"Gusto mo na ba si Elias?" Biglang tanong ni Luna.

Sinamaan ko naman siya ng tingin sabay iling. "Sira ka, madre ako. Close lang talaga kami." Pero gusto ko siya as a friend. Mabait naman kasi talaga siya saka...magaling.

Charot! S'yempre gusto ko na siya. Gusto ko lang itong i-keep sa sarili ko. Ganito pala kahirap itago ang nararamdaman mo sa isang tao lalo na kung everyday mo siyang nakakasama. Para matapos man ang sa amin ni Ginoong Elias, hanggang kamatayan ko dadalhin itong pagtingin ko sa kanya. 

"Madre pero kumikire." Pambabasag naman sa akin ni Sanaya kaya tinignan ko siya nang masama. Walang galang sa madre!

"Alam mo," Pagsisimula ni Luna sabay hawak sa kamay ko. "Kung may mga tanong ka o gustong malaman, itanong mo na kay Elias. H'wag ka ng gumaya sa akin na ang dami kong tanong noon kay Hugo pero takot akong malaman ang sagot kaya nanahimik na lang ako. At dahil sa hindi ako nagtanong, binalot ako ng kuryusidad at gumawa ng sariling sagot sa mga tanong ko para sa kanya na hindi naman pala tama. Nasaktan ko pa siya pero buti na lang, meant to be talaga kami. Ang hirap kasi na masira kayo ni Elias na walang maayos na pag-uusap."

Matagal kong na-proseso ang sinabi ni Luna. Ewan. Parang ayokong magtanong dahil hindi ako handa sa isasagot niya. Mas gusto ko sa safe place na lang. Babalik ako sa kumbento, 'yon ang lagi kong tinatanim sa utak ko. Doon ko na lang pagbabayaran ang mga kasalanan na nagagawa ko kasama si Ginoong Elias.

Nasasaktan ako pero alam ko sa sarili ko na may hangganan ito, kaya iyon ang hinihintay ko, ang matapos na itong lahat.

Matapos namin mag-agahan ay bumalik na ako sa bahay. Nag-text naman si Ginoong Elias na pauwi ulit siya. Nagtaka ako dahil may trabaho pa siya at magtatangghali pa lang kaya bakit parang ang aga naman niyang umuwi.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" Taka kong tanong sa kanya pagdating niya sa bahay dahil mukha siyang badtrip.

Naupo naman siya sa kama habang tinatanggal ang tie niya. "Parang tanga si kuya. Nagwala sa coffee shop sa opisina."

Napatingin naman ako sa kanya dahil busy ako magtupi ng mga damit at mga damit niya! Dagdag sa labahin ko ang mga damit niya, at halos umapaw na ang aparador ko dahil ang dami na niyang iniiwan na mga damit.

"Bakit naman daw?" Pag-uusisa ko naman.

Nahiga siya sa kama habang tanggal ang butones ng sleeves niya kaya kita ko ang maganda niyang katawan. Kahit halos araw-araw ko ng nakikita 'tong katawan niya ay na-a-amaze pa rin ako sa mga abs niya. May kakaibang feeling talaga ang makakita ng magandang katawan ng lalake.

"Nasabi ko kasi na 'yong barista kasi sa coffee shop at 'yong stripper sa bachelor party niya ay iisa. Ayon, nagwala siya." Sagot naman niya.

Nilipat ko naman ang tingin ko mula sa katawan niya papunta sa mukha niya. Ang gwapo talaga kahit mukhang badtrip. "Kung ang kuya mo ang nagawala e, bakit parang ikaw 'yong badtrip?"

Napabuntong-hininga siya bago muling maupo sa kama sabay tingin sa akin. "Iyong order kong kape ay hindi ko nakuha. Sayang 'yon. 200 din 'yon."

Napakurap ako sa mga sinabi niya. Sa 200 lang ay nagkakaganyan na siya?! Minsan, ang gulo ng lalake 'to. Sa akin, halos maging galante pero sa iba, jusko. Maski sa pinsan niya na si Atty. Tres ay napaka-kuripot niya.

Napailing na lang ako sa kanya. "200 pesos lang 'yon, kikitain mo rin naman 'yon."

"Madali lang sabihin pero sa aming mga finance officer, every money counts." Sagot naman niya na pinapaandaran na naman ako ng katalinuhan niya. "Sa liquidation at sa BIR, maski centimo ay hahanapin sa'yo."

Hinarap ko rin siya. "Gets ko naman. Sarili mo namang pera 'yon na hindi mo kailangan i-liquidate or i-submit sa BIR. May sitwasyon ang kuya mo, Elias. Konting empathy naman."

Bachelor Wifey (Rewritten)Where stories live. Discover now