002 ☆

249 15 37
                                    

002

THE FLIGHT OF ICARUS

▬▬▬▬▬

for LadyinGlasses who supported me ever since this was just an idea. for the motivation that she gave me through her words. thank you for being such a kind soul.

▬▬▬▬▬


"WHAT CAN YOU SAY AS THE VICE PRESIDENT OF ENGLISH CLUB, IRINA GOMEZ?"

Gusto ko na lang pakain sa lupa.

Gustong gusto ko kapag nakatingin lahat sa 'kin. Pero hindi 'yong as a club vice president. At mas lalong habang hinihintay nila akong magsabi ng speech— na dapat English.

Siniko ako ni Klea na katabi kong nakatayo sa harap ng lahat para sa speech. Kung 'di ba naman siya lukaret, mismong sarili niya dinamay niya sa kalokohan. Secretary siya, at si Julia, auditor.

One for all, all for one yarn?

"Magsalita ka na, babe!" madiin niyang bulong.

Putek. Oo nga pala!

Tumikhim si President Icarus sa tabi ko 'tsaka malamig na tumingin sa 'kin.

Heto na nga! Atat na atat? Naghahanap pa ko ng sasabihin sa tatatlong English na alam ko.

"H-Hi! I'm Irina Gomez... Thanks."

Tumingala na lang ako sa kahihiyan no'ng marinig kong magpigil ng tawa 'yong mga nanonood sa paghihirap ko.

Bakit ba kasi may English club pa? At bakit, bakit Jackson, pasosyal ka pa at dito ka pumunta? At mas lalong bakit Klea, si Jackson na mukhang asungot pa 'yong nagustuhan mo?

Putek na 'yan, bakit nandito ako! Ayokong ma-stress!

* * *

"AS THE PRESIDENT, I advised that we only do club matters after school hours. Not during or in between. In that way, our studies won't be affected."

Ano raw sabi ni Icarus— ay president pala? School 'tsaka studies lang naiintindihan ko.

Sa sobrang dami niyang sinasabi mula kanina, himalang hindi pa dumudugo 'yong ilong ko.

"But what about during club competition? Can you really prepare—"

"Let her speak, Ma'am Jenni," si Ma'am Grace.

Inaantok ako. Gusto kong humikab mula kanina pa. Kaso si Ma'am Grace ba naman 'yong nakatayo sa harap tapos nakahalukipkip pa.

"Time management, ma'am. I will make a plan," sagot ni Icarus.

Siya lang yata 'yong kilala kong kayang makipagusap kay Ma'am Grace na walang takot. Sabagay, madalas naman siyang malamig tumingin. Minsan naman, 'sing blangko yata ng utak ko pagdating sa English 'yong tingin niya. Kasing lamig ng tingin niya 'yong boses niya. Tunog walang pakialam sa mundo.

Tumingin ulit siya sa 'min. "If everyone will be responsible and cooperate, then I assure that we'll win the overall club competition."

"Whoo! Yes! Very good! Champion!"

Nalipat lahat ng tingin namin do'n sa Grade 9 officer na pumalakpak. Siya pa lang 'yong nagsalita bukod kay Icarus.

Nagpigil ako ng tawa no'ng ngumiti siya 'tsaka tumigil sa pagpalakpak.

All The Magic We MadeWhere stories live. Discover now