Napatingin ako sakanya at sunod-sunod na napalunok kaya kita ko ang pag kunot sa noo nito dahil sa ginawa ko na para bang kinakabahan.

"Hey, what's wrong? You look like you saw a ghost," puna saakin ni Rei, at mas lalong nadagdagan ang kunot sa noo nya ng mapansin n'yang sunod-sunod akong napalunok dahil nararamdaman ko na ang panlalamig ng mga palad ko. "Alora, what's wrong?" hinawakan ni Rei, ang dalawa kong kamay na nasa ibabaw ng mga hita ko, kaya kitang-kita ko kung paano mas lalong kumunot ang noo nito ng maramdaman ang pagpapawis ng mga palad ko kaya napaiwas ako ng tingin sakanya.

Napalunok ako. Shit, ibig sabihin si Kie, iyong sumalo saakin kaya naramdaman kong sa mga bisig ako bumagsak imbis na sa sahig? Si Kie rin ba ang nag dala saakin dito no'ng nahimatay ako matapos akong tumitig sa mga mata nya?

Naramdaman kong mas lalong nag pawis ang mga palad ko at alam kong maski si Rei, ay naramdaman din iyon kaya bahagya n'yang pinisil iyon kaya napalingon ako sakanya, at wala sa sariling sunod-sunod na napalunok.

Ang naalala ko ay may narinig akong itinawag nya saakin bago ako mahimatay pero hindi ko iyon masyadong narinig kahit na pa sigaw iyon.

Ano iyong itinawag nya saakin?

Bigla nanaman akong nakaramdam ng kaba kaya napaiwas ulit ako sa mga mata ni Rei na titig na titig na ngayon sa mga mata ko habang pinag mamasdan ang bawat kilos ko.

Sigurado ako sa narinig kong itinawag nya saakin! Hindi iyon ang pangalan ko dahil tinawag ako ni Kie sa ibang pangalan pero bakit hindi malinaw saakin kung ano iyon? Kahit na rinig na rinig ko naman ang pag tawag nya saakin bago ako mahimatay?

Biglang pumasok sa isipan ko ang buong pangalan na sinabi nya saakin bago ako mahimatay kaya naramdaman ko na mas double ang panlalamig sa mga palad ko at pagpapawis doon.

Hindi kaya---Sya ang tinutukoy ni Hailey? Sya ba ang kwinekwento nito?

Si Kieran ba ang tinutukoy n'yang panganay na anak ng mga Villa Fuente?

Napalunok ako. "Rei..." wala sa sariling pag bigkas ko sa pangalan ng lalaking nasa tabi ko kaya naramdaman ko nanamang pinisil nito ang dalawang palad ko na hawak-hawak nya.

"What's wrong, Alora?" napapikit muna ako bago matapang na tumingin ulit sakanya at bumungad saakin ang mas double na pag aalala muka nito habang ang mga mata ay parang nag tatanong kung anong nangyayari saakin kaya kumuha muna ako ng malalim na pag hinga bago pinakalma ang sarili ko.

Oo, tama. Kailangan kong harapin ang takot na bumabalot saakin dahil walang mangyayari at hindi masasagot ang mga katanungan na nasa isip ko kung lagi ko itong kinakatakutan.

Kailangan kong harapin ang takot ko kung gusto kong makakuha ng kasagutan sa bawat tanong na namumuo sa isipan ko.

Napabuntong hininga ako. "Rei, si Kie ba ay isang Villa Fuente?" napalunok ako dahil doon. Gusto kong kumpirmahin kung totoo nga na Villa Fuente, si Kie kahit na malinaw naman saakin at narinig ng dalawa kong tenga ang sinabi nitong buong pangalan saakin.

Kumunot ang noo nya. "Yes, He's a Villa Fuente, why?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Shit, totoo nga na isang Villa Fuente si Kie! at hindi ako nag iilusyon no'ng gabing sinabi nya saakin ang buong pangalan nya!

Sya nga! Sya nga iyong tinutukoy ni Hailey na panganay na anak ng mga Villa Fuente, na walang tigil sa pag hahanap sa nawawala n'yang kapatid! Ang akala ko no'n ay nag kataon lang na pareho sila ng sitwasyon ng mga Villa Fuente, kaya hindi ko iyon pinansin no'ng una!

Napalunok ako. "D-Does his full name is K-Kieran Flynn V-Villa Fuente?" Utal-utal ko nang tanong kay Rei dahil halos hindi na ako makapag salita dahil sa bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kabang bumabalot nanaman doon.

A Painful Dream (Chaos Series #1) [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat