"Mahuhulog ba ako sa taong binu-bully ako noon ma?" Mahina akong tumawa kahit alam ni mommy na kunwaring tawa lamang iyon.

"Honey, boys have ways para itago ang nararamdaman nila." Malambing ang boses ni mommy nang sabihin niya iyon. Napaawang na lamang ang bibig ko.

Hindi nagtagal at narinig ko na ang pamilyar na busina ng sasakyan ni Craig na nakaparada sa tapat ng aming gate. Agad akong bumaba at nilagay ang ilang hibla ng aking buhok sa aking kaliwang tainga.

Abot tainga ang ngiti ko dahil kasama si Yael. Hindi ko alam kung bakit kaya ko pang ngumiti ng ganito at ma excite sa kabila ng sakit na idinulot niya sa akin.

Napawi ang mga ngiti ko sa aking labi nang makitang si Craig lamang ang nasa loob ng kaniyang kotse.

Nasilayan ko ang naka ngisi niyang labi at lumabas upang pag buksan ako ng pintuan. Nag paalam muna siya kay mommy bago sumakay sa driver seat ng kaniyang kotse.

"Where's Yael?" Tumaas ang aking kanang kilay.

Napawi ang ngiti niya. "Nauna na. And by the way, inexplain ko na kay Yael na minanipula lang ng mga babae ang kapatid ko para sabihin na ikaw ang nag paiyak sa kaniya."

"Oh? Anong sabi?" Halos tumalon ang puso ko sa tuwa.

"He looks convinced. Naniwala naman dahil kinumpira niya 'to kay Maddi." Seryoso ang titig niya sa tinatahak naming daan.

"Thanks." Makahulugan kong sabi.

"Do I have a prize?" Tumingin siya sa akin at tinaas baba ang kaniyang kilay.

Tumawa ako at kinagat ang aking labi. "How about, maging friends tayo for real?"

Napaawang ang kaniyang labi. "Friends naman tayo ah."

"I mean. Kasi naging friends lang naman tayo dahil kay Yael. Dahil gusto kong maging ka close siya. I-I want us be friends nang hindi dahil may benepisyo tayo sa isa't isa." Aking pagpapaliwanag.

"Okey then." Malamig ang tonong binitawan ni Craig.

"Ayaw mo?" Pranka kong tanong at tinitigan siya ng mabuti dahilan para magtagpo ang mga mata namin.

"Gusto ko. Ganito lang talaga ako. I'm not an expressive person lalo na kapag nawala sa mood." Nagkibit balikat siya.

Ganun na lang din ang aking ginawa.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe at nagising na lamang ako sa kalabit ni Craig sa akin.

"Nasa church na tayo." Aniya at lumabas upang pag buksan ako ng pinto.

Agad akong lumabas ng kotse at nasilaw sa liwanag na tumama sa aking mata gawa ng araw.

"Saan kayo brad?" Rinig kong tanong ni Craig sa katawagan niya sa cellphone. "Sige."

Hinawakan ni Craig ang kamay ko at pinag salikop ang mga daliri namin. Nagpatianod na lamang ako sa kaniya.

Habang tumatagal, napapagtanto ko kung saan kami patungo. Sabay rin namang namuo ang ngiti sa aking labi kahit alam kong kasama niya si Maddison. Tanggap ko na kasi na hanggang pagkakaibigan lamang ang ending namin. I'm not that desperate na mang agaw at manira na lamang ng relasyon para mabuo ang happily ever after mo. Matuto tayong tumanggap ng pagkatalo.

"Hi Kayleen." Ngumiti sa akin si Maddison at kumaway. Kinawayan ko rin naman siya. Nakasuot siya ng isang dress tulad sa akin pero navy blue ang kulay nito at may belt sa gitna na kulay puti. Ang ganda niya tignan sa dress na iyon. "Sorry uli."

"Kalimutan mo na yun." Ani ko. Bigla ko tuloy naalala ang sinabi sa akin ni Yael nung nakaraan.

"Hi." Half smile ang naibigay sa akin ni Yael. May naramdaman akong kung ano sa aking sikmura. "I'm sorry pala sa ginawa ko nung nakaraan. Napagtanto ko naman na mali pala lahat ng inakala ko. Thanks for taking care of my girl." Kaniyang pag dugtong at binaling ang tingin kay Maddison.

Napalunok ako. Ito na yata ang pinaka mahaba niyang nasabi sa akin. Nakakatuwa. "A-ano ka ba. Wala yun."

Mas lalong gumwapo si Yael sa kaniyang suot. Simpleng polo ito pero nadedefine ang muscles niya sa braso at ang chest niya sa ilalim. Pinaresan niya ito ng skinny jeans na brown. Si Craig naman ay simpleng black t-shirt na may batman print at skinny jeans na kulay asul. Tulad ni Yael, nadedefine din ang pagka maskulado ni Craig sa kaniyang suot. Mas malaki nga lang ang katawan ni Craig kaysa kay Yael.

Naglakad kami papasok sa simbahan at naunang makahanap ng upuan si Yael at Maddison. Nakahanap naman ako ng upuan pero iba ang nakatabi ko. Si Craig ay naupo sa harapan na seat. Uupo sana ako sa tabi niya ngunit naunahan ako ng isang babae at ng kasama niya. Nakakabanas.

Ngumuso si Craig at kita ko sa mata niya ang panghihinayang. Kahit ako rin naman. Ang awkward kasi makatabi sa isang seat na puro magkakapamilya at ikaw lamang ang hindi kadugo nila.

"Miss, palit tayo." Hindi ko na napigilan sawayin ang babaeng umuna sakin sa pagtabi kay Craig dahil wala naman silang ginawa kundi pagtatanungin si Craig tungkol sa number nito. Simbahan 'to! Hindi basta bastang lugar lamang.

"Um, excuse me miss ha. Kami nauna dito." Pagdedepensa ng isa.

"Kasama ko siya." Ani ko. Hindi pa naman nagsisimula ang misa at okey pa naman mag daldalan. Pero sa isang sagradong lugar na tulad ng simbahan, hindi talaga pwede, pero wala akong magagawa eh. Halos lahat naman nag iingay din.

"Sorry miss. Diyan ka na lang. Halos magkatabi naman kayo." Sabay pa ng isa. Kita ko ang pag ngisi ni Craig sa ginagawa ko. Parang tanga talaga.

"Sorry din miss. But he's my boyfriend." Tinaasan ko sila ng kilay.

"Hmp. Sige na nga." Pagsuko nila at nakipag palitan. Rinig ko ang pag buntong hininga nila.

"Nice." Humalakhak si Craig at tumabi sa kaniya.

"Ginawa ko lang yun dahil ayaw ko tumabi sa hindi ko kakilala. I'm not comfortable. May problema?"

"Nothing. Natatawa lang ako kasi if you would be my girlfriend, tingin ko napaka possessive mo. Nakakatakot." Tumawa pa lalo si Craig.

"As if." Utas ko at nakinig sa misa.

-

FB: https://web.facebook.com/cejames.valenzuela

Reckless (Completed)Where stories live. Discover now