Kabanata 46.0: Ang Pagtatagpo

Magsimula sa umpisa
                                    

Napahinto akong muli sa paglalakad nang biglang sumagi sa isip ko si Hell.

Matapos ang putukan sa gabing iyun ay nagkaroon ng imbestigasyon ang mga pulis. Sa may eskinita, 'di kalayuan sa Salon ng Papang, dalawang baril ang natagpuan. Dalawang baril at isang ITIM NA RUBICS CUBE.

Rubics Cube.

Nang makita ko ang bagay na iyun ay isang tao agad ang sumagi sa isip ko.

Si Hell.

Sa pagkakatanda ko ay may ganoong laruan din si Hell. Palagi niyang dala-dala ang rubics cube na iyun. Minsan, nakasabit ito sa pantalon niya at minsan naman ay parati n'ya itong hawak-hawak para makapag-isip ng maayos.

Palaging dala-dala ni Hell ang rubics cube na iyun.

Palaging dala-dala ni Hell ang rubics cube na iyun. Palagi n'yang...

Maari kayang si Hell ang...

"Hindi," pagtaliwas ko sa sariling iniisip. Hindi magagawa ni Hell iyun. Hindi.

Dahil hindi ko nakumbinsi ang sarili ko ay agad akong napatakbo palabas. Pumara ng taxi, sumakay at huminto sa isang bar--ang bar kung saan nagtatrabaho si Hell bilang bar tender. Ang Detergent Bar.

Maaga pa kaya hindi pa ito nagbubukas. Nanatili ako sa may gilid hanggang sa may dumating na isang lalaki na mukhang owner nung bar. Mukhang nasa 20's pa ang edad nito at medyo may kaputian din. Hula kong may-ari ito ng bar dahil sa napaka-pormal nitong suot at may kung anu-ano rin siyang papeles na dala.

Akma na sana siyang papasok sa bar nang tinawag ko siya, "Excuse me po?"

Tinignan n'ya ako, mukhang nakuha ko ang atensyon n'ya kaya agad akong lumapit kay kuya, "Uhm, magtatanong lang sana," tugon ko.

Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa, tila kinikilatis ako, kumunot naman ang noo ko, "Naku miss, maganda kaso mukhang under age ka pa e. Tsaka ka na lang mag-apply 'pag nasa saktong edad ka na."

"Ay teka! Hindi po iyun ang pakay ko. May itatanong lang po ako. Tungkol sa bartender ninyong si Hell. Hell Fortunado."

Biglang natahimik ang kausap kong lalake.

Napatingin siya sa paligid, tila may sinisigurado na walang makakarinig sa sasabihin niya. Kinabahan ako bigla sa ginawa niya. At noon ngang na-secure niya na ang buong lugar ay kinausap niya na akong muli.

"Sino ka? Kaanu-ano mo si Hell?" medyo pabulong niyang tugon habang nakahawak pulso ko. Mas kinabahan ako lalo.

"Ako po si Fear De Guzman. Girlfriend ako ni Hell."

"Paano ako makakasiguradong girlfriend ka niya?" aniya na puno ng espekulasyon.

Kinuha ko ang phone ko at ipinakita sa kanya ng mga text messages namin ni Hell. Nang makita niya ang mga iyun ay agad niyang binuksan ang pinto ng bar at inanyaya na akong pumasok sa loob.

"Pasok ka."

* * *

"Underground society?" naibulalas ko bigla sa ere. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nabigla ako. Si Hell? Mali ba ang pagkakakilala ko sa kanya?

"Oo, baguhan si Fortunado dito at kagaya ng nasabi ko ay karaniwan naming isinasailalim sa pribadong imbestigasyon ang mga baguhan at kahina-hinalang impleyado. 'Yun nga, napagalaman naming kabilang si Hell sa organisasyong iyun na para na ring brotherhood." Kumunot ang noo ng kausap ko, inayos n'ya ang pag-kakaupo n'ya at muling nagsalita, "Maging ako ay nanghinayang din kay Fortunado. Masipag siya at mabait kaya hindi ko akalaing kabilang pala siya sa ganoong grupo."

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon