Chapter 9

120 21 8
                                    

B R E A T H   O F   J U N E
A story written by Belilanca_

---

H i s  D i a r y

---

I saw how her tears fell down from her eyes. She's crying after what I just confessed.

Nataranta ako at mabilis hinaplos ang kaniyang pisngi.

“H-Hey.. why? M-May masama ba akong nasabi?"

Nakangiti siyang umiling sa kabila ng luhang patuloy na umaagos sa kaniyang mata.

“I.. I can't believe someone's not scared of me."

My face softened. I don't know why, but there's a weird feeling inside me. I don't want others to hurt her.

“Paano ako matatakot sa'yo kung gusto nga kita?"

Natigilan siya, nakita ko kung paanong naging ilap ang kaniyang mata, maging ang pagpula ng kaniyang pisngi.

Manghang mangha kong pinapanood iyon at hindi ko maiwasang mapatitig lalo.

“W-Why.. me?" Hindi ko inaasahang tanong niya.

“Why not you?" Kunot noo kong tanong pabalik.

She bit her lower lip, sinundan ko iyon ng tingin na nagpalunok sa'kin.

“I.. I'm not normal,Noah."

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Gusto ko siyang protektahan kung hahayaan niya lang akong gawin iyon.

“June," hinawakan ko ang kaniyang baba upang iangat sa akin.“You're unique.. and I like you for that."

“If you like me.." bumuntong hininga siya sa kawalan at muling bumaling sa'kin. “Can you take me to somewhere peaceful?"

Ngumiti ako at mabilis na tumango.

“Sure! Are you good to go? I mean.. hindi ba magagalit ang parents mo?"

Umiling siya at ngumiti kaya mabilis ko siyang hinila papunta doon sa kotse ko malapit sa bahay nina Darrick. Napansin ko pa nga ang madilim na bahay nila June, mukhang walang tao.

As soon as we reached at my parked car, mabilis ko siyang inalalayan papasok at saka minaneho ang kotse palabas ng village.

“Is it your first time going out?" I asked in the middle of our long ride.

She's looking outside the window, like how she used to do when the very first time I saw her.

“Y-Yeah.. my parents won't let me."

“Would you mind if I ask why?"

Natahimik siya, kapagkuwan ay suminghap ng hangin.

“Err.. they don't like to see other people bullying me. I understand them anyway."

Maliit akong ngumiti habang nasa daan ang tingin.

“I admire them for raising a kind girl like you. I mean.. tignan mo iyong ibang kabataan na pinagbabawalan, they tend to do things against their parents. Karamihan sa kanila ay nagrerebelde, but look at you. Well raised."

Nang bahagya ko siyang sulyapan ay nakangiti na siya. Hindi ko maiwasang matulala sa kung gaano siya kagandang ngumiti.

“Keep doing that,"

Nagtataka siyang napalingon sa'kin. I can't help but smile. Masaya ako na komportable at hindi siya naiilang sa'kin.

“Ha?"

“Keep smiling.. it makes you look more.. beautiful."

She blushed. I chuckled.

Nang makarating kami sa paroroonan ay masarap na simoy ng hangin ang sumalubong sa'min.

I saw how she's astonished watching the whole place. We are at the coastal area of the town.

“A-Ang ganda.."

“I'm glad you like the place."

She turn her gaze at me, smiling that makes my heart beats fast.

“I love it!"

Napahalakhak ako at inaya siyang pumunto doon sa buhanginan. Nagdala rin ako ng sapin at inilatag iyon sa buhangin upang malaya kaming makakaupo.

“Thank you."

“Don't mention it." I said smiling.

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin pagkatapos. She is so busy watching the moon shines amidst darkness. Habang ako ay tahimik lamang na pinapanood ang pagkurap at pagkurba ng ngiti sa kaniyang labi.

She really love the view, I wonder what she's thinking.

“Do you know what's my favorite view?" Pagwasak ko sa katahimikan.

“H-Ha? Ano?"

I gave her a smile and took away some strands of her hair that's covering her face.

“You, you are my favorite view that I love to watch."

Nag iwas siya ng tingin, mukhang naiilang.

“U-Uh.. what do you want to take in college?" Pag-iiba niya.

Napatingin ako sa maliwanag na buwan na nagrereplika sa dagat.

“I want to be a doctor, so yeah I'll be taking medicine. What about you?"

Natigilan siya, mapait na ngumiti dahilan para makaramdam ako ng kalungkutan.

I was never good to any girls I flirted, I tend to break their heart after using them. But now, I can't still believe that the jerk Noah is now changed. I badly wanna change for her, June. I want her to see me as a good man. I want her to trust me because unlike those women I've been with, I will never break her heart.

“I don't know.. ever since hindi ko alam kung ano ang gusto kong maging." Natawa siya sa sarili na bahagya kong ikinangiti. “Minsan nga napapa-isip ako, may be I'll die young kaya wala akong pangarap sa buhay."

My jaw clenched, hindi ko nagustuhan ang kaniyang sinabi.

“Pero ngayon napagtanto ko na ang dami ko pa palang gustong gawin. Ang dami ko pang pangarap na magawa. Sumakay ng eroplano, libutin ang mundo, magkaroon ng maraming kaibigan.. at magmahal." She said, now looking at me. “Lahat ng 'yon na-realized ko simula no'ng.. makilala kita, Noah."

Dear Diary,

Tonight, I am watching her colorful eyes that tells something her mouth cannot. Her feelings.

Love, Noah.
×××××

Breath Of JuneWhere stories live. Discover now