II. The First Day

80 3 0
                                    

SKY's POV

It's already 6:40 in the morning and we're preparing ourself for our first day here in Akeldama University. I buttoned up my uniform and took a sip from my hot choco.

Kahit na labag sa kalooban ay napagisip isip naming magkakaibigan na magpalipas na lang ng isang school year dito sa school na  'to. Yesterday we planned to escape using our van but when we went to check it out, the tires were flat. What choice do we have?

kinuha ko ang tasa ng hot choco sa lamesa at itinapon ang natitirang laman sa may sink.

When I got out, I was surprised to see Tuck standing outside my room. What is he doing here? This building is exclusive for girls only, for pete's sake!

"What are you doing here?" I asked.

"Bakit? Masama na bang pumunta dito ngayon?" Inosenteng tanong nito. Simula pa kahapon, masama na talaga ang kutob ko sa lalaking 'to ewan ko lang kung bakit.

"Para sa mga babae lang itong building na to diba?" Kunot noong tanong ko. Tumawa siya ng malakas tapos lumapit sakin at inakbayan ako. Lakas maka-feeling close ng lalaking 'to.

"No need to worry. There's no thing such 'Rule' here in our school" Nakangising sabi nito.

"K. Sabi mo eh" sabi ko na lang tapos tinanggal yung kamay niya sa balikat ko. I should not waste my time talking to that guy. besides, he's still a stranger for me.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa classroom ko ng maramdaman kong sumusunod siya sakin kaya't mas binilisan ko pa ang lakad ko.

Lumingon ako konti at laking gulat ko ng makita ko si Tuck na halos makakahabol na sa akin. Sumisipol-sipol pa ito habang nakapamulsa. Kainis!

"Could you please stop following me?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Kita ko ang gulat sa mukha niya ng harapin ko siya. Hah!

"Woah there, Ms. Red tide. Hindi kita sinusundan, pupunta lang ako sa room ko. Nakalimutan mo na bang iisang classroom lang ang ginagamit dito?" Nakangising sambit niya tapos nilagpasan lang ako.

What the...

"Shit shit shit!" Sigaw ko sa sarili ko nang maramdaman kong wala na siya sa pasilyo kung saan ako naroroon. Shit napahiya ako dun! Ugh! Bakit kasi hindi ka nagi-isip, Sky? You're so damn reckless! Nakakahiya ka!

Kahit na sobrang hiyang hiya ako sa lalaking yun at ayokong magpakita sa kaniya habang buhay ay mas pinili ko na lang pumasok muna ngayong araw since ayoko namang mag-isa sa dorm at ang creepy ng school na 'to para pag-galaan.

Pagpasok ko, nakita ko na kaagad yung mga kaibigan ko na nagkukumpulan sa may gilid. Nakikipag-usap na rin sila sa iba pa naming mga kaklase.

Maglalakad na sana ako papunta sa silya ko ng makita ko si Sean na tumayo at nagpunta sa platform sa unahan ng room.

"Guys, mukhang matatagalan muna bago tayo magkita ulit" Anunsyo nito. Nakunot naman ang noo namin dahil sa sinabi niya. Ano nanamang pinagsasabi nito?

"Huh? Eh bago ka pa lang dito diba?" Takang tanong nung isang babae

"Oo. Eh kaso kinasuhan nila ako ng murder. Killer Smile daw" Sabi nito at nagpa-pogi pa. Grabe kala ko naman kung ano na!

Well, that's Sean Alvarez for you.

"Tangina mo talaga Sean!"

"Sorry, ubos na yung jacket!"

"Pakamatay ka na!" sigawan naman nung mga kaklase ko.

"Uy Ms. Red tide!" Napatingin ang lahat kay Tuck dahil sa sigaw niya. What the hell? Ako nanaman ba ang pagt-tripan ng lokong to?

Tumakbo ito papalapit sakin at hinila ako papunta dun sa mga kaibigan niya.

"Guys, this is Sky. Sky, this is Trigger, Dana, Eunice and Paris" pagpapakilala niya sakin kaya naman ay ngumiti na lang ako para hindi naman ako masabihang rude.

Ilang saglit pa ay hinila nanaman niya ako patungo dun sa isa pang kumpulan.

"This is Artemis, Caleigh, Tristen and Terence" Nag-hello naman sila sakin at ganun din naman ako. Teka What's up with this guy? Bakit siya ang nagpapakilala sakin sa mga 'to? Bakit? Close na ba kami?

matapos niya akong ipakilala ay dali-dali akong nagtungo dun sa kumpulan ng mga kaibigan ko. Sila lang naman ang mga ka-close ko dito.

"He's so intoooooo you" bungad sakin ni Sitti, bagay na nagpakunot ng noo ko. "Who's into who?" tanong ko.

"Tuck is into you, bitch" Pagu-ulit pa nito. Hah. Tuck is into me daw? That guy? Nice joke.

Napatingin ako kay Tuck at nakita ko din siyang nakatingin sa direksyon namin kaya't napaiwas ako kaagad ng tingin. No Sky, he's looking at Sitti not on you.

Makaraan ang ilang minuto'y dumating na rin ang teacher namin kaya't lahat kami ay nagsibalikan na sa kani-kaniya naming mga upuan.

Sa pagpasok ng guro'y nabalot ang buong lugar ng isang nakakabinging katahimikan. Walang ni-isang nagtangkang magsalita.

Nakakatakot ang teacher namin. Halos ka-edaran lang namin siya-- I mean mga mas matanda samin ng lima o anim na taon-- pero mukha siyang terror.

"Mabaho. Sino sa inyo ang umutot?" Nagkatinginan kami ng katabi ko dahil sa sinabi ng teacher namin. Wala naman akong naamoy na mabaho ah?

"S-Sorry Sir" Nahihiyang sabi ni Sean kaya napatingin sa kaniya ang lahat.

"I was only joking. Haha. Lumabas ka na kung natatae ka" Natatawang sabi ng teacher namin. Dali-daling tumayo si Sean at lumabas ng room.

Tinignan ko ang mga kaklase ko kung ano ang reaksyon nila at nakita kong hirap na hirap na sila sa pagpipigil ng tawa.

"Pwede namang tumawa. Baka mautot kayo niyan" Nakangiting sambit ng teacher namin. All students burst into laughter, well except me. Ang babaw naman ng kaligayahan nila.

Akala ko masungit ang teacher na 'to. Hindi pala.

Maya-maya pa'y nagsimula na ang klase at dumating na rin si Sean na galing sa C.R.

"Okay class, our topic for this whole year is about death, betrayals and survival." Kinilabutan ako at halos lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan. Death, betrayals and survival? Bakit yun yung topic namin?

"Be ready, and goodluck"

- - - - - -

Author's note:

'Akeldama' Trailer is now up huehue

Akeldama [ON-HOLD]Where stories live. Discover now