Chapter 4-Unknown Power

117 28 0
                                    


Isang wild horn boar.

May sungay sa noo, kayumanggi ang kulay ng balat, nakalabas rin ang kaniyang pangil at malalaki ito kumpara sa normal na baboy ramo.

Ngayon lang nakakita si Reyin ng ganitong kalaki na baboy ramo. Ayon sa inpormasyon binigay ng system, Ang wild horn boar ay kilala bilang mapagwalang halimaw lalo na paggutom ito. Aatakihin niya ang nilalang na mas mahina pa sa kanya.

Isa itong first grade spiritual beast katumbas ito sa antas ng lakas na 1st hanggang 3rd Energy gathering stage ng isang cultivator. May tatlong antas pa sumasailalim ng kada grade ng spiritual beast ito ay ang primary, middle at late. Sa lagay ng wild horn boar ay isa itong primary first grade spiritual beast.

Humigpit ang hawak sa kanyang maliit na sandata. Mamikita rin sa kanyang mukha ang pangangamba. Nangangamba siya dahil ito ang una niyang laban pagkatapos niya mapunta sa mundong ito at isa pa, isa lamang siyang mortal na walang cultivation method, walang skill para lumaban at wala din siyang alam sa pakikipaglaban.

Ngunit sa kabila ng kanyang pangangamba ay wala siyang balak sumuko. Ayaw niya tanggapin na mapawalang kwenta ang binigay sa kanya na ikalawang pagkakataon niya dahil lang sa baboy ramo sa harap niya. Lalaban siya para mabuhay, lalaban siya para sa kagustuhan niyang mabuhay.

Kita sa nukha ng halimaw na sabik itong lapain si Reyin. Tumutulo pa ang laway habang tumingin kay Reyin.

Di nag tagal sumugod na ang halimaw kay Reyin. Mabilis itong tumakbo habang binuka niya ang kanyang bibig dahil gusto na ito kainin si Reyin. Natauhan si Reyin at mabilis itong umilag at ang atake ng beast ay napunta sa punong pinagpahingahan niya.

Tumakbo si Reyin upang makatakas siya sa halimaw. Isang patalim lang ang kanyang dala. Wala siyang makitang ibang maayos na sandata kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi tumakbo at maghanap ng matataguan.

Hinabol rin siya ng halimaw. Habang tumatakbo ang bata di maiwasan na magkanda punit punit ang kanyang suot dahil na rin masukal ang bahagi ng kanyang tinatakbuhan. Wala na siyang alam na paraan kundi tumakbo palayo sa halimaw.

Palapit ng palapit ang halimaw kay Reyin. Habang tumatakbo ang bata palingon lingon siya sa paligid baka sa kalaing makahanap siya ng paraan, ramdam na rin niya ang pagod. Lilingon sana si Reyin sa kanyang likod upang tingnan ang halimaw ay natumba siya.

"Ah, bwesit"

ROAARRRRR

Di pa nakabangon si Reyin ay kinagat siya sa kaliwang braso tsaka siya itinapon sa matigas na pader. Nagkaroon ng malaking bitak ang pader kung saan siya tinapon ng halimaw. Napasuka rin ng dugo ang batang Reyin, nakaroon ng malaking sugat sa kaliwang braso dulot sa pangil ng pagkakagat sa kanya, at ramdam rin niya ang bali ng dalawang buto sa kanyang katawan. Tumulo rin ang dugo mula sa kanyang ulo.

Ramdam niya ang sakit ng kanyang katawan. Wala na din siyang lakas para gumalaw dahil sa kanyang lagay. Tumingin siya sa halimaw, nanlaki ang kanyang mata dahil palapit sa kanya ang halimaw.

"Bakit... Bakit ang daya ng tadhana? Ganito na lang ba mag tatapos ang lahat? Pagkatapos akong bigyan ng pangalawang pagkakataon, kukunin kaagad?" pagdalamhati ng bata.

Ayaw niya mamatay, ngunit ang kamatayan ay papalapit na sa kanya. Ayaw niya tanggapin, tinanong niya rin kung bakit sa katawan pa ng bata ito napunta. Nawalan na ng pag asa si Reyin ngunit bumakas ang galit sa mukha ng bata habang nakatingin sa halimaw.

Dahil sa kanyang di mapigilang emosyon, di niya napansin ang unti unti pag hilom ng mga sugat niya ang mga buto na nawalan ng dereksyon ay bumalik sa dati. Ang natutulog niyang kapangyarihan ay nagigising.

"Binigyan ako ng pangalawang pagkakataon para mabuhay at ayaw ko ito sayangin na di ko pa nagagawa ang mga gusto ko sa buhay na ito! Walang sino man kukuha sa buhay kong ito! Lalo na't wala ang aking pahintulot lalo na't sa basurang halimaw na kagaya mo!"

Unti unti siyang gumalaw at tumayo tsaka hinarap ang Wild horn boar beast. Walang buhay ang kanyang madilim na pulang mga mata habang tumingin sa halimaw, may naramdaman siyang enerhiya sa kanyang loob. Lumakas ito at umaalon alon rin ang kanyang buhok. Dahan dahan lumabas ang enerhiya sa kanyang katawan at lumabas rin ang itim na aura. Di pa rin alam ng bata na nagigising ang kanyang di kilalang kapanyarihan sa loob ng katawan ni Reyin dahil ang tanging nasa isip niya ang patayin ang walang kwenta na halimaw sa harap niya, Ang pangahas na halimaw gawin siyang pagkain nito.

Tinutok ng batang Reyin ang kanyang hintuturo sa halimaw. Namuo ang maliit na itim na bilog na parang maliit black hole tsaka ito mabilis tumama sa halimaw.

[Execution]

ROOOAAARRRRRRR!!!

Nahiwalay ang paa ng halimaw sa kanyang katawan. Mas lalong nagwala ito habang pinipilit niyang tumayo ng tuwid. Makikita sa mukha ng halimaw ang sakit at hapdi sa kanyang sugat, pumula rin ang kanyang mata dahil sa galit.

[Death Slash]

Ikinumpas ni Reyin ang kanyang kamay tsaka ito parang gumuhit sa hangin, mula sa kaliwa hanggang sa kanan. Lumabas ang kanyang kapangyarihan tsaka ito dumiretso sa halimaw lumagpas pa ito sa likod at tumama sa kakahoyan. Tumigil ang hiyaw ng spiritual beast at sumirit ang dugo mula sa kanyang katawan tsaka nahiwa ang katawan ng halimaw sa dalawa. Isa isa rin na natumba ang mga puno na natamaan sa kapangyarihan ni reyin.

Kung meron man makakita nito siguradong matatakot ito kay Reyin. Natumba si Reyin dahil nawalan siya ng lakas. Kahit naghilom na ang kanyang sugat ay wala siyang lakas para gumalaw. Unti unti rin pumikit ang kanyang mata kahit ayaw niya mawalan ng malay sa lugar na iyon dahil siguradong madami pang halimaw nakakapaligid sa kanya lalo na't malakas ang amoy ng halimaw sa dugo. Tuluyan nang nawalan ng malay ang bata.

--------------

Sa di kalayuan ng pangyayari ay unti unting lumabas ang napakagandang babae. Nakasuot ito ng kulay berde na nahahaluan ng puting kulay ang kanyang bistida. Mahaba ang kanyang berdeng kulot na buhok at may kasama pa itong maliliit ng mga bulaklak na dumagdag iyon sa kanyang kagandahan. Kayumangi ang kanyang balat kagaya ng morenang babae sa mundo ng earth, Nakapaa lang ito ngunit nakalutang lang siya sa ere habang papalapit ito sa batang Reyin.

Huminto ito at dahan dahan bumaba. Tumingin lang ito ng malamig sa batang Reyin na walang malay. Sa kabila ng kanyang malamig na tingin ay makikuta rin ito ang pangamba at pagtataka.

"Ang batang ito ay tumataglay ng kapangyarihan na iyon, pero bakit? Matagal nang nawasak ang kasumpa sumpang angkan na iyon."

Madaming tanong nabuo sa kanyang isip ngunit nanatili itong walang sagot. Walang sino man makakasagot nito dahil walang nang nabubuhay na nilalang mula sa panahong na iyon maliban sa kanya. Kung lumitaw man ang ganitong kapangyarihan sa panahon na ito, Isang tanong na kahit siya di makakasagot.

"Sa ikabubuti ng mundo o isang delubyo"

____

AN: I'm back! :)

but still Im busy :(

Reincarnate to the Cultivation WorldWhere stories live. Discover now