He was wearing outside dress again. I sighed because of that.

I looked away when he turned his head on our direction. I know that his eyes were darted directly at us.. at me... Para na naman ako nitong hinihigop gamit ang asul nitong mga mata but I chose to ignore him.

"Aga mo, ah?" pansin ko bago humiwalay sa yakap niya.

"Sabi mo kasi maaga ka rin papasok, eh. Kaya inagahan ko na rin, sayang ang oras na masasayang kung hindi tayo mag b-bonding!"

"Anong bonding naman ang gagawin natin?" tanong ko habang sinasabayaan siya sa paglalakad.

"Kumain kana ba? Kain tayo," aniya at kumapit sa braso ko. "Treat ko na, ako naman nag-aya, eh."

Natawa ako sa huli niyang sinabi. "Ayos lang naman sa 'kin mag KKB—" nginisihan ko siya.

"Hindi, ako na bahala—"

"—kaniya-kaniyang baby," malakas akong tumawa ng padabog nitong inalis ang pagkakakapit niya sa braso ko.

Nakanguso pa ito habang salubong ang mga kilay na tumingin sa akin.

"Wak na pala!" ismid nito bago nag patuloy sa paglalakad, "wak na! Wak na!"

"Joke lang! Eto naman hindi mabiro!" tumatawa ko siyang inakbayan.

"Hindi maganda 'yung joke mo! Lalo na sa mga single!" masama ang loob nitong sabi.

"Oo na, alam ko namang single ka. Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa sa 'kin," pang-aasar ko pa.

"Gianna!" naiinis nitong sambit sa pangalan ko na siyang kinatawa ko na naman.

Ang sarap niyang asarin dahil pumupula ang mukha nitong parang siopao dahil sa mataba nitong pisngi. Gusto ko tuloy siyang kagitin.

"Oh, joke lang—"

"Hala..." gulat nitong bulalas na siyang nakapagpatigil sa akin sa pagsasalita.

Kunot-noo ko siyang tiningnan, sinusuri kung may nangyari ba sakaniya o ano. Pero mukhang ayos lang naman siya, nakakunot nga lang ang noo nito habang nakatingin sa kung saan.

Kaya kunot-noo kong sinundan ang tinitingnan nito, ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng mamataan ang isang lalaking walang awang pinagsisipa sa tiyan ang lalaking nakahiga na sa sahig.

Kaya naman pala gano'n nalang ang reaksyon nito.

Napabuntong-hininga ako ng mamataan na naman siya.. sila... Sila na naman, but this time, hindi na sila sa quadrangle, malapit sa gymnasium naman sila ngayon.

Wala talaga silang pinipiling lugar, 'no?

Dinig na dinig ko ang pagmamakaawa ng lalaki na tigilan na ang ginagawa sakaniya ngunit tila wala siyang naririnig dahil patuloy pa rin ito sa ginagawa niya.

Hanggang kailan siya magiging ganito? Anong mapapala niya sa pananakit ng kapwa niyang studyante? Did this satisfy him?

Nang hindi na makatiis na marinig ang pagmamakaawa ng biktima niya ay patakbo na 'kong lumapit sa kinaroroonan nila.

MY HUSBAND IS A GANGSTER ( RA SERIES #1 )Where stories live. Discover now