Chapter 3 - Danger

114 33 2
                                    


Nagising si Reyin sa pagkakatulog. Naalala niya nawalan siya ng malay at may mekanikal na tunog ang kanyang narinig bago siya tuluyan nahimatay. Medyo masakit pa ang kanyang ulo at andun pa rin siya sa gilid ng ilog.

"Lagi nalang ako nahihimatay----Ano to?"

Nagulat nalang siya may parang salamin sa kanyang harapan. Kapareho ito na sa laro sa mundo niya kung tatawagin status window sa halip na ang kanyang status o personal info ay nakalagay dun ang Quest System. Ito daw ang gagabay sa kanya sa kung ano man ang kanyang gusto. Ang tanging hangarin lang neto ay gumabay o mag bigay ng misyon para sa kayaman na ibibigay pag natapos o nakompleto niya ang binigay na misyon. Bibigyan ka din niya ng kalaaman na hindi kayang alamin ng ibang tao sa isang bagay man, lugar o kahit ano gusto mo malaman sa kinagagalawan mo.

Naging masaya si Reyin dahil di na siya mahihirapan mamuhay o sa kanyang pagpapalakas. Gusto niya maging malakas para maprotektahan niya ang kanyang sarili sa masamang tao o nilalang sa nakakapaligid sa kanya at may plano din siya lakbayin ang mundong Akra, dito niya gawin ang gusto niyang gawin na di niya magawa sa kanyang dati niyang buhay.

"Ayos! Desidido na ako, ang lakbayin ang mundo at tuklasin ang hiwaga ng mundo at syempre mangolekta ng kayaman!" sabay taas ng isang kamay. Tumingin ulit siya sa System para malaman niya kung ano ang kanyang misyon.

Nahahati sa apat na uri ang Quest System. Beginner Quest kung saan ang panimulang misyon bago niya mabuksan ang Main quest. Ang Main quest ang kanyang prayoridad at may oras itong limit, may oras itong binigay para kompletohin niya ang misyon at pag di niya makompleto naka depende sa parusa na ibibigay ng system. Ang pangatlong uri ay ang Side quest. Ito ang misyon na matritriger niya sa anu mang oras ibig sabihin pede siya makakuha ng misyon kung nasan siya o di inaasahang misyon at ang huling uri ay ang Special quest dito makikita ang misyon na mahirap gawin ngunit di pangkaraniwang ang pabuya na ibibigay nito, mahirap rin ito matritriger na ganitong misyon at pede ka rin makakuha ng kayamanan habang nasa misyon ka depende sa tinataglay mong swerte.

Nang mabasa ni Reyin ang kayaman ay sabik na sabik siyang gawin ito, ito rin mag bibigay sa kanya ng kaalaman sa anong bagay ang kanyang nahahawakan. Ngayon ay tinignan na niya na ang misyon na dapat niyang gawin. Pumunta siya sa beginner quest at may limampung misyon ang naroon.

______________________________________________

Mission 1

Find and collect soul grass herb, and circled blue grass herb.

Reward:
Rare tier couldron

______________________________________________

Alam na ito ni Reyin. Ang soul grass ay isang pangunahing sangkap sa paggawa ng pills depende rin sa edad ng herb kung anong klase o antas ang pills na gagawin ng isang alchemist. Ang circled grass herb naman ay sangkap ito sa paggawa ng soul organ pill.

Ang soul organ pill ay pagpapatibay at pagpapalakas ng laman loob ng isang tao o nilalang, tanging e epekto lang ito sa mga batang di pa nag sisimula sa unang antas ng cultivation dahil kung tutungtung na sila sa unang antas ng cultivation ay para lang silang bato na pedeng mawasak sa isa o dalawang suntok lang kung di nila papalakasin ang laman loob, buto at kalamnan ng isang tao. Sakto naman dahil Anim na taon gulang pa si Reyin.

Di alam ni Reyin kung saan niya nakuha ang impormasyon ng soul grass at circled grass. basta nalang namuo ang impormasyon sa kanyang isipan tungkol sa herbs na nasa misyon at sa soul organ pill. Binalewala na iyon ni Reyin dahil sabik na din siya sa kanyang dapat gagawin.

Tumayo na si Reyin nang makita niya na walang laman ang kasunod sa unang misyon. Inisip rin niya na baka ko-kompletuhin muna ang unang misyon tsaka lalabas ang susunod na misyon.

Nagsimula na siyang kumilos. Pumasok siya sa kubo kung san siya tumira at lumabas siyang hubo't hubad habang bitbit ang bagong damit niya para maligo sa ilog para linisin ang sarili. Plano niya rin gupitin ang buhok niya dahil di siya sanay sa mahabang buhok kaya nagdala na rin siya ng panggupit sa buhok.

Tumalon siya sa ilog at sinimulan niya na linisin ang sarili. Pagkatapos ay ginupit niya agad ang kanyang buhok at sunod ay kinuha ang dala niyang damit at sinuot iyon, iba rin ang desenyo ng damit parang damit ng sinaunang tao. Roba na may mababang kalidad pero komportable ito sa katawan at malaya siyang makakilos kaya bagay ito suotin pag sumabak sa laban.

Iba na itsura ni Reyin, mas makikita mo sa kanya ang magandang mukha at ang kanyang madilim na mga pulang mata. Magandang bata naman talaga si Reyin ngunit di siya biniyayaan na di pangkaraniwang pagkatao dahil isa lang siyang ordinaryong tao na nanirahan sa gubat.

Bumalik na si Reyin sa bahay niya at nag handa para simulan na niya ang kanyang misyon. Nagdala siya ng sako bag na paglalagyan niya ng herbs at gusto niya rin gumawa ng pills at potion para sa kanyang pagpapalakas. Kumuha narin siya ng matulis na bagay para maging kanyang sandata kung sakaling makakasagupa siya ng mababangis na hayop.

Handa na si Reyin at nagsimula na siyang maglakad papasok sa masukal na gubat. Nang makalayo konti si Reyin ay naramdaman niyang parang tumagos siya sa kung anong harang. Nilingon niya ito at nakita niya ang dinaanan niya kanina ay naging pader. Napagtanto ni Reyin na isa itong formation na magbigay panlinlang mula sa mata ng ibang nilalang para protektahan ang nasa loob ng formation.

Umalis na si Reyin at simulan na niya paghahanap ng nasasabing herbs. Sa kanyang paghahanap kay nakakita siya ng koneho, inisip niya ang inihaw na karne nito at kumulo bigla ang kanyang tiyan. Kinuha niya ang patalim tsaka niya itong dahan dahan nilapitan.

Nakatalikod ito sa kanya kaya di siya nakikita ng hayop. Dahil di tumingin si Reyin sa dinaanan niya ay may natapakan siyang nabaling patay na sanga at nag likha ito ng tunog na nagpapaalerto sa koneho.

Nang makita siya ng koneho ay agad itong tumakbo palayo kay Reyin.

"Bwesit naman oh"

Inis na sabi ni Reyin. Hinabol rin ito ng bata. Mas nainis ang batang Reyin dahil mabagal ang kanyang takbo dahil sa liit ng kanyang paa. Tumagal ang kanilang habolan at unti unti rin lumayo ang kanilang agwat.

"Ah! Aray naman!" Nadapa si Reyin at dali dali itong umupo habang himas-himas ang kanyang namumulang ilong dahil nauna sa pagkakadapa ang kanyang mukha. Nagpahinga si Reyin sa malapit na puno. Hinawakan niya ang kanyang tiyan dahil sa gutom.

Nang makalipas ng ilang minuto ay nakarinig siya ng tumatakbo papunta sa kanyang kinaroroonan. Tumayo si Reyin at naging alerto ito. Lumabas sa di kalayuan ang nilalang. Nagulat si Reyin sa kanyang nakita.

Isang Wild Horn Boar.

Reincarnate to the Cultivation WorldWhere stories live. Discover now