bonus

20 1 0
                                    

Soonyoung's P.O.V.

Magsilabasan na ang mga shippers diyan kasi ang mga papa niyo ay pumunta sa Enchanted Kingdom amusement park! By mga papa, kami-kami ng SEVENTEEN members syempre.

Dapat kami lang talaga ng bebe ko yung mag-eenjoy ngayong araw pero narinig ni Mingyu na may plano kami pumunta ni Jihoon sa amusement park, edi si gaga nagsabi sa iba kahit sabihan ko siya na para kay Jihoon lang yung surprise date. Kaya eto kami ngayon sa amusement park, napa-hextuple date tuloy kaming lahat. Daldal kasi ni Mingyu kahit kelan!

Sana magawa ko pa rin ang surprise ko sa dulo kasi napaka-importante talaga nun. Hindi dapat siya pwede ma-spoil ng kung sino!

Ano yung surprise? Hehe, secret! Basahin niyo muna ito hanggang dulo. <33

Pumasok kami lahat sa loob, syempre magka-hand in hand sa mga jowa namin. Well, maliban kay Chan kasi bata pa yun tsaka di na muna siya pwede magka-jowa! Kaya kayong mga Dino bias diyan, hinay muna kayo ah. Off limits siya! (A/N: Joke lang toh. Huwag niyo damdamin ah <3)

"Hyung! Punta ako dun sa mataas na rollercoaster ah! Ba-bye!" sigaw ni Chan habang tumakbo papalayo nang hindi man lang inantay ang sagot nila Cheol-hyung.

"Hoy, Lee Chan! Hindi pa kami pumapayag! Lee Chan!" ang pagsigaw ni Jeonghan-hyung, pero hindi na siya narinig ng bata sa sobrang excite. "Jun, Minghao, sundan niyo nga siya! Baka maligaw yan!"

Tumango ang dalawa at mabilis na tumakbo para habulin ang makulit na maknae. Dapat pala may ka-duo yun para hindi sinisira ang vibes ng ibang mag jowa. Pero ayos lang naman kasi cutie patootie naman ang maknae namin. Kaya niya na sarili niya haha. Charot!

Hindi pwedeng mapag-isa yun! Last time na nag outing kami, mag-isa siyang namasyal. Tapos biglang tinawagan sila Han-hyung, umiiyak kasi nawawala daw siya. Kaya mas mabuti na ngang siraan niya yung date ng JunHao haha. Bahala sila mag-babysit muna.

Nagsi-alisan ang mga magjojowa kasi syempre kahit magkakasama kami, need namin ng bebe time noh. Pero hindi naman agad-agad kasi pinagsabihan muna kami nila Cheol-hyung na huwag tatagal at magkita-kita sa iisang lugar bago mag 10 PM. Syempre pumayag kami, hindi namin pwedeng tanggihan si boss Scoups noh, baka magsumbong sa manager namin at matanggal pa kami sa grupo hehe.

"Jagiyaaa~ San mo gusto pumunta?" tanong ko sa bebe ko habang pinapagiwangin ko ang mga kamay namin. Tumingin siya sa paligid namin at biglang tinuro ang isang malaking barko. Nakita ko dun sa malaking sign ang nakalagay na, ANCHORS AWAY! (A/N: Syempre dun ako sa alam ko diba. Wala naman akong alam na amusement park rides sa Korea. Hanggang Pilipinas lang abot ng ate niyo.) –Shet, mukhang nakakatakot siya. Pero kung gusto dun ng bebe ko, g na g ako! "Gusto mo dun, mahal?"

"Oo, mukhang masaya. Kung dun man ako mamamatay, at least mamamatay ako sa saya," Sabi niya na medyo seryoso pa ang tinig. Napahiyaw naman ako sa sinabi niya. Luh, bat naman ganun mag-isip ang jagiya ko?!

"ANONG MAMAMATAY?! WALANG MAMAMATAY DITO NOH! MAGPAPAKASAL PA TAYO!!"

"Hayst, ang ingay mo. Tara na dun dali," sabi niya sakin habang hinihila ako.

Ang tagal namin nag-antay sa pila, pero hindi naman tumagal ng 30 minutes. Kapag ganun na katagal yun ay aba, aalis nalang kami! Pero eto na nga, pumunta na kami dun sa barko at sumakay. Syempre inayusan pa kami ng pwesto para equal daw yung sa upuan. Ayos lang kasi kasama ko pa rin naman ang bebe ko. Yiee, nakaka-excite!

Bago magsimula ang ride, nag-selfie muna kami ni Jihoon para memories ganun! May pa-kiss pa nga ako sakaniya sa isang picture ihh. Hindi naman makatanggi ang bebe ko kasi syempre ang gwapo ko!

hanggang kailan | soonhoon filipino auWhere stories live. Discover now