cinco

14 1 0
                                    

at tanging ikaw lang ang
pumapawi sa mga luha at
naglalagay ng ngiti sa mga labi

At sa wakas natapos na siya sa trabaho. Mabilisan na sinave ni Jihoon yung mga files bago niya patayin ang mga equipment sa recording studio. Gusto niya na makauwi at mag shower sa mainit na tubig. Gusto niya na muli maging fresh kaya mabilisan na niyang inayos ang ibang kagamitan sa kwarto.

Last na pinatay ni Jihoon ang computer niya at ang mga speakers bago siya nag-ayos ng gamit. Maya-maya, pinatay niya na ang mga ilaw sa loob ng kwarto at lumabas na ito. Tinignan niya ang kaniyang phone para makita ang oras. 12:37 AM.

Mukhang maaga siya nakatapos. Nag-inat na lamang si Jihoon habang naglakad papunta sa practice room nila dahil nakita niya na nakabukas pa ang ilaw dito. Baka kinalimutan nila patayin bago umalis.

"Hay nako, mga makakalimutin na sila," sabi ni Jihoon nang pumasok sa loob ng kwarto. "Hindi talaga marunong magpatay ng ilaw kahit kailan. Paniguradong si Mingyu nanaman inutusan pero hindi inalala. Letche. Mababatukan ko talaga yun."

Papatayin na sana ni Jihoon yung ilaw nang may nakita siyang may nakahiga sa lapag. "Soons?" bulong ni Jihoon at lumakad papunta kay Soonyoung. Mukhang natutulog si Soonyoung kasi nakapikit ang mga mata nito. Pero parang iba yung feeling na naramdaman niya sa aura ni Soonyoung. Parang malungkot.

Lumuhod siya sa tabi ni Soonyoung at tinapik ito. "Soonyoung? Bakit andito ka pa?" tanong ni Jihoon habang sinusubukan na gisingin si Soonyoung. Gumalaw naman si Soonyoung pero hindi pa rin siya nagising. "Soons, gising na. Uwi na tayo."

Ilang oras kaya nag-antay si Soonyoung dito sa practice room? Siya ba ang hinahantay niya kaya hindi pa siya umuuwi?

Nag buntong hininga si Jihoon nang tumalikod si Soonyoung sakaniya. Tumingin lang sa lapag si Jihoon. "Soonyoung... I'm sorry..." binulong niya. Naramdaman niya na ang sakit sa kaniyang dibdib habang dahan-dahang pumapatak ang mga luha niya sa kaniyang kamay. "Hindi ko sinasadya na saktan ka. Ayaw na ayaw kong magalit sayo. I'm sorry dahil stressed out ako at nilabas ko sayo yung galit ko." ang paghibik niya, "I'm sorry talaga, mahal."

Nagulat si Jihoon nang biglang narinig niyang humagulgol si Soonyoung, ang katawan nito ay umaalog dahil sa pag-iyak. "S-Soons, naman, b-bakit ka u-umiiyak?" ang tanong ni Jihoon habang humagulgol na rin ito sa iyak. "Soon-y-young!"

Umupo si Soonyoung at humarap sa boyfriend niya, iyak pa rin siya ng iyak. Niyakap niya ang binata at pareho silang umiyak ng malakas. "J-Ji! I'm sorry s-sa kakulitan k-ko! Hik!" Ang iyak ni Soonyoung at hinaplos niya ang ulo ng kaniyang jowa.

"H-hindi! A-ako dapat m-mag sorry, Soons!"

"Ako r-rin noh! I m-miss you!"

"N-namiss r-rin kita, S-Soons!"

Hinaplos ni Soonyoung ang basang pisngi ni Jihoon habang nakangiti at umiiyak. Nang tumawa ng mahina si Soonyoung, nakitawa rin si Jihoon. Parehong namumula ang kanilang mga mata at mukha sa sobrang iyak lalo't na sinok pa sila ng sinok. Dahil sa itsura nila, natawa nalang sila pareho.

"O-oh, huwag na iiyak, mahal. Bati na tayo ah?" sabi ni Jihoon at hinalikan ang ilong ni Soonyoung. "I love you, Soons."

"I-I love you more, Jihoon," bulong ni Soonyoung at hinawakan ang likod ng leeg ng binata habang nilapit ang mukha. Hindi na nag-alinlangan pa si Jihoon at hinalikan kaagad ang jowa.

Lasang-lasa pa nila ang maalat na luha na pumatak sa mga pisngi at labi nila, pero hindi nila iyon pinansin at patuloy na naghalikan. Maayos na muli sila at nakabalik na sila sa piling ng isa't isa. Ayun lang ang mahalaga ngayon.

Tumagal pa ang kanilang halikan hanggang sa nagmaktol ang tiyan ni Jihoon. Nag pull away sila at tumawa. Pinunasan ni Soonyoung ang mga basang pisngi ni Jihoon. "Nagugutom ka ba, Ji? Tara kain muna tayo. Libre ko," aya ng binata.

Tumango si Jihoon, nakangiti sakaniya. "Sige. Pero ayoko na libre mo, ako naman manlilibre. Kahit saan mo gusto, libre ko." Sabi naman ni Jihoon at hinalikan muli ang labi ng binata.

Agad-agad silang tumayo at sininghot ang uhog sa ilong nila. Binigyan ni Jihoon si Soonyoung ng tissue, "Oh eto, labas mo muna yang sipon mo. Para kang tanga eh," asar niya.

Tumawa lang si Soonyoung pero sinunod niya ang binata. Matapos na nagtahan ang kanilang mga sarili, nag lean in ulit si Soonyoung para halikan si Jihoon sa labi. Mga ilang segundo, nag pull away sila at ngumiti sa isa't isa. "I love you, Ji."

"I love you too, Soonyoung."


uy bati na sila

hanggang kailan | soonhoon filipino auWhere stories live. Discover now