Prologue

194 8 3
                                    

This story is purely work of fiction. Any names of the characters (dead or alive), events, places etc. are just used in fictitious form. This story is not suitable for very young readers. This is about brutality, betrayal, slaughter and such.

WARNING:

 BAD WORDS | GRAMMATICAL ERRORS | AND TYPOS ahead.

Genre: Mystery/Thriller | Betrayal | Friendships | Brutality (and maybe a little bit RomCom)

Language: Taglish

Akeldama: The field of blood

- - - - -

-P R O L O G U E-

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at unti-unting nilibot ang paningin ko. 

 Libro... Puro libro ang nakikita ko. Marahil ay nasa school library ako ngayon.

Bakit ako nandito? Bakit ako nakahiga sa loob ng library?

 Para malaman ang sagot ay unti-unti akong tumayo ngunit laking gulat ko na lamang nang makita ko ang kaklase kong si *toot* na nakatayo sa harapan ko. Duguan ito at sobrang nanginginig. Ang nakakagulat pa'y may hawak itong baril.

 "Since *toot* is already awake, let's start the game" Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan nang biglang may nagsalita sa speaker ng school. Nakakatakot ang boses nito dahil parang hinugot sa ilalim ng lupa.

"This is the rule; You can't get out of this school. Hanggang dito lang sa school ang pwede ninyong puntahan. Preys, may mga hunters na nagkalat sa buong school and you have to find out who they are or else..."  Tinakpan ko ang tenga ko dahil biglang tumunog ang isang napakalakas na tunog na nagmumula sa speaker.

 "You have to trust no one. Preys, good luck" 

nagkatinginan kami ni *toot* ng matapos na sa pag-play ang speaker. Unti-unti niyang itinutok sa akin ang baril bagay na mas lalong nagpakaba sa akin.

"*Toot* A-Anong gagawin mo?" Nangingilid na ang mga luha ko. Hindi na ako halos makatayo ng maayos dahil sa sobrang pangangatog ng tuhod ko.

 "I-I'm sorry, I'm really really sorry" sabi nito sa pagitan ng kaniyang mga hikbi. Dahil sa sobrang takot ay ipinikit ko na lamang ng mariin ang aking mga mata at naghihintay na kalabitin niya ang gatilyo.

Hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganito. We're supposed to be on a trip so we can enjoy every last minute of vacation but then we got lost and... and we're forced to enter this school.

"You have to win this game *toot*. Please find out who's behind this" Sabi niya kasabay ng isang nakakabinging putok ng baril.

 Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang wala akong maramdamang sakit sa buong katawan ko. Nakatayo lamang ako habang pinapanood na umagos ang sariwang dugo mula sa ngayo'y bangkay na na si *toot*.

Iyak... Iyak na lamang ang tanging nagawa ko. I never thought we'll end up on a situation like this. This place is hell.

Maya-maya pa'y muli nanamang tumunog ang speaker

"I forgot to welcome you all,  I'm sorry.  Welcome to Akeldama, the field of blood"

Akeldama [ON-HOLD]Where stories live. Discover now