CHAPTER 10

125 1 1
                                    


Pag katapos naming mag laro sa arcade kahapon ay inaya naman ako ni Rei manood ng sine at kumain pag katapos no'n. Sobrang saya ko na halos hindi na matanggal ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa makarating kami apartment ko. Hindi muna ako pumasok sa loob at nag usap muna kami sa labas ng kung ano-ano na mas lalong nag padagdag ng saya sa puso ko kahapon na kahit hanggang ngayon ay dala-dala ko na parang iyon na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil kasama ko si Rei.

It's my first time, at sa first time kong 'yon ay talaga namang naging most unforgettable moment iyon para saaming dalawa. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw at gabing iyon na kasama ko si Rei. Mula ng dumating sya sa buhay ko ay lagi ng may ngiti sa mga labi ko. Mga ngiting alam kong tunay at hindi mapag kunwari. Mga ngiting gusto kong ipinapakita sakanya tuwing nasa tabi ko sya.

Mga ngiting gusto kong hindi na mawala.

Ganito pala ang feelings ka pag nakaramdam ka ng totoong kasiyahan sa puso mo. Walang iniisip problema dahil puro kasiyahan lang ang nararamdaman mo tuwing kasama ang taong dahilan ng mga ngiti mo at kung bakit mo nararamdaman ang mga gano'n.

Sana hindi na ito mawala saakin..... Sana hindi mawala sa Rei sa buhay ko dahil gusto kong nasa tabi ko sya palagi.

"Ngiting-ngiti tayo, ah? Kamusta?" bungad saakin ni Hailey habang inilalagay ang mga gamit nya sa katabi kong upuan kaya napatingin ako sakanya at mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Good morning" masiglang bati ko dito na kinataas nya naman ng kilay pero sa huli ay natawa na lang at iiling-iling habang nakatingin saakin. Sobrang saya ko kasi talaga ngayon at dahil iyon sa nangyari kahapon!

"Sus, may tinatago talaga 'to saakin, eh. Ayaw lang sabihin kung ano." na pa cross arms pa sya at napanguso. "Sige na, sabihin mo na kasi!" pangungulit pa nito saakin kaya nag salubong ang mga kilay ko dahil sa pag tataka.

"Ha? Ano 'yon?"

She pouted her lips. "May boyfriend ka na, 'no? Tapos ayaw mong sabihin saakin" nag tatampong sagot pa nito kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

"Wala akong boyfriend! Sadyang maissue ka lang talaga. Porket ba nakangiti ay may boyfriend na?" reklamo ko pa dito kaya napatawa naman sya.

"Hindi naman sa gano'n, pero kasi! Iyang mga ngiti mo at kakaiba! Ano na, Alora? Gragraduate na tayo pero wala ka pang nagiging boyfriend o boyfriend man lang ngayon. Tatanda ka nangdalg nyan" napangiwi naman ako dahil sa sinabi nya.

"Oh, eh. Ano naman ngayon?" tanong ko habang salubong na salubong na ang mga kilay ko dahil sa pag tataka. "Required ba ang mag ka roon ng boyfriend bago grumaduate?" tanong ko pa kaya naman napa rolyo ang mga mata nya paitaas.

"Girl! Do you know? Dagdag inspiration sa pag aaral pag may boyfriend ka?" naka cross pa rin ang dalawang braso nya sa dibdib nya kaya napailing naman ako.

"Nasa iyo naman iyon. Oo, gaganahan ka sa pag aaral at maiinspire ka kapag may boyfriend ka pero nasa iyo pa rin iyon kung paano mo magagawang mag sipag sa pag aaral kahit wala kang  boyfriend! Hindi required ang boyfriend sa pag aaral. Walang requirements sa school na dapat may boyfriend ka muna bago ka makapag aral o makapag tapos sa pag aaral," puna ko pa dito na kinatahimik nya naman. Totoo naman, hindi pa nga ako nakaka in counter ng school o university na nag hahanap ng requirements na kelangan may boyfriend ka muna bago mag aral!

"Atsaka with or without boyfriend. You can still studying and be inspired because of your clear goals in life. Because you want to fulfill your dream by finishing your study. Doon pa lang ay gaganahan ka na sa isiping iyon at maa lalong mag sipag sa pag aaral para maabot mo ang gusto mong maabot sa buhay. Kaya mong mabuhay ng walang boyfriend. Sadyang mga o.a. lang ang iba na kala mo mamatay na ka pag iniwan ng mga boyfriend nila," dagdag ko pa dito na kinabuntong hininga nya naman at dahan-dahang pumalakpak.

A Painful Dream (Chaos Series #1) [COMPLETED]Where stories live. Discover now