synopsis

5 1 0
                                    


Kinakaladkad ko ngayon papunta sa aming basement ang bangkay nang may kumatok sa pintuan. Mahinahon kong Ibinagsak ang mga paa nito at naglakad papunta sa pinto para buksan ito.

It was my bestfriend, The person I hated the most.

"Kamusta." Sabi niya, "Sana hindi kita naistorbo, may ginagawa ka ba?" Ngumiti ako sa kanya, "wala naman, bakit?"

May inabot siya sa aking poster ng nawawalang tao.
"Kung makikita mo ang mama ko , sabihan mo kaagad ako ha." Sabi niya na may halong pag-aalala. Tumango naman ako at sinabing, "Gagawin ko."

Pagkaalis niya, itinapon ko ang poster sa basurahan at ipinagpatuloy ang pagkaladkad sa katawan pababa ng basement.

Biglang nalang akong natawa, "Miss kana ata ng anak mo Tita."

MICHELLEWhere stories live. Discover now