Dare Relationship Status Pt.2

31 2 0
                                    

Oh, napub ko na pala siya before pero dinelete ko. Well, gusto ko lang 'to lumayas sa draft ko so kahit hindi kagandahan, go lang.

_________________

*December 25. 13th day*
I sent him a letter. Dun ko sinabi 'yung mga wish ko para sa kanya, dun ko siya binati at kung ano pa.

He appreciated it so much. 

After that, kung ano-ano na ang pinag-usapan namin. Komportable na kaming mag-lokohan sa isa't isa.

We spend the christmas together.

*December 26. 14th day*
Nag-chat ako sa kanya. Sabi ko, I want to send him a voice message. Sobrang nahirapan ako isend 'yon sa kanya kasi una sa lahat, hindi kagandahan ang boses ko. But in the end, sinend ko na lang. Wala na 'tong atrasan!

He then replied, "Your voice is lovely, my love".

Hindi ako naniwala. Kasi baka binobola niya lang ako ganun pero sabi niya gusto niya 'yon at gentle naman daw ang boses ko kaya nagustuhan niya. Sana all...

Nung hapon na, nag-chat ako ulit. Reply niya, "tomorrow we will end this na."

'Di naman masakit...

Two weeks nga lang pala ang usapan namin, sumobra lang kami ng isang araw.

I asked him kung nag-enjoy ba siya at yes daw. Masaya din siya na nakilala niya daw ako. Ganun din naman ako. Pero hindi ko 'yon sinabi sa kanya.

*December 27. Last day*
Gabi na kami nag-usap. Nawalan daw sila ng internet at ako naman, kinuha ng parents ko 'yung phone ko. Ang ganda 'no? Kung kailan last day na, tsaka kami hindi nagkausap ng mas matagal...

8:50 p.m kami nag-usap, 9:30 p.m kami natapos...

Nung nag twelve midnight na, I deactivated my account. Na-broke ko kasi 'yung isang rule namin ng best friend ko kaya kailangan ko mag-deactivate. One of our rules is not to fall for your partner, but I broke that...

Biglang nag-chat sa akin 'yung best friend ko. Chinat daw siya nung partner ko and he's asking why did I deactivate.

Sabi ko sa best friend ko na wag sabihin 'yung reason and just tell him na babalik din ako.

May isa pa akong account at friend ko siya dun. Nung nag-deactivate ako, lagi ko siyang nahuhuling active.

Ako naman, nag-assume na hinihintay niya akong bumalik.

Sorry na, tao lang ehe...

*December 29*
Bumalik ako. Saktong active siya, hindi ko pinaalam sa kanya na bumalik na ako.

Few minutes after kong bumalik, nag-chat siya. Masaya daw siya na bumalik ako. I jokingly said kung namiss niya ba ako and he answered, yes.

Tinanong ko siya kung anong inisip niya nung umalis ako, sabi niya inisip niya daw basta ko na lang siya iniwan.

So 'yon, inexplain ko na kung bakit ako umalis but I never mentioned that rule I broke.

Kahit pinipilit niya ako, hindi ko sinabi.

Tinanong niya din kung 'yung rule ba na 'yon ay involved siya. Medyo 'yung sinagot ko kasi involved talaga siya.

Then, another question came out. Tinanong niya kung gusto ko bang ituloy 'yung drs kasi willing naman daw siya ituloy 'yon.

Hindi ko alam kung anong ia-assume ko diyan my gosh...

At first, nagdalawang isip ako kasi magbabalik schooling na at tambak siya ng school works. For sure, mawawalan na naman siya ng oras sa akin.

Dare Relationship StatusWhere stories live. Discover now