"Woah, ipagdarasal niyo na po ba ang kaluluwa ng Kuya Tres ko kaya niyo po siya hinahanap, sister?" Sambit ng isang binata na naka-school uniform.

Ha? Nagsalubong naman ang dalawang kilay ko sa sinasabi niya. Bakit ko naman ipagdarasal ang kaluluwa ni Atty. Tres? E, buhay pa naman siya. Agad napababa ang tingin ko sa bar pin na nakasabit sa polo niya. 

Suarez, Chino Alonso Z.

Isa na namang pinsan ni Ginoong Elias. Paano ko ba sasabihin sa kanya na pag-uusapan lang namin ni Atty. Tres ang annulment namin ng pinsan niyang si Elias? Baka kumalat pa sa pamilya nila ang tungkol sa akin.

"Ah, kasama siya sa mga dasal ko pero hindi iyon ang pinunta ko." Sagot ko naman sa binata. "May pag-uusapan lang kami tungkol sa isang...outreach program."

Kita ko naman ang pagbuka ng bibig niya sabay tango. Tinignan naman niya ang receptionist. "Ako na ang sasama kay sister papunta sa office ni Kuya Tres."

"Noted po, sir. Thank you po." Sagot naman ng receptionist.

Muli naman akong hinarap ng binata at tinuro ang daan. Nagsimula na akong maglakad at sinabayan naman niya ako. Pinagtitinginan naman kaming dalawa. Hindi ko alam kung dahil sa nakapang-madre ako o dahil malakas din ang dating nitong kasama ko.

"Ano nga po palang pangalan niyo, sister?" Tanong niya sa akin nang huminto na kami sa harap ng elevator para maghintay ng masasakyang bagon.

"I'm Sister Lucia," Pagpapakilala ko sa kanya. "Kapatid ka ba ni Atty. Tres?"

"Hi, Sister Lucia. Nice meeting you po. I'm Chino po, pinsan ni Atty. Tres." Pagpapakilala naman niya.

Napatango naman ako. Buti na lang ay dumating na ang elevator kaya sumakay na kaming dalawa. Pinindot naman niya ang floor number ng opisina ni Atty. Tres, hanggang sa bumukas na ito at nagpaalam na ako kay Chino dahil sa ibang floor ang punta niya. Naglakad na ako papunta sa opisina ni Atty. Tres.

"Magandang hapon, Sister Lucia." Masayang bati sa akin ni Atty. Tres. "Maupo ka. Umorder ako ng merienda natin sa KAPEPRICE. Kain ka muna."

Naupo kaming magkaharap sa coffee table niya. May pastry at iced coffee sa ibabaw ng lamesa. "Salamat, Atty. Tres. Wala pa bang usad ang annulment namin?" Tanong ko agad.

Sumipsip muna si Atty. Tres sa iced coffee niya bago sumagot. "Ang tanong d'yan sister ay may rason na ba kayong maghiwalay? Kaya kita pinatawag para alamin kung may napag-usapan na ba kayo ni Kuya Elias? Naka-pending pa rin 'tong case niyo sa akin."

Maraming pwedeng ipalusot pero hindi lang pwedeng tanggapin sa korte. At hindi naman nakikipagtulungan ang pinsan mo para mapawalang-bisa ang kasal namin kaya ako na lang mag-iisip ng rason para sa annulment namin.

"Mentally ill." Sambit ko. "Irason na lang natin na baliw ako at hindi kayang gampanan ang role ko bilang asawa. Nabaliw ako kamo sa sobrang pagmamahal. Aarte na lang akong baliw, Atty. Tres, para matapos na ito."

Kita kong kinagat ni Atty. Tres ang babang labi niya para pigilan ang tawa niya. "Parang feeling ko ay totoo 'yong nabaliw sa pagmamahal. Hindi pa ba?"

Inirapan ko naman siya. Mas nababaliw ako sa pinsan mo kesa sa pagtingin ko sa kanya. "Attorney, please, gusto ko ng malayo sa kanya..." Dahil kapag tumagal pa 'to, baka mas mahirapan ako. Ayoko na 'tong nararamdaman ko sa kanya.

Biglang napakurap ang mga mata ni Atty. Tres dahil sa sinabi ko. "Wait, ang akala ko ay okay kayong dalawa? E, halos sa inyo na tumira ang kuripot na 'yon. And mukhang happy naman siya sa'yo. May nangyari bang hindi maganda sa inyo? Kaya ba...wala siya sa mood niya lately?"

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now