Chapter 33 - Exhausted

Start from the beginning
                                    

Hindi maipinta ang mukha ko nang tingnan ko si Miko."I already told you guys not to meddle with my personal life. Kung anong sa'kin, 'wag na lang kayong makialam. It's on me. Magkakaibigan nga tayo pero hindi kasama ro'n ang pakikialam sa buhay ng isa't isa."

"Do you think I was meddling with your private stuffs? I'm not! Sinasabi ko lang naman ang nakikita ko. Hindi magtatagal masasaktan ka rin sa kanya. Remember that," he assured.

Umakbay naman si Rynier sa'kin para bawasan nag tensyon sa pagitan namin."Chill, guys. How about we'll go to the cafe? Magpalamig muna kayo, baka biglang sumabog dito."

Hindi na nag-init ang ulo ko nang makainom na kami ng frappe sa cafe. It was Miles treat because he got high scores during our quizzes earlier in the morning. Halos lahat perfect niya at isa o dalawa lang ang mali. Habang ako nasa isa o dalawang quiz lang ang na-perfect ko, the rest has mistakes. It was a surprise quiz and I'm not prepared. Todo tapos kase ako kagabi at natulog kaagad pagkatapos kaya hindi nakapag-review.

"Are you seeing each other everyday? After class or whatsoever?" Rynier asked.

Miles smirked."Syempre, magkatapat lang ang condo nila kaya bakit hindi? Kahit naman anong iwas ni Zeriel nakakagawa ng paraan si Shael."

"Sometimes, I'm going to her condo to help with the household chores. Pinagluluto ko rin siya palagi nasa condo man niya ako o wala. Minsan naman dumederetso kami sa mga restaurant after class. But last night, she stayed with me so she slept on my room," I explained.

"Live in na pala kayo? Ayos, ah." Miles gave me a teasing smile.

Miko simply rolled his eyes."Sa una lang 'yan, kapag nagtagal mawawala lang din. Akala mo naman may label na kayo."

Sa halip na mainis ay natawa lang ako sa sinabi niya. Porket kase hindi niya pa naka-experience kaya kung makapagsalita mas bitter pa sa bitter.

It was really a tiring day for me. Konting recall lang sa lessons tapos quiz kaagad na para bang naghahabol ng oras. As if our brain were like computers and we could process it all in just a second. Medyo nakakalito pero pinipilit kong intindihin. There are times that I felt sleepy but I had to control myself so that the reviews will be put inside my head.

Nakakapagod na ewan. Wala talagang break kahit na one second man lang.

"Hi Shael. Ikaw, ah. Hindi mo na ako pinapansin." A girl approached me while I'm placing my things inside the locker.

Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti at nagmamadali sa ginagawa ko."Sorry. I was just busy. Marami na kase akong mga bagay na kailangang gawin kaya hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid ko."

"Oh, really? Does it include dating with Zeriel? Are you having a serious relationship with her?" mataray niyang tanong sa'kin.

Kung gano'n, may nakakapansin din pala sa'ming dalawa kahit na anong tago namin.

I faced her with annoyance."Anong pakialam mo? So what if we're really dating? Bakit ba kailangan niyo pang makialam sa'ming dalawa?!"

"People will definitely interfere with the two of you since you're both popular in different ways. Alam mo na... She's a popular model that was known for being a manhater while you're a cassanova that plays every girl's feelings. Tapos bigla na lang may namamagitan sa inyong dalawa," hindi makapaniwala niyang sambit.

Marahas naman akong napabuntong hininga."I bet you know the saying that 'people change when they found the one' right? She may or may not be the one for me, even at once, I made efforts for only one girl. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba."

"If that's your opinion, what about her? Tinanong mo na ba siya kung okay lang sa kanya na mapunta sa kakaibang spotlight gaya nito?" pahabol niya pa.

That question was stuck inside my head until the end of our class. Palagi kong sinasabi na okay lang sa'kin dahil 'yon naman talaga ang totoo. But what about her? I never did tried to ask her that thing. Siguro kase hindi 'yon sumagi sa isip ko at naiisip kong baka walang problema sa kanya kase palagi naman kaming magkasama.

Helveryst Series #2 : The Cassanova and The HaterWhere stories live. Discover now