Chapter 5- A Treasure That Beyonds

196 42 8
                                    

Unti unti bumukas ang mga mata ni Reyin. Andoon pa rin siya kung saan siya nahimatay. Bumangon ang batang Reyin paupo ngunit napasapo nalang siya sa kanyang katawan dahil bigla nalng sumakit ang buo niyang katawan.

"Urgh buhay pa ako---aray!"

Nilibot niya ang kanyang mga mata para hanapin ang bangkay ng halimaw. Naalala pa niya ang mga nangyari, nagulat rin siya na may kapangyarihan siyang ganoon kalakas kahit siya ay natakot sa kanyang tinataglay niyang kapangyarihan. Di niya alam kung maging masaya ba siya o hindi dahil nung mga oras na yun, di niya makontrol ang kanyang sarili nong ginamit niya ang itim na kapangyarihan.

Ang katawan ng halimaw ay nahiwa sa dalawa. Kumalat rin ang mga dugo, ipinagtataka niya bakit walang halimaw pumunta kung saan kumalat ang amoy dugo ng halimaw pero masaya rin siya dahil walang halimaw pumunta doon dahil kung hindi baka tuluyan na talaga siyang sunduin ni kamatayan.

Nang sapat na ang lakas ng bata at nakapaghinga na siya ay sinubukan niyang tumayo. Andoon parin ang sakit sa katawan ngunit di na kagaya kanina nung bumangon siya paupo. Dahan dahan siya nag lakad sa patalim sa di kalayuan, kinuha niya iyon tsaka siya pumunta sa halimaw para kunin ang beast core nito. Kada spiritual beast ay may beast core. Isa itong mahalagang kayamanan ng mga cultivator dahil makakatulong ito sa pagpapataas ng antas o bigyan ng porsyento upang mapagtagumpay abutin ang antas na hinahangad ng isang cultivator.

Madami pang kayamanan para sa pagpapataas ng cultivation. Kada cultivator may cultivation method at naayon iyon sa kung anong elemento ang tinataglay ng cultivator. Dahil kung hindi ito naayon sa iyong elemento ay di mo maaabot ang limitasyon ng iyong lakas at kung ipagpatuloy mo ito ay makakasira iyon sa iyong pundasyon.

Ang unang antas ng cultivation ay ang energy gathering stage. Dito mo matutukoy kung gaano katibay ang iyong pundasyon. May labin dalawang pathway circle ang katawan ng isang tao at kailangan mo iyon buksan sa pamamagitan ng pagsira ng harang kada circle.
Madali lang ito sa una, ngunit kapag tumaas ang bilang na nabuksan mong circle ay magiging mahirap buksan ang sa susunod na circle at kapag naman pilitin mo iyon maaring maaapektuhan ang iyong laman loob kaya dapat sinasanay ang iyong laman loob at pisikal na lakas sa pamamagitan ng pag inom ng soul organ pills, potion o mag e ensayo araw-araw o humanap ng kayamanan na pagpapalakas ng iyong katawan.

Nahanap na ni Reyin ang beast core. Kulay lila ito na kasing laki ng kanyang palad. May halong saya at pananabik ang mukha ni Reyin dahil may kayamanan siyang hinahangad ng isang cultivator bunga iyon ng kanyang katapangan. Nang makuha na ni reyin ang beast core, kinuha niya ang sako. Hinanap pa ito ni Reyin ngunit nakita niya rin iyon kung saan siya nadapa bago siya tinapon ng halimaw.

Kumuha na rin siya ng karne dahil sa wakas makakakain na rin siya. Kinuha na rin niya ang sungay nito, di na niya kinuha ang balat nito dahil nasira na ito, di na iyon mabebenta dahil nasira na ito.

Nang matapos na siya ay nagsimula na siya maghanap ng panggatong upang mag simula na siya magluto. Naghanap pa siya ng malapad na bato upang gawin itong kawali. Di na siya umalis sa pwesto na iyon kung saan siya nagkipaglaban sa halimaw, di niya alam kung walang halinaw lumalapit sa lugar na iyon. Ipinagbalewala na niya ang katanongan sa kanyang isip dahil alam naman niya walang sasagot sa tanong niya.

Tanghali na nang nagluto siya. Halos maglaway siya sa amoy ng niluluto niyang karne, nag sugba na rin siya. Nang maluto na iyon ay agad siyang kumain, akala mo ay mauubusan siya dahil sa bilis niya kumain. Nang maubos na ang niluto niya ay kumuha ulit siya ng karne.  Di niya alam kung bakit gutom pa rin siya.

Paulit ulit siyang nagluto hanggang nabusog siya. Bumalik na rin ang kanyang lakas. Di niya alam kung ilan araw na siya nasa kagubutan simula nong lumabas siya sa kanyang bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnate to the Cultivation WorldWhere stories live. Discover now