CHAPTER 25

152 16 0
                                    

Muli na namang nag-ingay ang doorbell. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at muling tumingin sakaniya.

Nanghihingi ng tulong.

Sobrang lakas nang pintig ng puso ko dahil sa kaba; hindi pa nakakatulong 'tong kasama ko kung makataranta akala mo mamamatay na!

"Anong gagawin natin ngayon?!" problemado itong napatingin sa gawi ng pintuan. "Sinabi na kasi kaninang umuwi kana sainyo, e! Tingnan mo! Nakaharap natin 'yung delubyo!"

"Hindi 'to ang tamang oras para magsisihan, okay?!" mahina kong sigaw, nangangambang marinig kami sa labas kapag nilakasan ko ang boses ko.

"Oh, ano ngang gagawin?!"

Napaisip ako.

Hindi ako p'wedeng lumabas nalang basta dahil nasa labas nga siya, at siya rin ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito ngayon!

Kung hindi ko lang talaga siya nakita kung paano magalit noon—baka hindi ako nagkakaganito ngayon!

Lahat ng nahahawakan niya no'n ay nasisira dahil lang sa pagkaka-hawak niya. Ultimong tv namin na nananahimik, nasira niya nang walang kahirap-hirap gamit ang mga kamay!

Walang pumipigil sakaniya dahil hindi namin alam kung pa'no! Maski sina Daddy ay walang magawa dahil hindi siya nakikinig! Kapag may magsasalita, wala pa man lumalabas sa bibig mo—sisindakin kana gamit ang tingin niyang nanununog!

Naaalala ko pa kung pa'no naging basurahan ang malinis naming sala! Kalat anywhere, bubog everywhere! Lahat ng gamit sa sala ay sinira niya nang walang kahirap-hirap!

Kaya hindi niyo 'ko masisisi kung bakit nagkakaganito ako ngayon! Lalo pa't marami akong atraso sakaniya!

Karma ko na ba talaga 'to?!

Mariin akong napapikit. Ngunit agad ding napamulagat at napapitik pa sa hangin; animo'y may pumasok na magandang ideya sa isip ko.

"M-Mag tago!" pinandilatan ko siya ng mata at mabilis hinagilap ang mga gamit ko. "Mag tatago ako!" mahinang sigaw ko pa na parang 'yon na ang pinakamagandang sulosyon na gawin sa sitwasyon namin ngayon. "Pero saan?!"

Natutuliro siyang tumingin sa paligid ng penthouse niya. Maya-maya pa'y tinuro nito ang pinto na malapit lang sa bintana—kaharap ng glass door.

"D-Dun! Doon! Doon ka mag tago!" napamura siya bigla nang malakas na kumalampag ang main door. Muli niyang tinuro ang pintuan at pinandilatan ako ng mata. "Mag tago kana! Storage room 'yan, 'di siya papasok d'yan! Dalian mo!"

Dali dali naman akong sumunod nang kinalampag niya muli ang glass door. Nangangamba na tuloy akong masira 'yon.

Sa daming kayang gawin at bigat ng mga kamay niya, hindi imposibleng masira 'yon.

Mabilis kong ni-lock 'yon pagkapasok. Habol ko pa ang aking pag-hinga, animo'y ilang ektarya ang tinakbo!

Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi ko nang dahan-dahang bumukas ang main door. Mariin pa 'kong napapikit at bahagyang napatalon sa kinatatayuan nang marinig ang malalim at baritono niyang boses.

"What took you so long?!"

"Nasa bathroom kasi ako," balewalang sagot ni Gian. Tila kalmadong kalmado na siya at hindi pinanginigan ng kamay kanina.

MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA SERIES #1 )Where stories live. Discover now