CHAPTER 3

373 24 0
                                    

I was busy fixing things when I heard the door open. Hindi ko nalang pinansin sa isiping 'yung Nurse lang 'yon. Wala kasing nagbabantay rito kanina nang pumasok kami. Kaya pinagpatuloy ko ang pag-aayos at paglilinis sa mga ginamit ko kanina.

Bahagya akong natigilan ng may maramdaman na presensya sa likod ko.

Kung ano-ano ng pumapasok sa isip ko habang naglilinis kaya hindi ko napansin ang anino ng isang tao na mukhang kanina pa nandito.

Dahan-dahan kong inabot ang gunting na nakalagay sa ibabaw ng hospital bed bilang pang protekta sa sarili ko.

Nagsisimula ng sumibol ang kaba sa dibdib ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ayoko pang mamatay, hindi ko pa nakakasama ng matagal ang pamangkin ko, please..

Pero bago ko pa iyon mahawakan ay hinuli na nito ang mga kamay ko at sapilitang pinapaharap sakaniya.

Pilit akong nagpupumiglas habang binabawi ang kamay ko, ngunit 'di hamak na mas malakas ito kaysa sa 'kin kaya hindi ako nag tagumpay.

Handa na sana akong humingi ng tulong, dahil unti-unti ng nauubos ang lakas ko sa kakapumiglas. Hindi na naisip kung may makakarinig ba sa 'kin kung sakaling ginawa ko 'yon o wala.

Ngunit agad ding natigilan ng masilayan kung sino ang mapangahas na taong 'to. Nanlaki ang mga mata ko at buong pwersang binawi ang mga kamay ko.

"Anong balak mo sa 'kin, ha?!" dinuro ko siya. Bumibilis ang bawat paghinga ko dahil aminin ko man o hindi, natakot ako ro'n.

Wala akong laban dahil ang lakas niya. At p'wede niyang gawin kung ano man ang gusto nitong gawin sa 'kin. Kahit magsu-sumigaw ako, walang makakarinig dahil class hour na. Wala ng mga studyanteng pagala-gala ngayon dahil once na makita sila sa labas t'wing oras ng klase, matinding parusa ang makukuha nila upang mag tanda.

"Tangina, kung balak mo 'kong patayin sabihin mo lang! Hindi 'yung tinatakot mo 'ko ng ganito!"

"I really like to." deretsyong ani nito na siyang kinasinghap ko.

Talagang hindi siya nag dalawang isip ng sabihin iyon, huh? Fvck him!

"Shh.." he placed his forefinger between my lips when I was about to say something.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil do'n at naragdagan ang inis na nararamdaman para sakaniya.

"Let me finish first, love." He said and lowered his head. He paused when his lips pressed against my ear.

Hindi ako makagalaw at basta na lamang pinapakiramdaman ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko. His warm breath was hitting the sensitive part of my neck. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makiliti.

"Yes, I would love too.."

Tangina, gustong-gusto niya talaga akong patayin, huh? Nasan ang pagmamahal do'n?

"Gusto kitang patayin sa sarap." He whispered. His baritone voice sent tingles down my spine.

Malakas akong napasinghap at wala sa sariling naitulak siya palayo sa 'kin. Kahit hindi ko tingnan ang sarili ko, alam kong pulang-pula na ang mukha ko dahil ramdam ko ang pag-iinit no'n.

"Lubayan mo 'ko!" pilit kong tinatago ang pamumula ng mukha ko sa pamamagitan ng pagtingin sakaniya ng masama.

Pero ang loko, mukhang natuwa pa dahil sa reaksyon ko.

"Ngayon pa ba kita lulubayan?" malaki siyang napangisi, "ngayon pa ba, Gianna?"

Napaatras ako ng mag-umpisa itong umabante. He didn't take his eyes off me while doing that.

MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA SERIES #1 )Where stories live. Discover now