"Congrats po," Doktora Reyes smiled at Euan. "Daddy ka na po."

Napaubo bigla si Euan at nanglaki ang mga mata. "Huy, anong daddy?! Kinakabag ka ba, doc?" he exclaimed, a little too loud. Napalingon sa kan'ya ang ibang nurses at ang mga dumadaang tao sa hallway.

Ngumiti lang si Doktora Reyes bago umalis. Si Euan naman ay medyo nailang dahil sa tingin sa kan'ya. Halos puno ito ng mga panghuhusga.

"Hala, di n'ya yata tanggap."

"Kawawa naman 'yong babae."

I became conscious of our surroundings. Hindi ko alam kung bakit may mga taong minamata ako. They don't even need to speak because their eyes are already telling me their thoughts.

"Solstice. . ." Euan softly called. Mukha siyang na-guilty dahil sa nasigaw n'ya. Mukhang kahit siya ay nadama rin ang mga tingin sa akin.

I looked young so people were probably assuming that I was too young to be a mother. Napabuntonghininga naman ako.

But, what is 'too young' or 'too old' when it comes to motherhood? Ano ba dapat requirements? Ano ba dapat kong gawin? I honestly don't know.

Being a mother is definitely not the only purpose of a woman, however it's commendable that a woman can live not only for herself anymore but also for her child. It's a choice and also a hard one to make. And I can't blame those who don't want to have children. Hindi rin naman ito ang sukatan ng isang babae. Not all women are capable of having children too. And not everyone is fit to be a parent.

I grew anxious about my future. My mother isn't even with me anymore. Sino ang kasama ko sa pagpapalaki sa kan'ya? Etienne isn't even. . .

I have been alone for most of my life, I could survive on my own but now that I have someone inside me. . . A real human being who also needs to live. . . Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ngayon.

How ironic how it could make me feel so alone even if I have someone literally inside my womb.

"Thank y-you," Euan stuttered. Napalingon ako sa kan'ya at kumunot ang aking noo.

Ano'ng nakain nito?

"Tatay n-na ako!" Euan shouted in a panic, pinagdaop n'ya ang kan'yang mga kamay. "Thank you kasi n-nabuntis kita!"

Nasamid si Snyder at kahit ako ay nanatiling nanglalaki ang mga mata. Patuloy ang ubo ni Snyder na may halong tawa. Tinatakpan n'ya ang kan'yang bibig.

"K-kaya huwag ka na malungkot! Kasi marami naman kaming bahay at lupa! Kahit sampu pa maging anak natin, mabubuhay tayo! Dagdagan pa natin ng lima!" Euan said, blushing.

"Ay weh? Kaya mo pa ba, mahal?" I teased Euan. Hindi na napigilan ni Snyder ang tawa n'ya.

"Magp-practice a-ako sa bahay. . ." bulong ni Euan na mukhang problemado.

"Go Euan, paramihin mo lahi ng mga Soteiro." Snyder coyly smirked.

"Papagurin ko si Solstice! Kaya ko 'yon!" Euan declared absentmindedly. Parang batang may gustong patunayan.

Namilog naman ang mga mata ko sa kan'yang sigaw. Tumikhim 'yong nurse ni Doktora Reyes na nakamasid sa amin. At ang ilang mga taong nakapalibot ay napa-"aw" na para bang hindi nila ako minamatyagan kanina.

"Sir, ikaw po ba ang daddy? Congrats po." The nurse smiled at Euan and her eyes flew towards Snyder with admiration. "Kayo po? Single po kayo?" hagikhik nito.

"Third party nila ako," Snyder deadpanned, obviously not interested. Umiling-iling na lang ako. Ang sungit talaga nito kahit kailan.

I appreciate that they want to divert the attention from me. Napangiti ako nang di ko namamalayan. Hindi naman pala ako nagi-isa.

Bits of Chemistry | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon