Ikalawang Memorya

0 0 0
                                    

Sa tingin ko ang ikalawang memoryang ito ang dahilan kung bakit mababa ang tingin ko sa aking sarili, namahusgahan, at ang mga hindi ko matapos tapos na mga proyekto tulad ng pag-guitara na masigla kong simulang pag-aralan ngunit sa kagitnaan ng pa ensayo ay ubos na ang aking enerhiya at hind ko na mai-continue pa. Dalawang Memorya ang pumapasok sa aking isipan, ang una ay noong nasa kinder ako at may gawain na ipinadala sa aming mga estudyante ang aming guro na pang espelling ata. Pagkadating sa bahay ay humingih kaagad ako ng tulong kay mama kaso busy pa siya kaya ipinasa niya ako kay papa. Natatakot ako  dahil alam ko at nakita ko na kung paano magalit si papa sa bahay, sa sobrang takot ko ay di ko maalala ang mga titik o ang tamang pag espelling at liban dito ay maypagkamahina naman talaga ang utak ko. Nairita siguro si papa sakin kasi matagal niya na akong tinuturan sa sala namin at di ko parin nakukuha ang tamang sagot kaya dinuro-duro niya ako at sinabihan ng "Hoy ikaw makinig ka ha, makinig kang mabuti!" Tapos gin dukol niya ako at sabay sabing " Mango ka!, Mango ka!, Mahuya ka kay mango ka!" Hanggang ngayon naririnig ko parin ang boses ni papa sa utak ko, bakit ba kasi sinabi niya yun noon eh kindergarten palang ako ata noon dahil naalala ko pa na tinuturuan palang kaming mag abakada at magbasa kung sana di niya sinabi yun noon at sinuportahan niya rin naman ako sa emosyonal at mental na paraan siguro di mababa ang tingin ko sa aking sarili ngayon. Ang ikalawa kong memorya ay nang iniwan ako pansamantala ng aking mga magulang sa bahay ng aking Lola na tinatawag naming Nanay dahil may kailangan silang i processo na para sa kanilang trabaho mga anim o pitong taong gulang ata ako noon ng iniwan nila ako doon pansamantala , okay lang naman saakin dahil mahal naman ako ni Nanay at mahal na mahal ko rin siya at nandoon rin ang aking mga pinsan at mga tita at tito. Maayos na nagsimula ang araw sa bahay ni Nanay kaso biglang nagalit ang Tito ko sa pinsan kong lalaki dahil napag- alaman nitong nagbobolakbol o nag do dota lang ang pinsan ko kesa na mag-aral at dahil sa nabigla ako sa pag-sigaw at pag-paloni tito sa kanyang anak di ako makagalaw sa takot, nakita ko kung paano nagalit ang aking tiyuhin at ang pagkuha nito ng lahat ng pera sa kanyang wallet at pilit na ibinibigay sa umiiyak kong pinsan habang pinagsasabihan itong pinaghirapan niya perang pangpa-aral niya sa pinsan ko tapos nagbobolakbol lamang daw tapos pinapunta niya ang pinsan ko sa computer shop para ubosin daw yung pera, sa una ay ayaw pa ng pinsan ko pero tumakbo rin sa takot dahil sasaktan siya ni tito pag di siya sumonod. Noon hindi ko naiintindihan kong bakit ibinigay ni tito lahat ng pera niya sa pinsan ko at pinawaldas niya ito pero ngayon naiintindihan ko na, ang tito ko ay isang security guard lamang at maliit ang sweldo na pilit na pinapaaral ang anak niya kaso nag bolakbol pero syempre ng bata ako di ko pa maintindihan kung bakit at ng oras na yun takot na takot na saktan niya rin ako. Hindi naman ako sinaktan ng Tito ko pero syempre natakot ako sinubokan panga ng tito ko na aluin ako dahil alam na ata niya na malapit na akong umiyak at sapagka alala ko ay parang nagtago ako at umiyak lamang ng dumating na ang aking mga magulang at kahit natatakot ako kay papa ay nagpakarga ako sa kanya at sa mga oras rin nayun nalaman ko na kahit masama ang ugali ni papa noon ay pro-protekhan niya kaming mga anak niya dahil muntikan na siya noon makipag-away sa Tito ko sapag-aakalang sinaktan ako nito kaya umiiyak ako noon. Sayang lang at di ni kami kayang protektahan mula sa sarili niya.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Jan 04, 2022 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

MiserableHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin