"Oh really? I didn't know na nandyan pala sila, pagkagising ko kasi wala nang tao dito sa bahay, ano bang ginagawa nila jaan?" tanong ko.

"Yun naman pala, binisita lang ang simbahan na silang nag sponsor. Ang ganda nga eh. Pumunta ka kaya rito?"

"Me? Hindi ko naman kabisado kung nasaan sila sa ngayon at ang lugar ninyo. Ayoko ko ring magpahatid sa driver kasi nakakahiya naman" banggit ko.

"Walang problema noh, susunduin kita jaan sa inyo" napabigla ako sa sinabi nito.

"Really? Hala pero ang layo kaya"

"Nukaba 50 minutes lang naman, at ang balita ko ay sa hacienda nila Don Ignacio sila manananghalian. Maganda dun teh kaya pumunta kana rito" sabi nito at hindi ko naman napigilan ang sarili ko at pumayag na lang.

"Oh sige, magbibihis lang ako ha. Ikaw rin" sambit nito at namaalam na.

I tried calling mom and dad at hindi nila sinasagot ang tawag ko same to mama Imee and pops. Kaya nag-iwan na lang ako ng message telling na susunod ako kung nasaan sila.

Pumunta na ako ng room at nagbihis na. Sinabihan ko rin si manang na aalis muna ako at susunod lang kila mommy.

"Magpahatid na lang po kayo sa driver ma'am" sambit nito.

"Nako huwag na po, susunduin naman ako ni Jessan"

"Ganoon po ba, mag-ingat na lang po kayong dalawa ma'am lalo't mga babae pa naman kayo" banggit nito at tumango lang ako at nagbihis na.

Ilang minuto ang nakalipas at tapos na ako kaagad namang nakarating si Jessan.

"Ang ganda pala talaga ng bahay ninyo teh, talagang yayamanin" giit nito.

"Nako hindi naman, it's just my family's hardwork kaya nasuklian rin ng ganito"

"Kaya naman pala, tara na?" sabi nito sa akin at kaagad naman din akong nagpaalam kay manang.

"Sige po ma'am mag-ingat po kayo ng kaibigan ninyo" at kami'y nagtungo na.

We traveled for approximately an hour until we arrived in their town.

Nang makarating kami ay I wear face mask para hindi ako makilala, baka kasi pagtipunan ako.

Nang makarating na kaming bayan ay maraming taong nagtitipon sa loob ng simbahan, akmang papasok sana kami ni Jessan pero hindi talaga kami makapasok.

"Teh hingal na hingal na ako, kanina ay ang comportable at ang luwag pa dito. Ngayon mukhang isang batalyon na ang mga tao rito"

"Nako, huwag na nating ipilit kapag hindi na tayo makapasok Jes. Ang mabuti pa ay igala mo na lang ako rito sa lugar niyo" giit ko naman.

"Hala uyy, sigurado ka ba? Baka mamaya ay hahanapin ka ni ma'am Irene. Walang masyadong kasignal-signal rito Lia"

"I already messaged her naman, tsaka mamaya kapag pumunta na silang hacienda na sinasabi mo ay susunod na lang tayo doon para magkita na kami" sagot ko naman.

"Oh siya sige na nga, saan ba gusto mong mamasyal?" tanong nito.

"Anywhere lang"

"Diba hilig mo ring kumuha ng mga litrato? Pumunta na lang tayo sa isang sikat na destinasyon rito kung saan maraming mga bulaklak, sigurado ay magugustuhan mo doon" banggit naman nito kaya hindi ko pinigilang ma excite.

"Sige punta tayo roon"

Pumunta na kaming sakayan at nagtungo na sa lugar na binanggit ni Jessan.

When we first arrived, I could not help but marvel at its unique scenery.

"This place is so breathtaking" I said.

Wish Upon A Fading StarWhere stories live. Discover now