18

114 16 5
                                    

Walang salita ang makakapaglarawan sa nararamdaman nila nang araw na iyon. Hindi man lang naging mabait ang langit para unti-unti at malumanay na ibigay sa kanila ang katotohanan. Sa halip, walang awa na biglang ibinato iyon ng tadhana. Walang paki-alam sa babasagin at malambot na puso ng isang ina. Walang awa na winasak at nagkapira-piraso. Dinurog nila hanggang maging abo. Nilipad na ng hangin ang katiting na pag-asa na makamit nila ang hinahangad. Wala na.

"Leona!" tawag niya ngunit hindi siya nilingon. Dire-diretso ang lakad ng asawa patungo sa loob ng bahay nila. Isinara niya ang pinto ng kotse. Hinabol niya ito.

Sumunod si Aries sa likod ng asawa na malalaki at nagmamadali ang hakbang. Tumatakas ang babae sa sitwasyong 'di niya matanggap.

"Leona, wait! Let's talk about it."

Parang karma niya ang nagaganap. Si Leona naman ang ayaw kumausap sa kaniya.

"Mama!" Masayang bati ni Archie na sumalubong sa ina. May hawak siyang action figure ni Optimus Prime. "Mama, welcome home! Where's my pasalubong?" Nilagpasan lang siya ng nanay niya. Hindi siya pinansin.

"Leona," tawag niya muli sa asawa ngunit wala nang lakas. Napagod na siyang sumigaw. Napahinto siya sa paglalakad nang matanaw na pumasok sa silid nila ito. Nagkulong sa kwarto ang babae.

Napabuntong-hininga na lang siya. Ilang segundo na tumayo lang siya roon, nakatanaw sa pinto.

Hindi niya makaka-usap ang 'di bingi ngunit ayaw makinig. Masikip na ang laman ng isip ng asawa, puno na at wala nang lugar para sa mga salita niya. Hindi rin naman niya alam kung ano ang tamang sasabihin.

"Hayaan mo ko muna siyang magluksa," iyon na lang ang naisip niya.

"Walang pasalubong, right?" Napalingon siya nang marinig ang malamyang boses ng anak sa likod.

Naawa siya rito. "I'm sorry..." iling niya.

Mali. Hindi iyon nakabuti sa bata. Pakiramdam tuloy ni Archie, hindi siya naalala ng mga magulang. Lumaki ang simangot nito sa mukha kasabay ng paglabas ng mga luha.

"Archie, don't cry." Nakonsensya naman siya na lumuhod at pinunasan ang mga mata nito. "Oorder na lang tayo, okay?"

Mahinang hagulgol lang ang sinagot nito. "S-She ignores me..."

Kinabig niya ito palapit at niyakap. "Tahan na. Masama lang ang pakiramdam ng Mama mo. Be open-minded and learn to understand her, okay?"

Maiintindihan nga ba iyon ng bata? Pero may magagawa ba sila?

Napilitan na lang itong tumango sa tanong ng ama.

"Good. It's okay to cry, anak. That's what makes us human, but it's not okay to keep crying about it. Once is enough," aniya habang inaayos ang magulong buhok ng anak at pinupunasan ang mukha nito na may sipon at luha.

Tumango si Archie at tumahan na rin. Bata pa siya ngunit matured nang mag-isip. Naalala ni Aries si Andrea. Ganito rin kaya siya ka-matured noong nabubuhay pa siya? Marahil.

***

Ibinilin muna ni Aries ang anak kay Manang Bertina. Nangungulit na ito sa katulong na nasa bakuran. Tutulungan daw niya si Manang sa pagsasampay ng damit. Simple lang talaga ang mga bata, iiyak pero maya-maya, tatawa na.

Naglalakad habang may kausap sa phone si Aries. Patungo siya sa garahe. "Yes, please add more gravy, thank you," sabi pa niya sa delivery habang nakatapat ang phone sa tainga.

Pinutol niya ang linya at isinuksok ang phone sa bulsa. Binuksan niya ang kotse at may kinuha sa loob niyon. Inabot niya ang photo journal ni Queenie na nakasuksok sa gilid ng driver's seat.

Umupo muna siya sa loob ng kotse habang binabasa ang laman ng journal.

Project in English II . Fourth Grading Period

"My English Teacher said that we need to make a photo journal of someone we adore and love so much. Most of my classmates choose their mom, dad, and their siblings, but I want to be different, so I choose someone else in my photo journal."

Bahagya siyang napangiti sa paraan ng pagsusulat ng English ni Queenie. Halatang galing sa high school student ang journal. May mga maling grammar at spelling pa nga.

"Not because I don't like my family. No. I love them though they're annoying most of the time. I choose Andy because I adore her. I'm 14, and she's 7, but we're best friends."

Maganda ang pagkakakuha ni Queenie ng mga larawan nila. Malinaw, masaya at punong-puno ng buhay. Napapangiti siya.

"Andy loves pressing flowers. We always search for flowers in our area to pick some of them, and then we put them inside our books to press them. She doesn't go to school, but she love's reading. I give her one of my books, Cinderella. She commented that Cinderella's step-mom looks like Livana."

"At first, Livana was very kind to her, but after one year, her adoptive mother mistreated her. It might be because of the new business of rocks. Her adoptive family becomes terrible. Her mom frequently gets angry because of money and rocks. I ask her why she's angry about rocks?"

"Andy told me, it's not an ordinary rock. Ryman, her dad, told her once that those magical rocks will make you go to the fantasy world."

Nagbago agad ang reaksyon ng mukha niya nang mabasa iyon. Napalitan ng pagkasindak ang ngiti niya kanina. Barok man ang ingles, naintindihan niya kung anong tinutukoy ni Queenie at Andrea sa journal.

"Lately, she's been hurting a lot. She shows me her new bruises. She said it hurts so much to pee, and she wants a doctor, but her mom said they don't have money for doctors. Every night when she can't sleep, she will pray to God to take her.

Andy tells me stories of her friends, teachers, and sisters in the orphanage. She talks a lot about her mama Emmaline. I feel so sorry for Andy. She wanted to go back to the orphanage but couldn't. I'm always kind to her. I asked her to be my sister and live with us. But she declines the offer because she's afraid of her new parents."

Tumigil siya sa pagbabasa. English-Carabao man ang ibang parte, naintindihan niya ang laman. Sapat na iyon.

Hindi na niya kayang ipagpatuloy pa. Nasasaktan lang ang puso niya sa mga nababasa niya. Kung siya naapektuhan sa mga nakasulat doon, paano pa kaya kung malaman ito ni Leona?

"Hindi iyon aksidente!" Naaalala pa niya ang sinabi sa kaniya ni Queenie bago siya umalis sa apartment nila. Sigurado na siya. Inabuso ng mga adoptive parents si Andrea.

"But her cause of death is unknown," naibulong ni Aries. "Sinadya nga ba? Nahulog nga ba sa apartment? Walang kasiguraduhan ang sagot."

Unti-unting nagliwanag ang mukha niya nang may maalalang tao. Kinuha niya muli ang phone sa bulsa at tinawagan ang nag-iisang Private Detective na kilala niya. Bago sila magkahiwalay ni Giordani ng landas, nag-iwan ng numero ang lalaki.

"Hello? Good afternoon. Jarvis? It's me, Aries. I need your help."

***

Welcome Home, Baby Andrea (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon