Kabanata 4

30.2K 481 10
                                    

Mr.Grey

Mabilis akong lumabas at nagmamadaling tumakbo. Hindi na nag abala si Craig na habulin pa ako dahil alam naman niyang gusto kong mapag isa. Kasalanan ko rin naman ang lahat. Alam ko namang masasaktan ako, ginawa at pinag pilitan ko pa din na mangyari ang lahat.

Kahit labag sa kalooban ko na sisihin si Maddison, nagagawa ko pa din siyang sisihin sa lahat ng mga nangyari. Siguro, kung hindi siya bumalik at nag aral dito kasama si Yael, malamang hindi ako nagkakaganito. Pero kahit pagbaligtarin man natin ang mundo, wala akong karapatang isipin ang mga 'to. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong taong lihim na minamahal ang taong nasa kaniya na ng matagal.

Kumawala ang luha sa mga mata ko. Wala na akong pake kung may makakita pa sa akin. Ang tanging iniisip ko na lang ay si Yael. Si Yael na taong unang minahal ko. At ang unang taong nagpadama din ng sakit.

Sumapit ang sabado, hindi ko pa rin sinasagot ang mga text ni Craig. Hindi ko siyang magawang reply-an dahil wala akong ma isip na ime-mensahe. Kahapon, niyaya niya akong mag sine pero tumanggi ako dahil mas pinili kong manatli sa bahay at pumerme sa kwarto buong hapon.

"Kayleen. Kain ka na daw sabi ni ma'am Karla." Rinig ko ang malumanay na tinig ni Manang mula sa labas ng aking kwarto. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko at bumaba ng hagdan.

Nadatnan ko sila Mom at Dad naka upo sa hapag. Nasilayan ko ang worried expression nila mommy at daddy. Akala kasi nila may sakit ako kahit wala naman talaga. Tinatamad lang talaga ako at nawalan ng gana dahil sa naganap nung nakaraan.

"Kung may problem Kay. Don't be afraid to tell us." Ani mommy at hinawakan ang aking kamay.

Tanging matabang na ngiti ang naibalik ko sa kanila.

Pagsapit ng hapon, nasa loob nanaman ako ng kwarto ko at nanonood ng mga paboritong palabas nang may kumatok sa pintuan. Pinindot ko ang pause button sa remote control at tumayo upang buksan ang pintuan.

"Hi." Umangat ang gilid ng kaniyang labi.

Napasapok ako sapok ako sa aking noo at matalim siyang tinitigan. "Ano ginagawa mo dito Craig?"

Tinuloy niya ang pagpasok sa kwarto ko at naupo sa kama. Tila ba'y kaniyang kwarto ang pinasukan niya. Pinang tukod niya ang dalawang kamay at pinag hiwalay ang paa na ikina irita ko. "Is that how you treat your guest. Huh Kayleen?"

Pumaymewang ako. "Just tell me. Ano ang kailangan mo?"

"Let's watch a movie. I have two tickets." Ngumisi siya at ipinakita ang dalawang tickets na naka reserba para sa aming dalawa. Gusto ko tumanggi pero nakaka konsensya naman sa kaniya. Sayang naman ang binayaran niya kung hindi ako sasama.

"Anong movie?" Hinablot ko ang ticket mula sa kaniyang kamay at tinitigan ang papanoorin naming takilya. "Fifty shades of grey." Napakagat labi akong tinitigan ang ticket. I will be watching an erotic movie with him. Craig Ortega. Bwisit.

Pinagmasdan ko ang nakakaloko niyang titig. Binato ko sa kaniya ang mga tickets. "Sa dami daming palabas. Iyan pa ang pinili mo. Nakakaloko talaga." Umiling iling kong sabi at pinalabas siya para ako ay makapag bihis na. I don't have a choice but to watch it. I'm eighteen anyway.

*

Nakatayo kami ngayon sa pilahan at hindi na ako nagtaka kung bakit mahaba ang pila. Ito ang inaabangan ng mga taong sabik sa ganitong mga palabas. Karamihan ay magkaka sintahan.  Yung iba naman ay mga grupo na nagbibiruan pa about sa trailer ng papanooring takilya.

"Hi po kuya." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at doon ko nasilayan si Craig na pinagkakaguluhan ng dalawang babae at isang bakla na kumakapit sa kaniyang braso. Kumunot bigla ang noo ko sa nakita.

"Please kahit number mo lang." Klaro ang pagkaka sabi ng petite na babae.

Nairita ako sa inasta ni Craig. "Alright. Do you have a pen?"

Malawak pa ang ngisi ni Craig habang natataranta ang tatlo sa paghahanap ng mahihiraman ng ballpen.

"Baby. Why give your phone number when you really don't want to?" Hinawakan ko ang kamay ni Craig na agad niyang ikinabigla. Agad namang namuo ang ngisi sa mga labi niya. He seems to be enjoying this.

Nakakita na ng ballpen ang tatlo pero naudlot ang paglapit nila nang makita ako na todo ang kapit sa kaniya.

"Selos ka babe?" Inakbayan ako ni Craig at pinisil ng marahan ang braso ko habang papasok kami sa madilim na sinehan. Kinurot ko ang dibdib niya at minurang tinanggal ang kaniyang braso na nakapatong sa akin kanina pa.

Pagkatapos ng two hour movie, hindi ko akalain na magugustuhan ko siya. The ending really got me. Si Craig naman, patuloy ang pag rereklamo na nakakabitin daw kuno. Hindi ko na lamang siya pinansin. Masyadong mareklamo. Ang arte.

"Salamat Craig." Ngumiti ako sa kaniya ng makabuluhan. "I hope I can have my own Christian Grey." Bumuntong hininga ako at kinikilig na kinwento ang mga paborito kong parte ng movie.

"I can be Christian. You can be my Anastasia." Kumindat siya at humagikgik.  Kinurot ko naman ang braso niya dahil sa sinabi niyang hindi ko nagustuhan.

"Masyado kang payatot para maging Christian." Biro ko at tinatawanan ang kaniyang reaksyon dahil sa aking pag kurot sa braso niya.

"I have abs baby." Paos ang boses niya at inabot ang kamay ko upang gamitin yun sa pagtaas ng tee shirt niya. Agad ko itong binawi at kinurot uli siya braso.

Dumiretso kami sa parking lot upang umuwi na. 6:03 na ng gabi at baka nag aalala na si mommy at daddy. Promise ko kasi na 5:30 nasa bahay na ako pero hanggang ngayon, wala pa ako.

"Question." Buo ang  boses ni Craig nang magsalita siya at sinimulan ang pag andar ng kotse.

"Hmmm?" Bulong ko habang abala sa pag te-text kay mom na pauwi na ako.

"Admit it. You're jealous. Right?" Kahit nakatagilid ako sa kaniya, kita ko ang naka ngisi niyang labi.

"No. Tinulungan lang kita kasi baka ma-rape ka ng mga babaeng yun." Sagot ko at tinago ang cellphone ko.

"At gusto mo ikaw lang mang-rape? Ganun?" Umiling iling siya at natatawang nag maneho.

Napaawang na lang ang bibig ko. Ang kapal talaga.

Pagkauwi ko sa bahay, agad akong umakyat papunta sa kwarto ko at naghanda upang matulog. Nakakapagod din kasi maglakad lakad sa mall kaya eto, ngalay na ngalay ang binti at talampakan ko.

Sumandal ako sa headboard ng kama at kinalikot ang cellphone ko at bumulaga sakin ang message mula kay Craig.


Craig -
Mr. Ortega  will see you now :)

Natawa na lang ako. Patuloy pa rin siya sa pag i-illusyon.


Me-

Itulog mo na lang yan.

Ilang sandal ang lumipas bago ko ma tanggap ang mensahe niya.


Craig -
I can't sleep. You occupy my mind Kaylee.


Me-
sleep Ortega.


From Craig-

I can't sleep until you sing to me.


To Craig-
Manigas ka.

From Craig-

Alright. I give up. Gudnight Kaylee.

I sighed at inilapag ang cellphone sa side table. Craig will always be Craig. I sighed at nag tipa ng mga letra sa screen.

To Craig-

Goodnight din.

-

FB: https://web.facebook.com/cejames.valenzuela

Reckless (Completed)Where stories live. Discover now