Umikot ang mga mata ko habang natatawa. ''Internship nga lang 'yun, Tay. Ang kulit ninyo ni Nanay. Magsama nga po kayo.'' 

Humalakhak sila. Pumasok na ako sa tricycle at pinaandar na 'yon ni Tatay. Sumilip ako sa labas.

''Bye, Nanay! See you mamaya!'' 

Kinawayan ko siya at ganoon din siya sa akin, pero kaming nakangiti. 

Habang nasa byahe papuntang City Hall, hindi ko mapigilang isipin kung gaano ako maninibago sa buhay ko sa mga susunod na linggo. Sanay kasi akong gumigising nang sobrang aga para mag commute para hindi ma-traffic at mahirapan makasakay. Ngayon, hatid at sundo na ako ni Tatay. Hindi ko na kailangang gumising nang maaga dahil nandyan naman siya.

Bukod do'n, ilang araw ko ring hindi makikita si Ligaya. Naku, ang daldal pa naman ng isang 'yon! Pareho lang kami pero siya, ibang level! Sayang lang at sa isang law firm kasi siya magi-internship. 'Di bale, iimbitahin ko na lang siya sa bahay.

''Joshien! Dito! Dito!'' Tumatalon si Ate Angelie nang makita ko sa labas ng City Hall. 

Tumigil si Tatay roon at lumabas na ako. Woh! First day! Kaya ko 'to! Ilang buwan lang!

''Tatay, una na ako.'' Humalik ako sa pisngi niya.

''Oh, Joshien anak, umayos ha? 'Wag masyadong matabil ang bibig.'' Pinisil niya ang pisngi ko.

''Tay naman! Syempre magtitino ako rito, 'no. Well, chichikahin ko 'yung mga nasa opisina, tatanong ko kung nakakakurakot ba sila sa kaban ng bayan.'' Humagikhik ako.

 Agad na umiwas nang makita kong aambahan niya ako ng kurot. ''Ito naman! Joke lang, e!''

''Hay, Joshien! Umayos ha! Baka hindi ka lang sa City Hall ma-ban, kung hindi rito sa buong syudad natin!''

''Joke lang, Tatay! Promise!'' Umakto akong zinipper ang bibig. 

Hinaplos niya ang buhok ko at tumawang napapa-iling. ''Oh, papasada na ako. I-text mo na lang ako kung palabas ka na ha? Sabay ba kayo ni Angelie?''

Tumango ako. ''Opo.''

''Sige. Susunduin ko kayo, ha?''

Para akong bata na masiglang tumango. Pinaandar na ni Tatay ang tricycle at umalis na.

''Bye, Tatay! I love you!'' sigaw ko.

''Joshien! Joshien!''

Nilingon ko si Ate Angelie at tumakbo na. ''Ate! OMG! Sorry ngayon lang ako. Napahaba usapan namin ni Nanay, e.''

''Nako, okay lang! Ready ka na ba?''

Tumango ako, nakangiti. ''Ready'ng ready na!''

Hinatak niya na ako papasok at halos mamangha ako. Dahil umaga, maraming tao ang nagsisipasukan. Nagulat nga ako dahil sa totoo lang, ilang beses pa lang akong nakakapunta rito. Kaya nakakagulat para sa akin ang dami ng tao.

''Huwag ka nang magtaka, Joshien. Ganyan talaga rito tuwing umaga,'' aniya habang nakapila kami sa elevator.

''Bakit maraming tao?''

''Ah, 'yung iba hihingi ng tulong 'yan sa taas. Pansin mo 'yang may mga bitbit na brown envelope na nakapila sa harapan natin?'' Tinignan ko iyon. ''Sa 7th floor ang punta ng mga 'yan. Doon kasi ang solicitations para sa events sa mga barangay, o 'di kaya financial assistance para sa mga may sakit.''

''7th floor? 'Di ba roon tayo?''

''Yup. Sa 7th floor, doon ang offices ng Councilors at Vice Mayor, kung saan ako nagta-trabaho.''

The Red Light KissWo Geschichten leben. Entdecke jetzt