dos

13 1 0
                                    

umuwi ka na baby
'di na ako sanay ng wala ka
mahirap ang mag-isa
at sa gabi'y hinahanap-hanap kita

Nag-inat si Jihoon matapos na isara ang pinto sa likod niya. 2 o'clock pasado na nang matapos siya sa recording studio. Halos ilang oras rin siya dun. Pero hindi na bago sakaniya kasi ilang beses na siya umuuwi gabi-gabi.

"Soons? I'm home!" tawag ni Jihoon, pero walang sumagot. Kumunot yung noo ni Jihoon dahil dito. Normally, kahit late na siya umuwi, nakaantay si Soonyoung sakaniya tas kapag tumawag siya, sasagot naman ito. "Soonyoung?" ang pagtawag muli ni Jihoon.

Tahimik ang paligid maliban sa isang electric fan na nakabukas sa sala. Mukhang kinalimutan nanaman ni Soonyoung patayin. Nilagay ni Jihoon yung gamit niya sa sofa at sinara yung electric fan. "Hay nako, ilang beses ko ba siya sasabihan na patayin lagi yung electric fan bago pumunta sa ibang kwarto?" Ang bulong ni Jihoon sa sarili. "Asan ba siya?"

Naglakad si Jihoon papunta sa kusina dahil nakita niya na bukas ang ilaw dito. Magmumura na sana si Jihoon dahil kinalimutan nanaman ni Soonyoung na patayin ang ilaw sa kusina, pero hindi na natuloy ito nang makita niya si Soonyoung na nakahilatag ang mukha sa table.

"Soons? Bat dito ka naman natulog?" bulong ni Jihoon habang tinapik yung balikat ng jowa niya. Napansin niya na may ulam na nakahanda sa table at may note rin na nakadikit sa isang platito. Kinuha ito ni Jihoon para basahin ang nakasulat sa papel.

Dear my Uji,

Jiii! Hinanda ko toh para sayo kasi alam kong lagi kang nagugutom pag-uwi. Baka malamig na kaya initin mo nalang. Favorite mo ang niluto ko kaya ubusin mo lahat ahh! Hehe <3 Pahinga ka ng maigi, my love!

Love, your one and only Tiger<33

"Hay nako, pasalamat nalang apaka-kyut mo," sabi ni Jihoon habang nakangiti na parang tanga lang. "Opo, uubusin ko po lahat ng ito. Soons? Gising ka na, lipat ka dun sa kwarto." bulong ni Jihoon habang inaalog ang binata.

"Hmm, Ji...?" bulong naman ng jowa niya at inangat ang ulo para tignan siya. "Nakauwi ka na?"

"Oo, kaya tumayo ka na diyan at pumunta sa kwarto natin. Dun ka na matulog, okay?" sabi ni Jihoon at tumayo naman si Soonyoung habang kinukuskos ang mga mata gamit ang kaniyang kamay. Inalayan ni Jihoon ang binata paakyat sa kanilang kwarto. "Oh, dahan-dahan ka, baka madapa ka."

"Sasabayan mo na ba ako?" ang tanong ni Soonyoung matapos na hinatid siya ni Jihoon sa kwarto nila. Binuksan ni Jihoon ang pinto at hinatid ang jowa sa kama.

Umiling si Jihoon, "Hindi na muna. Kailangan ko pang kumain at mag shower. Mamaya sasamahan na kita sa kama, ah?"

"Okay," sabi ni Soonyoung at humikab. Gumapang siya sa gilid ng kama nila habang pumasok sa ilalim ng kumot. "Balik ka agad ah. Please?"

Tumango si Jihoon at hinalikan ang noo ni Soonyoung. Tinapik niya naman ang dibdib nito, "Opo, babalik ako agad. Tulog ka na ahh. I love you."

"Hmm, I love you..."

Nang pumikit si Soonyoung, tahimik na lumabas si Jihoon sa kwarto nila at pinatay ang ilaw sa loob. Bumaba siya para pumunta muli sa kusina. Kinuha niya ang ulam na hinanda para sakaniya ang nilagay ito sa microwave para initin.

Ang sweet ni Soonyoung, noh? Gabi-gabi niya tong ginagawa kapag late na umuuwi si Jihoon. Pero kung di naman siya late, magsasabay sila at kakain sila sa labas. Ganun lagi yung ganap sakanila, pero di naman sila nagsasawa dahil naniniwala sila na at the end of the day, magkasama pa rin sila at sapat na ang lahat. Sana ol, shet.

Natapos na kumain si Jihoon matapos ang ilang minuto. Patuloy naman itong naghugas ng mga pinggan, at pagtapos naman nun, umakyat na ulit siya para mag shower. Gotta stay fresh, syempre.

Oh time skip ulit, natapos na maligo si Jihoon at nakabihis na. Medyo tinamad na ako na iexplain lahat pero basta fresh na siya, tuyo na ang buhok lahat-lahat at nakabalik na siya sa kwarto nila.

Dahan-dahan siyang pumunta sa kabilang gilid ng kama at pumasok sa ilalim ng kumot. Nang naging kumportable na siya, humarap siya kay Soonyoung at niyakap ito. Si Soonyoung naman, kahit tulog, mabilis na niyakap ang binata at siniksik ang mukha nito sa leeg niya.

"Andito ka na...?" ang mahina na sabi ni Soonyoung, "Jihoon..."

"Oo, mahal, andito na ako. Tulog na tayo. I love you." bulong ni Jihoon at hinalikan muli ang noo ng jowa habang minamasahe rin nito ang ulo. Hindi na nakasagot si Soonyoung kasi mabilis na tong nakatulog matapos imasahe ni Jihoon yung likod ng ulo niya.

Mga ilang minuto ng lumipas, nakatulog na rin si Jihoon.


saksakin niyo nalang ako

hanggang kailan | soonhoon filipino auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon