III. Forbidden

57 3 0
                                    

SKY's POV


"WHAT?! HINDI PWEDE! HINDI SIYA PWEDENG SUMAMA SATIN! HINDI AKO PAPAYAG!" Sigaw ko.

Nandito kaming magka-kaibigan sa tapat ng room at ang nakakainis ay kasama namin si Tuck. Pinagtatalunan namin kung isa-sama namin si Tuck para sa gagawin namin mamaya.

"Yes he is. He's gonna come with us whether you like it or not." Matapang at mataray na sabi ni Faye habang nakataas ang kilay niya.

Woah this bitch. I never thought na magiging kaibigan ko 'to. Why would they invite Tuck? Anong pinakain nung lalaking yun sa mga kaibigan ko?

"Bakit ba ayaw na ayaw mo sakin? Wala naman akong ginagawang masama sayo" Tuck asked me.

Anong walang masamang ginagawa? I've been humiliated in front of you earlier! I know it sounds exaggerating pero kahit na!

"Ugh. Bahala kayo sa buhay niyo!" Sigaw ko sabay walk out.  lakad lang ako ng lakad. Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Bahala na rin kung may makasalubong akong multo. Creepy kasi masyado ng school na 'to, ang layo pa sa siyudad. Tss.

Hindi ako makapaniwalang mas kinampihan pa nila yung Tuck na yun kesa sa sarili nilang kaibigan! Ugh nakakainis! I hate you Tuck to the nth power! I hate you to the moon and back! I hate you to infinity and beyond! I hate you! I hate you! I hate you!!!

"Oh, Saan ka pupunta?" Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang teacher namin kanina, si Ms. Del Rosario na nakatayo sa harapan ko. "Hindi ko ba nasabi kanina na restricted area and 2nd floor? Only Teachers and staffs lang ang pwedeng umakyat dito. Bakit ka nandito?"

napatingin ako sa paligid ko at nakita kong paakyat na pala ako ng hagdan! Hala!

"S-Sorry po..." Isip Sky, mag-isip ka ng pwede mong ipalusot! "Nawawala po kasi ako, nasan po ba ang cafeteria dito?" Ang galing mo talagang magpalusot Sky! Ang ganda mo pa. Tanga ka nga lang minsan.

"Ikaw talagang bata ka. Walang school na naglalagay ng Cafeteria sa 2nd floor!" Sabi niya tapos tumawa pa ulit siya. Ay gaga, oo nga! Sablay yung palusot ko kainis. Isip ulit ng ibang palusot!

"A-Ah... A-Ano po kasi. Naisip ko po kasi na... Ano... Since kakaiba po 'yung school niyo... Naisip ko po na baka nasa 2nd floor ang cafeteria" Napahawak na lang ako sa batok. Oh crap! Sana lang at bilhin niya yung palusot ko. Sht! Ilang beses ba akong napahiya ngayong araw?

"Haha ikaw talaga. O siya, sumunod ka sa akin at ituturo ko sayo ang daan patungo sa cafeteria. Siya nga pala, baka hindi mo rin narinig yung sinabi ko kanina" Nagsimula na siyang maglakad kaya't sinundan ko na rin siya.

"A-Alin po dun?" Hindi ko alam ang sasabihin kasi hindi naman talaga ako nakinig kanina.  "Hay nako. Kababae mong tao, hindi ka nakikinig sa teacher mo. Sabi ko kanina ay pumunta kayong lahat sa school ground dahil magbibigay ng speech ang principal." Oh, so iyon pala ang sinabi niya. Hindi sa pasaway akong bata but listening to the teachers are really not my style.

"O siya, andito na tayo sa canteen." Napaangat ako ng tingin nang biglang magsalita si Ms. Del Rosario. Tinanguan ko na lang siya saka pumasok sa loob ng canteen.

"Oh, san ka nagpunta?" Inakbayan ako ni Sean tapos ginulo niya yung bangs ko.

Akala niya ba nakalimutan ko na yung pangta-traydor nila sakin kanina? Tss.

Tinanggal ko yung kamay niyang naka-akbay sa akin tapos tinaasan ko siya ng kilay. "Sikretong malupet."

Tumawa lang si Sean tapos hinila ako patungo dun sa upuan kung saan naroon ang mga kaibigan ko. I clenched my teeth nang magtama ang tingin namin ni Tuck. He was smiling really wide, goddammit.

"Hoy makinig kayo. Nagtatampo si boss, suyuin niyo." Sabi ni Sean.

"Magi-start ng opening ceremony." Sabi nila at isa-isa na silang nagsitayuan bukod kay Tuck.

"I'm out mga kups." Sabi ni Sean sabay alis.

I stared at him with my blank expression. He's also staring at me but he's smiling very wide and I don't know why but it kinda irritates me.

"Magtititigan na lang ba tayo dito?" I raised an eyebrow.

"Oo." Nagulat ako sa sinagot niya. Nakita kong nag-panic ang hitsura niya at napaiwas siya ng tingin.

"I mean oo pupunta na ako sa school ground" Dali dali siyang tumayo at pumunta ng school ground.

He's weird.

naglakad ako patungo sa elevator ng school. Oo may elevator ang school na ito. Bawal kasi kaming dumapo sa 2nd floor ng school, ewan ko ba pero feeling ko may sikretong malupit ang school namin kaya bawal nila kaming papuntahin sa floor na yun.

And I'm really confused. They can put their 'secret' on the very last floor of this school so nobody can go there, but why did they decided to put there on the 2nd floor? Ugh. This school, really?

Nagpunta ako sa rooftop ng school namin because it's my favorite place. There's no way I'm going to attend that boring ceremony.

I admit it. I'm rebellious. Why? Because I believe that the 'bunso' are the rebellious ones in the family.

Why? I don't know. It's just my opinion.

Nang makarating ako sa rooftop ay nakita ko si Trigger na nakaupo sa pinaka-edge ng rooftop at nakatingin sa baba.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. "Why are you here? Are you not going to attend the ceremony?"

Napatingin siya sakin, nagulat siguro kung bakit ako nandito.

"Nope." Tipid niyang sagot.

Tumingin na lang din ako sa baba. There, I saw Sean pissing everyone and fooling around. Napatawa na lang ako. Hay nako Sean, kelan ka ba magtitino?

Napatingin ako kay Trigger at nakita kong nangingiti ito. Shit. He's so creepy.

Tumayo ito sa kinauupuan niya at pumulot ng isang maliit na bato. Bumalik siya sa pwesto niya at naningkit ang mga mata na para bang may tina-target.

"Headshot kang gago ka hahahaha." Tumatawang sambit nito nang makitang tumama ang batong tinapon niya sa ulo ni Sean.

Napatingin si Sean sa direksyon namin at nakita kong nanlilisik ang mga mata niya. "Hoy, galit si Sean. Patay ka."

"Bakit ako?" Tanong ko.

Napatingin ako sa kaniya at nakita kong tinuturo niya ako habang nakangiti kay Sean.

Shit! Ako ang pagbibintangan netong kupal na to eh.

Nakita kong tumakbo si Sean papasok ng school at mukhang may susugurin. Shit! I better get my ass out of here.

Dali-dali akong tumakbo papuntang elevator at ni-press ang ground floor button.

Pagkalabas ko ng elevator ay may nakita akong isang pigura ng babaeng paakyat ng hagdanan patungong second floor.

Anong ginagawa niya? Hindi niya ba alam na Forbidden floor yun? Aish.

"DANA!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 31, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Akeldama [ON-HOLD]Where stories live. Discover now