Chapter 1- Striken By Lightning

256 34 1
                                    

"Reyin, una na ako sayo, baka pagalitan pa ako kung ano ano na naman isipin ni mama" simangot na sinabi ni Carl. Mahiling kasi si Carl tumambay sa Computer shop kaya siya laging pinapagalitan dahil tagal daw neto umuwi.

"Oo sige, aayusin ko pa ang classroom, ako kasi ang schedule sa pag lilinis eh" ani ko. Wala naman kasi ako kasama sa tinitirhan ko eh. Di ko alam magulang ko kung buhay pa ba lumaki ako sa bahay ampunan at ngayon College na ako, freshmen kaya nag simula na akong bumuhay mag isa, syempre binibisita ko rin ang kinalalakihan ko at tumulong na rin sa kanilang kinakailangan.

"Sige, parang bubuhos na ulan, ang dilim ng ulap kahit alas singko pa ng hapon. Mag ingat ka nalang sa pag uwi mo, Rey" pagpapaalam niya. Tumango nalang ako at lumabas na siya ng classroom namin.

May bagyo kasi di naman ganun kalakas ang hangin pero malakas ang ulan posible din daw mag baha. Nag simula na akong mag linis dahil gusto kong umuwi ng maaga para di maabutan ng ulan buti nalang nag dala na din ako ng payong dahil alam kong bubuhos ang ulan ngayong araw.

-----------

Alas 6 na at natapos na rin paglilinis ng classroom si Reyin. Lumabas na siya ng classrrom at nilock niya iyon tsaka niya nilagay sa bag niya ang susi ng kanilang classroom

Nang makalabas na siya ng kanilang eskwelahan, bumuhos bigla ang ulan. Malakas at sinamahan pa ng dagundong at pakislap kislap pa ang kalangitan dahil sa kidlat. Binuksan niya ang payong at nag lakad papunta highway. Para pumara ng tricycle papunta sa bahay ampunan. Byernes kasi kaya dun muna siya sa bahay ampunan dahil walang pasok bukas at linggo babalik siya sa nirentahan niyang tinirhan pag lunes, simula na ng klase.

Nang makapara na siya ng tricycle, sumakay siya kaagad. Siya lang ang pasahero kaya di siya na babasa sa ulan. Nakarating siya sa may kanto, dun na siya bumaba dahil malapit nalang ang bahay ampunan niya. Habang nag lalakad ang binata, di maiwasan na mabasa siya kahit may payong siyang dala, lalo na ang bag niya. Lumakas ang pakislap sa kalangitan, inasahan ng binata na malakas na dagundong kasunod na yon kaya tinakpan niya ang kanyang tenga bilang paghahanda. Inamin niya rin na natakot siya bigla dahil parang lumakas pakislap kislap ng kalangitan dulot ng kidlat.

Habang nag lalakad ang binata at takip takip ang tenga, di niya alam ay may paparating na kidlat sa kinatatayuan niya. Tinamaan ang binata,nanginginig at ramdam niya ang sakit ng kuryente galing sa kalangitan. Sa lakas ng kidlat, imposibleng di masusunog ang balat ng binata, ramdam niya na parang mapupunit yung balat at tagos sa loob niya ang kuryente.

Tumagal ng ilang segundo ang nangyari sa binata parang pinahirapan siya ng sobra sa sandaling yun. Naatumba na siya sa kalsada, wala na rin buhay dahil sa lakas ng kidlat tumama sa kanya, tumagal pa ng ilang segundo, walang ordinaryong nilalang na mabubuhay sa kidlat na yun.

Reincarnate to the Cultivation WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon