"Kinilig siya oh" sambit ko.

"Just continue eating na at magpahinga kana jaan" sabi namn nito.

After I was done eating at naka-inom na ako ng gamot, nagpapahinga na ako at wala rin naman akong gagawin kundi humilita buong araw dito sa kama hanggang sa hindi sumasakit ang ulo ko.

Then mom entered the room na kaliligo lang.

"Want me to turn on the tv?" tanong nito.

"Sure mom, anong panonoorin natin?"

"What do you want to watch ba?" she asked.

"Hindi ko pa napapanood yung five feet apart can we watch it?" sabi ko.

"Sure" sagot naman ni mommy at pinlay na yung papanoorin namin.

Tinabihan ako nito sa kama at sa kalagitnaan ng pinapanood namin ay hindi ko na namalayan at ako'y nakatulog na pala.

Narinig ko na lang ang ilang mga sinabi ni mommy sa akin at mukhang pinatay na nito ang tv dahil tapos na.

"Nakatulog kana pala anak" she said and then kissed my forehead.

I also heard that she's humming her favorite song (when she loves me.)

After a few hours, I awoke to find that it was now dark.

Wala na si mommy sa tabi ko at pumunta muna akong cr bago bumaba.

When I went downstairs, the house appeared to be calm, and I noticed manang just entering the house from the garden.

"Hi manang, saan po si mommy?" tanong ko sa kanya.

"Kayo po pala ma'am, umalis po kanina at mukhang nagmamadali po eh. Pero ang sinabi niya sa akin ay may sulat daw siyang iniwan sa room niyo po. Baka doon niya isinulat kung saan siya nag punta, hindi rin po kasin sinabi sa akin" sagot naman nito.

"Teka ma'am, paghahanda po kita ng hapunan, sabi kasi ng mommy niyo ay masakit daw po ang ulo niyo" dagdag pa nito.

"Sige po manang, nakapag hapunan na rin ba kayo?" I asked her.

"Hindi pa po"

"Sabay na lang po tayo, para ay may kasama ako" sambit ko sa kanya at kaagad namang sumang-ayon ito.

Bumalik muna ako ng room ko and I saw the letter that mom left awhile ago. Kaagad ko namang binasa ito.

"I'm sorry if I'm not alongside you when you wake up, honey. The company's board of directors is holding an emergency meeting, which is very crucial. Because of your deep sleep, I didn't wake you up so I could say my goodbyes. But as soon as the meeting is over, we'll be back with your daddy. Manang is nearby, and you can phone me if you need anything. Because you're still sick, huwag mong papagurin ang sarili mo. I love you our princess."

That's all the words indicate in the letter and I didn't call mom na baka kasi nasa meeting pa ito at busy silang lahat as well as kila kuya.

Kaya bumaba na lang ako para makapag haponan na kami ni manang.

"Kain na po tayo manang" pag-aaya ko sa kanya pagkatapos manalangin.

Sa kalagitnan ng aming pagkain ay maraming naikwento si manang sa akin at meron itong sinabi sa akin na bigla akong napangiti.

"Alam mo ma'am talagang mahal ka nila ma'am at sir pati na rin ang buong pamilya ninyo. Ikaw lang kasi ang nag-iisang babae, pero hindi talaga nagkakalayo ang itsura at ugali niyo ni ma'am Irene at sir Greggy" sabi nito.

"Nako manang ikaw ha, baka gusto mo kaagad makuha ang 13th month pay mo" pang-aasar ko sa kanya.

"Nako ma'am hindi po sa ganon, nagsasabi lang po ako ng totoo. Hindi pa po talaga kita nakita na nagagalit o naging suplada, napaka bukal ng inyong puso" dagdag pa nito.

"Salamat po manang, wala rin namang rason kung bakit ako magagalit. Kung meron naman pong problema ay pwede naman natin itong idaan sa mahinahong usapan" giit ko.

"Kaya napaka swerte ng pamilya mo sayo ma'am pala" banggit nito.

"Kayo po talaga, pero salamat po sa mabubuting salita na sinabi niyo tungkol sa amin. Yung iba kasi hindi ko alam kung bakit pinagsasabihan kami ng masasakit na salita eh wala naman po kaming ginagawa na masama sa kanila" daig ko.

"Huwag niyo po silang intindihin, simula noong bata po kayo ma'am ay wala po talaga akong nakita na masasama sa inyo. Sadyang bulag lang yong ibang mga tao" banggit ni manang.

"Yun nga po, siguro yun din po ang naging rason kung bakit hindi naging bahagi si mommy sa politics, katulad nila mama Imee at pops. Pinili niya na maging tahimik ang buhay namin at umiwas sa mga camera" sabi ko naman.

"Baka nga po ma'am. Ito po yung gamot niyo na ibinilin ni ma'am kanina. Inumin niyo raw yan po at huwag niyo raw pong papagurin ang sarili ninyo at magpahinga po kayo kaagad" sabay abot ni manang sa akin ng gamot pagkatapos kong kumain.

"Salamat po" sambit ko.

Tutulungan ko sanang magligpit ng pinag-kainan namin si manang. Pero hindi niya ako hinayaan at sinabi niya na siya na lang at pumunta na ako sa room ko para makapagpahinga.

"Sigurado po kayo manang? Ayos naman na po ako at tutulungan ko na lang po kayo" sabi ko sa kanya.

"Huwag na po ma'am ako na pong bahala rito, magpahinga na po kayo" giit nito.

"Sige na nga po, aakyat na po ako sa room ko. Kapag may kailangan po kayo, just knock on my room na lang" banggit ko sa kanya at tumungo na sa itaas.

Pagkadating ko ng room ko I turned on the tv at pumili ng mapapanood.

Ilang oras na ang lumipas at nakailang panood na ako ay wala pa rin sila mommy and daddy.

I also checked the time, and it is now 10:30 pm. Because I wasn't tired yet, I turned off the tv and just read my pocket book.

Nagdaan ang ilang mga minuto at mukhang hindi na kaya ng mga mata ko magbasa kaya nanalangin muna ako at natulog na rin.

Sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay mukhang may pumasok sa room ko at mukhang si mommy o daddy yun.

Tumungo ito sa akin.

"Sorry we're so late to got home anak but goodnight and I love you" sabi ni mommy at hinalikan ako sa noo na siya ring lumabas na.



Wish Upon A Fading StarWhere stories live. Discover now