Kabanata 5

30.2K 513 20
                                    

Move on

"Kayleen." Napatalon ako sa upuan nang tawagin ako ng kaibigan ko si Olivia. Grade six kaming pareho noong mga panahon na iyon at lagi siyang sumasama sa akin para masilayan ang crush na crush niyang si Craig Ortega. Ang taong kinaiinisan ko noon pa man.


"Olivia!" Nagyakapan kami at nagkamustahan, pero naudlot lahat ng iyon nang hablutin ni Craig ang aking bag. Halos lumundag ang puso ko sa gulat. Mas lalong nadagdagan ang pagka irita ko sa kaniya lalo na nang makita ko ang bag ko na inilagay niya sa loob ng boy's cr.


Dumapo naman ang tingin ko kay Olivia na halos mahimatay na sa kilig dahil nakita niya ng malapitan ang kaniyang crush.


Nilunok ko ang lahat ng hiya nang pumasok sa loob ng boys comfort room at sinapak sa dibdib si Craig. Pinagsasapak ko siya ng malakas at walang humpay habang siya naman ay tuwang tawa at parang hindi natatablan.


"Ang cute mo talaga pag tripan." Humalakhak siya at pinagpatuloy ang pag ilag.


"Ang cute mo gilitan." Ani ko at hinihingal na tumigil sa pagsapak at mabilis na kinuha ang aking bag na nakapatong sa counter top.


"I know you don't have the guts." Ngumuso siyang sumandal sa pader ng cr.

I sighed at isinara ang photo album ko. Naalala ko tuloy lahat ng iyon nang makita ko ang litrato ng best friend ko kasama si Craig. Edited iyon at ginawang collage.

Bata pa sila sa litrato at sa tingin ko, may boyfriend na ang kaibigan kong iyon. Sa ganda niya, hindi imposible na may mang ligaw sa kaniya sa Amerika. Sa totoo lang, na mi-missed ko na siya kahit todo ang inis ko sa kaniya dahil hindi niya kami magawang ma contact ni Avery pag ka alis niya. Hanggang ngayon, wala pa kaming balita. Anim na taon na ang nakalilipas simula nung umalis siya upang sumama sa mommy niya sa Amerika upang doon mag aral. Naging close kami ni Olivia noon dahil pareho kami ng pinagdadaanan. Parehong umiibig sa taong hindi ka mapapansin kailan.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko na nakalapag sa kama. Agad ko itong pinulot at binasa ang mensaheng aking natanggap.

Craig-

Simba tayo.

Me-

Ayaw.

Craig-

Bilis. Kasama si Yael.

Me-

Sunduin mo ko.

Craig-

Sige.

Mabilis akong tumungo sa banyo upang maligo. Pagkatapos, nag bihis ako ng dress na hanggang tuhod ang haba. Pinaresan ko na rin ito ng puting doll shoes na may desenyong ribbon sa ibabaw.

"Where are you going honey?" Tanong ni mommy na naabutan akong nag mi-make up.

"Magsisimba po." Tipid kong sagot at ningitian siya sa kaniyang reflection sa malaking salamin.

"With?" Lumapit si mommy sa akin at tinulungan ako sa pag aayos ng buhok ko.

"Craig and with some friends." Tamad kong sagot at matabang na ningitian si mommy.

"Kung mahal mo na siya anak. Don't be afraid to follow your heart. Tandaan mo lang, studies first. Hindi naman kami magagalit ng dad mo." Makabuluhang ngiti ang ibinigay ni mommy sa akin.

Reckless (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن