8. Second Chance Roleplay

68 10 40
                                    

"Isang mapayapang gabi sa loob ng bahay ng pamilya Montenegro," pagsasalita ng narrator ng grupo sa subject na Disaster Risk Reduction sa likuran ng isang kurtina.

Sa harapan naman ay naroon ang mga kaklase ni Sparkle na may kaniya-kaniyang costume na tila nasa bahay lamang, nakaharap sa isang telebisyon na gawa sa cardboard bilang props sa ginagawang roleplay.

Nakaupo si Sparkle sa ikalawang row ng upuan habang tuwang-tuwang nanonood sa mga kaklase. Maya't mayang sumasagi rin sa isip ang kartigo na sabik niyang puntahan mamaya.

"Malakas ang ulan sa labas, ngunit payapa ang loob nilang hindi babahain ang loob ng kanilang bahay . . . nang magkaroon ng isang breaking news tungkol sa pagbahang mangyayari."

Mayroong lumusot na isang estudyante sa gilid ng kurtina at dumiretso sa likod ng telebisyon na cardboard at doon naupo.

"Ehem, ehem." Bahagyang natawa ang mga kaklaseng nanonood sa mga ito, kung saan ang malutong na pagtawa ni Emie ang namumutawi sa lahat. "Breaking news, pinaaalalahanan ang pagtaas ng tubig dahil sa malakas na pag-ulan sa gitnang rehiyon. Pinapaalalahanang maghanda at lumikas sa matataas na lugar upang maging ligtas." Muli itong umalis at bumalik sa likuran ng kurtina.

"Naku, kailangan na nating maghanda." Tila tarantang tanong ng umaaktong nanay ng pamilya. Naka-daster ito at may hawak na walis tambo.

"Naku, oo nga," paggaya naman ng umaaktong tatay na ikinatawa ng mga kaklase.

"Kailangan natin ng. . . ." Tumayo ang isang kaklase nilang umaakto namang anak, medyo nakataas ang kamao habang seryosong nakatingin sa kawalan.

"Parang superhero," bulong ni Emie sa katabing si Sparkle na sabay na natawa, nakatakip ang kamay sa bibig upang hindi marinig ng gurong nasa likuran.

"Emergency kit." Tumayo naman ang isa pang kaklase na umaakto ring anak na nakababata. Nakapigtails ang buhok nito upang magmukha talagang bata.

May dalawang estudyante ang nagsara ng kurtina sa harapan upang tumalon na sa pangalawang eksena ang kuwento. Nang ibukas ay wala na ang mga props na ginamit sa sala at napalitan ito ng isang mahabang mesa na mayroong mga kagamitan sa ibabaw.

"Napkin ba 'yon?" Tiningnan ni Sparkle ang itinuro ni Emie na labis ang pag-usyoso sa grupong nasa unahan.

"Tissue 'yon, bangag."

"Una, kailangan natin ng isang bag na paglalagyan ng mga gamit." Iminuwestra ng tatay ang bag sa harapan ng pamilya na ang anggulo ay nakikita rin ng mga kaklase.

"Ano'ng lalamanin niyan, parachute?" Tinampal ni Sparkle nang mahina ang pisngi ni Ricky na nasa kaniyang kaliwa, pilit na pinipigilan ang pagtawa.

"Kailangan natin ng tubig na kakailangan sa pag-inom at panghugas." Iniharap ng nanay ang isang malaking bote ng tubig.

"Kailangan din natin ng canned goods, nay." Iniharap naman ng naka-pigtails na anak ang mga de lata na walang brand.

"Hulaan ko sardinas 'yan," bulong ni Emie kay Yannah na nasa unahan nila, kunot ang noong nilingon sila.

"Tanga, tuna 'yan." Sinamaan lang siya ni Emie ng tingin at ngumuso, ibinalik ang paningin sa grupo.

"Pati ang first aid kit na ginawa naming project sa school ay magagamit natin." Palihim nitong pinunasan ang bibig upang hindi mahalata na natatawa ito sa itsura ng kaklaseng nagpapanggap na ama. "P-pwede 'tong magamit kung sakaling magkasugat tayo." Nilakihan ito ng mga mata ng lider ng kanilang grupo na umaakto bilang nanay.

"Kailangan din natin ng radyo na hindi na kailangang gamitan ng kuryente, at syempre, mga baterya," ani ng kanilang tatay at ipinakita ang mga gamit na binanggit.

Your Start is My EndingWhere stories live. Discover now