II

1 0 0
                                    

Nasa kama ako ngayon , sinusubukang matulog ng naramdaman kong may nakadikit sa aking leeg. Napaungol ako at nagsimulang magpaikot-ikot, ngunit mas humigpit lang ang pagka hawak nito. Sinusubukan kong sumigaw ngunit di ko magawa at para bang hinihingal pa.
Bigla nalang pumasok si mommy sa kwarto ko.

"Michelle! Gising! " sabi niya habang niyuyugyog ako.

Biglang namang bumukas ang aking mga mata at sa wakas ay nakakahinga na ako. Nang kumalma na ako dahan-dahan akong tumingin sa ibaba, at napagtantong sarili ko palang mga kamay iyong nasa leeg ko. Napaiyak nalang ako at yumakap kay mommy at ganon din siya sakin, takot na takot ako at di ko rin alam kung ba't nagawa ko yon.

"Michelle! Ano na naman ba ito? Gusto mo bang patayin ang sarili mo?" Ng sabihin iyon ni mommy ay para bang bumalik na naman iyong mabigat sa pakiramdam ko. Inalis ko ang pagkayakap ko sa kanya.

"Umalis kana dito mommy." Sabay turo sa pintuan.
"Miche-"
"UMALIS KANA MOMMY!" pasigaw kong sabi, di ko mapigilang isipin na pag hindi pa siya aalis didto ay baka kung ano pa ang magagawa ko sa kanya. Kita naman sa mukha ni mommy na gulat na gulat siya sa pinakita kong asal sa kanya kaya umalis nalang siya at isinirado ang pintuan.

Dahil sa pangyayaring iyon ay hindi na talaga ako nakatulog dala narin ng takot na baka magawa ko ulit yon sa sarili ko.

MICHELLEWhere stories live. Discover now