional" Napapabuntong-hininga na bulong ko sa aking sarili.

IHSW: I'm His Student Wife ✔[COMPLETED]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα