CHAPTER 10

94 11 1
                                    

Nawalan ako ng imik nang makita ang amused na ekspresyon sa mukha ni Kyran at ang walang kaemo-emosyong mukha ni Rius. I stealthily pulled my arm out of Klein's grasped. Dahan-dahan akong tumayo at lumayo sa kaniya, kapagkuwan ay inayos ko ang suot kong bistida.

Iyon na yata ang pinaka-awkward na sitwasyong kinalagyan ko sa tanang buhay ko. It's not like I've made a fool of myself years ago, other than this.

"I'll excuse myself," marahan kong wika at tahimik na nilisan ang lugar ng hindi naririnig ang sagot nila.

"Okay..." mahabang sabi ni Kyran habang may sinusupil na ngiti.

Hindi ko siya pinansin at walang lingon-likod na naglakad palayo. Bumagal ang paglalakad ko nang tuloyang makalayo sa kanila, parang doon lang ako nakahinga ng maluwag. Pasimple kong inilagay ang aking kamay sa banda ng dibdib ko at dinama ang malakas na pintig nito. Ipinikit ko ang aking mga mata at marahang huminga para pakalmahin ang sarili. May sakit na siguro ako sa puso.

"I should have known that you're enjoying yourself here."

I almost jumped out of surprise when I heard a deep voice. Eyes widening, I turned to the man who's now walking beside me. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya, gano'n din siya sa akin. Just like me, he was just like an ordinary tourist vacationing in that Resort. He was wearing a gray shorts and white polo shirt with the first three buttons, opened.

"What the hell are you doing here?" I managed to utter, but deep down my whole being was in chaos and I'm freaking out. Conrad Rochester. Anong ginagawa ng lalaking ito rito? He was staring at me in a taunting manner. Bahagya akong nakatingala sa kaniya. I may be tall, but he's a big dude. I couldn't do much but to glare at his sterling gray eyes. Kailangan kong matansya ang sarili ko, kung ayaw kong bumulagta ng walang buhay sa islang ito.

"Uh, that," he scratched his nape and behatted on thinking about something. Then he pursed his lips, as if he's running out of something to say. "Cut the crap. Is it that bad to visit your fiancee?" pinagdiinan niya ang huling salita.

My jaw tightened at what he'd said. Naikuyom ko ang aking mga kamay, nanginginig na iyon at tila nangangati ng dumapo sa isang mukha. How I hate when I get to remember that stupid engagement. And this motherfvcker is here to pester me about the damn ruckus.

"I'm not asking for your presence. And I will never need you, Rochester!" hindi ko mapigilan na masigawan ito. Hindi ko alam kung bakit natatagalan kong makaharap ang pagmumukha ng lalaking ito at nagawa ko pa iyong sabihin sa kaniya. Mabilis ko siyang tinalikuran, nagpupuyos na sa galit.

"This is a nice business, huh? I heard he's known from this industry. What's his name again? Klein Valentino?" may halo ng panunuya ang tono ng kalmadong boses niya. "And... he's the father of your son. What a coincidence," tumawa siya ng walang emosyon.

Tuloyan akong natigil sa paghakbang at nabato sa kinatatayuan ko.

Abot-abot ang kaba sa aking dibdib nang lingonin ko ang paligid namin. Good God, how the hell did he knew about that? Ni ilang matataas na katauhan sa organisasyan ay walang nakakaalam tungkol sa anak ko. Pero bakit ba nagugulat pa ako. What do I expect from a powerful man. He can take charge to any person and can easily took a soul for a penny. I doubt my men's reliance.

"Con, not now," halos magmakaawa na sinabi ko.

He look down on me as if I've just spilled a ridiculous idea.

Nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ko nang matanto ang katangahang sinabi. I shouldn't let him see any bit of infirmity.

Malakas siyang tumawa, kapagkuwan ay inilapit niya ang kaniyang mukha sa gilid ng tainga ko. "Non preoccuparti, cara mia. You aren't any important than my business here," he whispered and just like that, he vanished in the thin air leaving me in turbid.

His Deceitful Delinquent (Art of Love #1) On goingWhere stories live. Discover now