Chapter 01

15 0 0
                                    


Ohm's


   Noong bata pa ako, akala ko alam ko ang lahat. I always thought that I knew what love was. When I grew older, I realized na ang dami ko palang hindi alam. I thought love was the most powerful thing in the world. Hindi pala. If there is a force greater than love, it is time. Timing.


   Such a bitch! Lucky are those who find true love at the right time— Joke lang, hindi po ito She's Dating The Gangster. Pero, I think pwede na rin?


   Love blooms between people in different ways, minsan happy ending, 'yung iba hindi. Akin, unexpected. Sabi nga ni Athena Dizon, pag inlove ka, tumitigil ang mundo mo. Bumibilis ang tibok ng puso mo at... at hindi ka makahinga. Well, true. Na-experience ko na ba? Yes. Na-meet ko na ba ang the one para sa akin? Ewan.


   When we were young, marami tayong pinapangarap na standards para sa mga future partners natin. 'Yung iba, gusto magkaroon ng mayaman na asawa, minsan gusto lang nila basta pogi o maganda, iba naman walang pakialam sa physical features basta hindi toxic.


   Ang naalala ko sa akin, dalawang bagay lang. Una, maalaga at pangalawa, hindi bastos. My past self would be laughing right now knowing na I met a person who's exactly the opposite of this, but still managed to attract the hell out of me.


"Oh, ayan. Bayad na utang ko sa'yo, Manong Gilbert ha!"


"Houd dun ah e order dun ja ang mga itlog sa balay nyo gin order ja ni nanay mo kanakon." (Oo na, oo na. I-deliver mo na lang 'tong mga itlog na 'to sa bahay niyo, in-order 'yan sa'kin ng nanay mo. Bayad na.)
"Sige po, mauna lang ko!" (Sige po, mauna na ko!)


   Itinali ko ng maayos ang tatlong tray ng pulang itlog sa aking bicycle, para ito sa karinderia ni mama. Hinihintay na rin ako no'n dahil pumasok pa sa klase ang kapatid kong babae, si Love, na dapat nagbabantay nito sa ganitong oras. Napagsaktuhan lang na wala akong pasok ngayon dahil naka summer break pa 'rin kami. Graduate na ako sa high school at malapit ko nang maranasan ang first college life ko sa susunod na linggo.


   Luckily, nakapasa ako sa isang scholarship program sa isa sa mga pinaka-prehistiyosong unibersidad. Nakakalungkot nga lang na wala akong kasama lumuwas ng Maynila, mananatili muna akong mamuhay ng mag-isa pang-samantala roon.


*Beep*


"Aray!"


   Bago ako matumba sa aking bisikleta, nakarinig ako ng isang malakas na tunog mula sa itim na kotse sa aking harap. Wala naman ako masyadong natamo na sugat, maliban sa mga maliliit na gasgas sa aking tuhod. Naramdaman ko na lumabas sa sasakyan ang driver ng itim na Mercedes Benz. Namuo ang init sa dugo ko, mahigpit na mahigpit ang kapit ng mga kamao ko.


   Lumingon ako sa lalaki at tinignan siya ng masama. "Sath gin bongo-an mo ko?!" (Bakit mo ako binangga?!)

"I'm sorry?"


   Mukhang hindi taga-rito ang lalaki, hindi niya maintindihan ang sinabi ko. Nag-process sandali ang utak ko at sinubukang i-translate ang sinabi ko sa Tagalog. Malakas ang kutob ko na taga-Manila siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

10/10: Love Score - OhmNanon (On-going)Where stories live. Discover now