I. Lost and Found

156 3 1
                                    

SKY's POV

"Ano, okay na ba lahat ng gamit niyo?" Paalala ko sa kanila. Napatingin naman silang lahat sa akin at masayang tumango.

I'm so excited for our road trip ni-hindi nga ako nakatulog kagabi kakaisip kung ano kaya ang mangyayari ngayon eh. Pupunta kami sa vacation house nila Trent since this is the last minute of summer kaya naman ay susulitin na namin. Pasukan na kasi next week.

"Ngiting-ngiti ka diyan ah?" Sabi ni Sean na ngayon ay nasa harapan ko na pala. "Siyempre magkakasama nanaman tayong lahat"

"Arte tsk" mataray na sabi ni Faye. Tsk, 'tong babaeng to talaga parang lagi na lang may dalaw. Laging masungit

Isa-isa na kaming nagsipasukan sa van na hiniram ni Trent sa pinsan niya para makapunta kami sa destinasyon namin.

"This will be fun" nakangising sambit ni Trent nang maka-upo siya sa driver's seat. Siya kasi ang magd-drive dahil siya ang nakaka-alam ng ruta papunta dun sa vacation house na pupuntahan namin.

"Dami pang satsat. Drive ka na bilis!" utos ni Sean

Pinaandar na rin naman agad ni Trent ang van. Excited na excited na talaga ako!

- - - -

Makalipas ang dalawa't kalahating oras na biyahe ay napansin kong namumutla ang isa pa naming kaibigan na si Sitti.

"Sitti, okay ka lang?" tanong ko. Napatingin siya sakin at dahan-dahang na-iling "N-Nasusuka ako"

"Oh my gosh! Wag kang susuka dito sa van" maarteng sabi ni Faye at dali-dali niyang tinakpan ang ilong niya gamit ang paniyo niya. Arte talaga ng babaeng to kahit kailan.

"Trent malapit na ba tayo?" natatarantang tanong ko. "Malapit na, konti na lang Sitti. Pigilan mo muna."

"H-Hindi ko na--" hindi na natapos ni Sitti ang sasabihin niya nang bigla na lang siyang masuka, mabuti na lang at may dalang plastic ang isa pa naming kaibigang si Cyrus kaya't iyon ang ginamit ni Sitti sa pagsuka.

"You okay now?" Tanong ni Faye kay Sitti, agad naman itong tumango.

"Alam mo ba talaga ang daan papunta sa pupuntahan natin?" tumingin ako sa labas ng bintana. Feeling ko nawawala na kami eh, magt-tatlong oras na kaming nandito sa van at wala na akong halos makitang mga bahay. Puro nagta-taasang mga puno na lang ang nakikita ko at ang mas malala ay padilim na ng padilim.

"A-Ang totoo kasi niyan, matagal na akong hindi nakapunta doon. Pero tingin ko tama naman tong dinadaanan natin" Napatingin ako kay Trent dahil sa sinabi niya. That's it! Alam niyang hindi niya sigurado ang daan papunta sa sinasabi niyang vacation house and yet sinama pa rin niya kami?

"Trent we're lost! We're goddamn lost! Sana nung una pa lang sinabi mo na na hindi mo alam ang daan!" Iritang sabi ko. Natahimik ang lahat ng nasa van. Walang ni-isang nagsasalita.

Paano na ngayon to? Pano na kami makakabalik sa pinanggalingan namin? Plus wala pang mga bahay dito! Walang mapagtatanungan! I fished out my phone in my pocket para naman makatawag ako at makahingi ng tulong.

I was shocked to see that there is no signal! Paano na kami ngayon?

"G-Guys..." napatingin kami kay Sean na masayang nakaturo sa labas ng bintana. Sinundan namin ng tingin kung saan siya nakaturo at naliwanagan ang mga mukha namin nang makakita kami ng isang... err... school?

"We can ask there for help! Trent dumiretso ka dun!" Utos ko sa kaniya. Iniliko naman niya ang sasakyan at idiniretso iyon sa school na nakita namin.

Akeldama [ON-HOLD]Where stories live. Discover now