Chapter XXIV

4.9K 1K 72
                                    

Chapter XXIV: Safe and The Prey and the Predator

Mayroong naiisip na paraan si Finn kung paano niya pipigilan ang dambuhalang bulalakaw, ngunit hindi niya sigurado kung makakayanan ba nito na lubusang pigilan ang isang bulalakaw na mas malaki pa sa kanilang sinasakyang air ship. Balak niyang gamitin ang kabuoang lakas ng mga magic cannon, at sabay-sabay itong paatakihin, ganoon man, hindi niya alam kung sasapat ba ang lakas ng pinagsama-samang atake ng magic cannon para wasakin ang bulalakaw.

Ganoon man, wala na siyang pagpipilian.

Kung mayroon lamang kumokontrol ng air ship, maaari siyang lumabas para sabayan ang mga atake ng magic cannon upang mawasak na ng tuluyan ang bulalakaw, pero hindi niya maaaring iwan ang pagkontrol sa kanilang sasakyan, at hindi niya sigurado kung mayroong marunong kumontrol ng air ship bukod sa kanya. Mas malalagay lang sa panganib ang kanilang buhay kapag iniwan niya ang pagkontrol sa air ship.

Hindi kagaya ng mga magic cannon na ginagawa ni Finn, ang mga magic cannon ng air ship na ito ay hindi dumedepende sa medalyon para kontrolin. Nasa silid na ito ang paraan para makontrol ang mga magic cannon kaya hindi niya maaaring iwan ang silid para sa pagkontrol sa air ship.

Bukod pa roon, hindi niya rin maaaring ibaling sa ibang direksyon ang pagpapalipad sa air ship. Hindi sila aabot, at kung umabot man sila, sa rami ng mga bulalakaw na bumubulusok sa kanilang paligid, baka mas lalo pa silang malagay sa panganib. Mahirap kontrolin ang paglipad ng air ship na ito dahil unang-una, hindi ito maunlad na sasakyang pangkalawakan. Isa lang itong ordinaryong air ship kaya ang mga kakayahan nito ay limitado lamang at hindi ganoon kahanga-hanga.

“Kailangan naming sumugal. Wala kaming pagpipilian kung hindi ang umasa sa mga magic cannon,” ani Finn habang taimtim na ekspresyong imahe ng dambuhalang bulalakaw na papalapit nang papalapit sa kanilang air ship.

Matapos makapagdesisyon, agad siyang kumilos. Itinuon niya na muli ang kanyang buong atensyon sa pagkontrol sa mga magic cannon. Itinutok niya ang lahat ng magic cannon sa dambuhalang bulalakaw, at sinimulan niya na ang pag-iipon ng enerhiya para sabay-sabay itong paatakihin.

Sa kabilang banda, sa silid kung saan naroroon sina Oyo at Temuer, bakas ang pagsisisi at pagkadismaya sa mukha ng dalawa dahil hindi sila makatulong sa kasalukuyang problema na kinakaharap nila. Nagsisisi silang dalawa dahil kung kailan kailangan ng kanilang mga kasama ang kanilang tulong, hindi sila makatulong dahil pagod sila at wala ng kakayahan na kumilos.

Subalit, hindi rin sila masisisi sa ganitong pangyayari dahil hindi nila inaakala na mangyayari ang bagay na ito. Hindi nila inaasahan na bigla na lamang may mga bulalakaw na sasalubong sa kanila habang sila ay naglalakbay sa kalawakan.

Dismayado silang dalawa. Nakakuyom ang kanilang kamao at nakasimangot sila, subalit wala silang magagawa kung hindi ang manood at humiling para sa kaligtasan ng kanilang mga kasama.

Samantala, sa labas ng air ship, nasaksihan nina Poll ang lahat ng pagbabagong ito. Naibsan ang pagkabahalang nararamdaman nila dahil sa dambuhalang bulalakaw.

Gusto rin nilang lumabas ng air ship upang tumulong, pero nasa proseso pa sila ng pagpapagaling. Makasasagabal lamang sila kung sakaling lalabas pa sila dahil wala na rin silang sapat na lakas para magpakawala pa ng atake na makatutulong upang mapigilan ang dambuhalang bulalakaw.

Tungkol kay Eon, bumalik na siya sa loob ng proteksyon ng air ship. Naiintindihan niya kung gaano kalala ang sitwasyon, at sa kasalukuyan niyang kalagayan, madadamay siya sa napakalakas na pagsabog sa oras na magbanggaan ang dambuhalang bulalakaw at ang pinagsama-samang atake ng mga magic cannon.

Hindi siya maaaring sumugal sa pagkakataong ito dahil alam niyang buhay na niya ang magiging kapalit kapag nanatili pa siya sa labas ng proteksyon ng air ship.

Legend of Divine God [Vol 10: Celestial Wrath]Where stories live. Discover now