First Meeting was a Blessing in Disguise

9 0 0
                                    

Mahal kong Joohyun,

Mga sandaling maroon tayo, mga damdaming ibinahagi natin para sa isa’t isa. Ibabaon ko ang lahat ng iyon sa aking puso hanggang sa dumating ang araw na mawawala na ako sa piling mo.

Sa oras na mabasa mo ang sulat na ito’y, alam kong di mo ko mapapatawad sa aking gagawin. Kaya hiniling ko sa Diyos na kung papalarin man tayo ng tadhana, sana sa susunod nating buhay ay ipagdarasal ko na sana maalala mo pa rin  ang ating mga alaala sa sandaling tayo’y magkikita muli.

Pinaubaya ko na sa langit, sa buwan at sa mga bituin at sa lahat ng nakakita ng ating pag-iibigan na mapatunayan kong ikaw lang ang aking tanging minamahal.

 

Paalam, Minseok

....

    

Bilang sa isang biglang nakahiligang maghanap at dumiskubre ng mga makalumang bagay, nagpunta si Wendy, kasama ang kanyang pinsan na si Kai sa isang di ganoong kasikatang Record Shop sa Manila kung saan nadiskubre ito ng dalaga noong mga ilang linggo ang nakalipas.

"Cous, di na kita masasamahan sa loob ha? Baka magtagal ka na naman sa paghahanap ng mga anek-anek mo. Doon lang ako sa malapit na mall dito. Just text or call me if magpapasundo ka na, okay?"

"Okay, Kim Kai."

Umiling ang dalaga at sila'y nagkahiwalay na nang daan.

 Pagpasok ni Wendy sa shop, bumungad sa kanya ang istanteng nakahilera ng maayos, mga magagandang outbox ng Vinyl Record na nakasabit sa bawat sulok ng mga pader bilang display, at ang typical na salaming pinto at pader na bumungad sa kanyang pagpasok, isama pa rito ang tugtugan sa loob ng shop. Sa isip ng dalaga ay tulad lang ito ng mga lumang establisyemento na nakikita niya sa Amerika. Inikot niya ang bawat istante na puno ng mga bagong labas na vinyl records, CDs at mga cassette tapes at humuni sa kantang pinapatugtog ng record clerk.

Sa hindi malamang rason, naging ugali ni Wendy ang pangongolekta ng mga antique na gamit nang dahil lamang sa isang panaginip na hinding hindi niya malilimutan. 'Siya'y namuhay sa katawan ng isang lalaki na laging nakakasalubong ang isang Pilipinang dalaga na tila ba'y sasabog ang kanyang puso sa tuwing ang mga mata niya'y palihim na nagkakasalubong.

 Tahimik lang na naninirahan si Wendy sa Amerika bilang manunulat, pero nang mapanaginipan niya iyon, dali-dali siyang umuwi ng Pilipinas, upang maghanap ng mga kasagutan, at isa na rin ang gawin niya itong kasulatan. Kahit sarili niya ay di na makapaniwala sa kanyang pangongolekta. Pakiramdam niya kasi ay para bang hinahatak siya pabalik sa nakaraan.

Makalipas ng isang oras ng pagiikot, nahanap na rin ni Wendy sa wakas ang isang istante na puno ng magkakasama at magkakapatong na mga makalumang Vinyl records at ito'y kanyang pinuntahan. Isang record ang pumukaw sa atensyon ng dalaga. Sa outbox pa lang nito, ay halata na ang pagkupas ng kulay marahil na rin sa kalumaan nito. Ito'y dahan-dahang kinuha ni Wendy at sinimulang pakiramdaman ito. Mga mata niya'y tila bang naging dyamante sa pagkislap nito nang ang kanyang mga daliri ay unti-unting dumudulas sa bawat haplos sa mga letrang naka-ukit dito. Sumalubong naman  sa kanya ang pagkagaspang at halong kinis nito, kasabay ang pag-amoy nito. Nagbigay ito ng kiliti sa kanyang buong katawan.

 Tuwang-tuwa si Wendy sa kanyang pinaggagawa. Sa isip niya ay para siyang isang bata na niregaluhan sa kanyang kaarawan, o di kaya'y isang bookworm na nakadiskubre ng magandang babasahin.

Ikaw at Ako (Noon at Ngayon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon