Chapter 1

200 8 13
                                    

GAGONG OPPA

Valen's POV

Huminga ako ng malalim.

Guess I'm back again.

Napakamot ako sa batok bago tuluyang naglakad.

Hindi ko aakalaing pagkalipas ng tatlong taon ay muli akong babalik sa Pilipinas which I never imagined and I would rather not to, but here I am again.

Dumiretso ako sa labas ng airport kung saan makikita ang itim na van na naghihintay sa akin. Binuksan ito ng driver kaya pumasok na ako. Ilang minuto pa ang nakalipas at pinaandar na nya ang sasakyan at tahimik lang kaming dalawa sa byahe.

Ilang sandali akong tumingin sa labas ng bintana and as usual, puro matataas na building ang makikita. Which is really different from South Korea. You can still see tall green plants even at the center of Seoul.

Ayokong mastress sa mga nakikita ko kaya kinuha ko ang phone ko sa bulsa at binuksan ito. Agad na nag-pop up ang mga messages kaya tiningnan ko ang mga ito. As usual puro mga advertisements saka mga messages mula kay tanda na iilang days na ang nakakalipas at wala pa rin akong ganang buksan. At isang message mula kay Lav.

Wag kang umasang bati na tayo pagkita natin. Bye!

Muli nalang akong napabuntong hininga ng mabasa ang message nya. Hindi pa rin sya nagbabago. At siguro hindi pa rin sya magbabago.

Tsk. Jjajeungna! (Annoying in Korean)

Inilagay ko nalang ang cell phone ko sa katabi kong bag at umayos ng upo. Iidlip nalang muna ako. Total mejo malayo pa naman ang kinuha kong condo.


Lia's POV

Aling Tesha

Pako

Linda

.

.

.

Ronald

Ronald?

Aba! walang hiyang Ronald to! hindi pa pala nagbabayad ng inutang nya sa akin! Apat na buwan na ang nakalipas at sariwa pa rin ang pangalan nya sa listahan ko! Kaya pala hindi na sya nagpapakita sa akin! malaman laman ko lang kung nasaan sya, dudukutin ko talaga esophagus nung banong lalaking iyon!

Inis kong ibinalik sa bulsa ng kupas kong apron ang listahan ng mga taong umutang sa akin.

Hay naku! hindi ba nila halata na naghihirap din ako sa buhay? hindi pa nga ako nakakaambag dun sa kaklase kong namatayan ng pinsan. Sabagay, nung namatay nga si Lola, ni isang kaklase ko walang pumunta sa lamay, tapos mag-aambag pa sila? naku ewan ko lang.

Pero dahil alam ko yung feeling ng mamatayan, sisikapin kong mag-ipon para makabigay ng kaunti dun sa kaklase ko. Iilang araw muna akong doble sa pagdiet tapos kailangan kong masingil yung mga taong umutang sa akin.

Lalong lalo na si Ronald.

Nandito nga pala ako sa harap ng lumang gusali. Dito ako nakapwesto at ng mga itinitinda ko na mga sari-saring produkto na makikita sa sari-sari store. Kailangan pa kasing magbayad ng renta sa palengke, kaya dito nalang para tipid. Sayang din yung bayad dun. Yun nga lang, miminsan lang ang mga tao kung dumaan dito kaya naman umaasa nalang ako sa mga suki ko. At dahil sa taghirap din ngayon, yung ibang mga umutang sa akin ay hindi pa nagbabayad.

Tumayo ako at muling inayos ang mga paninda ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Wala na pala akong panindang Zonrox. Iyon pa naman ang naunang naubos. At dahil may utang pa ako kay Aling Pasing eh hindi ko muna madadagdagan ang mga paninda ko.

Hart with Lav and ValentineNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ