I

6 1 0
                                    

Michelle's POV


After a long day at school, nag decide na kaagad akong umuwi dahil excited na akong ipakita sa mommy ko ang grades ko for this semester. 6 out of 9 subject, 1.1 ang grade ko while yung iba nasa 1.3-1.5. And i'm sure na hindi magagalit si mommy dito kasi matataas din naman to.

--

“Ba't may 1.5 ka Michelle? Akala ko ba nag-aaral ka ng maayos ha? Gusto mong maging proud ako sa iyo diba? Pero ba't ganto? Ikaw pa naman ang mag mamana ng kompanya natin Michelle!” Galit na sabi ng mommy ko at nakikita ko talaga sa mukha niya yung disappointment.

“My, ginawa ko naman po yung bes-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagtanong

“Eh si Felisse ba? Mas mataas ba grades mo sa kanya?” umiling ako kaya mas lalo siyang nagalit sa akin.

“Kita mo na, mas magaling pa pala sayo yang bestfriend mo eh sabay lang naman kayong nag aaral sa tuwing may quizzes o exams kayo. Eversince you were little hindi mo na malamangan yang si Felisse, Ano bang meron siya na wala ka ha?”

Tahimik at walang emosyon akong nakikinig sa mga pinagsasabi niya, bata pa lang ako kinukumpara na niya ako kay Felisse.


Felisse is my bestfriend.


5 years old lang ako ng bumalik kami dito sa Pinas at dito na ako pinag aral ni mommy, sa school naman  ay wala akong kaibigan ni isa at nahihiya  rin akong makihalubilo sa mga classmates ko, si Felisse lang yung kumausap sakin kaya simula non ay di na kami mapaghiwalay pa.


“Sumagot ka michelle!” sigaw ng mommy ko.
“pagod ako, matutulog na ako.” Sabi ko na walang emosyon.

Dati okay lang naman sakin kung pinagsasabihan niya ako tungkol kay Felisse, pero ngayon di ko alam pero pag binabanggit niya ang pangalan ni Felisse eh kumukulo yung dugo ko sa galit at parang gusto kong manakit para mawala ito.

-------


Nakaupo lang ako ngayon sa dulo ng kama ko habang tinitingnan ang hawak kong picture namin ni Felisse, naka akbay ako sa kanya at siya naman ay nakahalik sa pisngi ko.

“Pano ba kasi kita malalamangan Felisse?”

Parang bumalik na naman yung pakiramdam na di ko maintindihan. Para akong galit na hindi, gusto kong manakit  gusto kong sumigaw gusto kong magwala.
hindi ko na namalayan na pinunit ko na pala ang picture naming dalawa.

Bumunting hininga nalang ako at itinapon inyon sa basurahn at humiga na sa kama para matulog.

MICHELLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon