III

2 1 0
                                    

Nasa school ako kasi ngayon ang signing of clearance namin.

"Michelle!" Pag lingon ko ay nakita ko si Felisse na kumakaway sa akin, nasa kabilang kanto siya at tumatakbo papunta sa akin ng may isang truck na papunta rin sa direksyon niya, hindi ko siya pinigilan kaya naman nabangga siya nito.
Tumilapon ang kanyang ulo at napunta sa paanan ko, sumigaw ang mga tao sa paligid habang ako naman ay minamasdan ang ulo ng bestfriend kong si Felisse. "Sa wakas at wala ng mas magaling sa akin nga-

"Huy! Ba't tulala ka?" At dun ko na realize na imahinasyon ko lang pala ang lahat ng iyon. Sayang naman.

"Ah wala, may iniisip lang ako. Halika na nga baka biglang tumaas ang pila ngayon sa cashier." Hinila ko nalang siya at baka ako pa mismo ang tutulak sa kanya at masagasaan na nga siya.

Habang naglalakad kami papuntang cashier ay nakita ko si Gav na nakasandal sa kanyang locker at parang may ka text.

Gav is my highschool crush, yes, oo. Highschool palang kami crush ko na siya but i didn't tell anyone about that lalo na kay Felisse baka kasi eh tuksuhin niya pa ako, nakakahiya naman.

Nakangiti pa ito habang busy sa kanyang cellphone.
"Omg!" Nagtaka naman ako kay Felisse bigla nalang kasi siyang napatili.
"Nag-text ang boyfriend ko, magkikita daw kami mamaya pagkatapos kong magpa sign ng clearance."
"Wait, may boyfriend kana Felisse? Ba't di mo ako sinabihan?"
"Michelle, ganito kasi yan. Kahapon lang naging kami kaya hindi ko pa nasasabi sayo." Nag pa-pout pa siya habang sinasabi yon.

"Eh sino ba yang boyfri-"

"Love!" Napalingon naman ako sa pamilyar na boses na yon. Bigla naman siyang lumapit kay Felisse at hinalikan ito sa noo.

"Uhm Michelle, Gav's my boyfriend."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MICHELLEWhere stories live. Discover now