003 ☆

186 12 24
                                    

003 

HEADACHE AND A HARD HEAD

▬▬▬▬▬

for my writers place discord fam who have been so supportive of this work. starting it with claire, who reminds of Irina haha. love you, fam <3 

▬▬▬▬▬


"UGH! BAKIT KASI hindi na lang si Baby Jackson ko 'yong nanalo? Bakit 'yong Shun pa? My god!"

Hindi pa rin tapos magreklamo si Klea sa pagkatalo ng baby Jackson niya kahit dalawang araw na 'yong lumipas.

Natalo kasi si Jackson kay Shun, basketball player kaya mas marami ang fans, ayun, mas maraming boto. Gwapo rin kasi, matangkad, maputi 'tsaka chinito. Si Jackson naman, maliit lang ng konti kay Shun, hindi kaputian pero malaki 'yong katawan 'tsaka kissable lips daw... sabi ni Klea.

Si Shun 'yong nanalong Grade 10 ref— rep pala, ewan ko ba ano 'yon.

"Baka karma 'yan. Bigla-bigla mo kasi kaming sinasali," sabi ni Julia.

Agad namang sumimangot si Klea. "Kasalanan lahat no'ng nag-nominate kay Shun! Mananalo na sana si Jackson ko kung 'di siya nakisali, edi sana magkasama kami sa club, edi sana..."

"Bakit? Magiging jowa mo na ba siya kung nanalo siyang officer?"

Kita! Nagngiting aso siya sa sinabi ko. Malala na talaga tama nito.

"Hindi naman 'no?" dugtong ni Julia.

Lukot agad 'yong mukha niya.

"Ang nenega niyo talaga! Friends ba talaga tayo? 'Di ba dapat—"

"Hindi kaya, F.O. na nga tayo e."

Binitawan ko sila 'tsaka naunang maglakad, 'yong pangmataray. Siyempre charot lang! Pasalamat talaga si Klea may naisip akong napakagandang plano sa ginawa niya.

"Ih, Riri babe! Sorry na!" sigaw agad ni Klea 'tsaka sumabay sa 'kin. "Ang ganda-ganda kaya ng outfit mo today!"

Alam na alam talaga akong gatasan ng mga 'to.

"Baka akala nila ikaw ang nagbi-birthday niyan ha," si Julia.

Nagsuot ako ng kulay puting sweater 'tsaka pulang vest, puting pantalon 'tsaka red na Vans. Siyempre 'di mawawala 'yong mahaba kong medyas. Tapos, tinirintas ko 'yong buhok ko.

Si Klea, as usual, naka-mini dress na blue, tapos si Julia naka-white blouse.

"Edi bongga."

Papunta kami sa birthday ni Karen, kaibigan din namin. Katatapos lang ng klase, nagbihis lang tapos diretso agad dito. Lukaret pa naman 'yong isang 'yon, ang bilis magtampo.

Malapit na kami no'ng biglang mapahinto dahil kay Julia.

"Napano ka, girl?"

"Mga gaga, may meeting pala tayo ngayon!"

"Huh? Meeting saan?"

"Sa English Club!"

Putek. Oo nga pala! Sinabihan nga pala ako ni Icarus kahapon. Nakalimutan ko!

Bakit naman kasi ngayon pa? May vacant naman kami kanina, hindi niya pa siya nagpameeting no'n.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Klea.

All The Magic We MadeWhere stories live. Discover now