Chapter 34

5 1 0
                                    

Chapter 34

NILIBOT KO ang tingin sa lahat ng taong nasa loob ng bahay nila Chelsea. Lahat sila, alam ang tungkol dito? Lahat sila may kinalaman dito. Pinlano ba nila 'to?

“What is this all about? Ash?” si jess, sa way ng pananalita nya hindi na yung kilig na kilig nung nasa school palang kami. Seryoso silang lahat.

“Inaantok na 'ko. Matutulog na sana ako e” inaantok na sabi ni red.

Mahabang katahimikan ang namayani sa paligid. Walang nagsalita hanggang sa basagin iyon ni tito.

“She know's already”

Nanlaki ang mata nilang lahat pati si red na inaantok kanina ay napaayos ng upo. So, lahat pala sila alam ang tungkol dito?

Sarkastikong napatawa ako.

Pati si Ivan ay naging seryoso, pati si conlan. Sya rin pala alam ang tungkol dito. Si jess, si Chelsea, si gab silang lahat. Alam ang tungkol dito, ako lang ang hindi.

Naguguluhan pa rin ako.

“Kiel—”

“Pwede nyo bang ipaliwanag sakin ang mga nangyayari? Naguguluhan na 'ko” seryosong sabi ko.

Tumikhim si tita “Kiel, wag natin ipilit Baka makasama sa—”

“Wala akong pakealam. Gusto kong malaman kung totoo ba ang narinig ko”

“Pero—”

“It's true” si Ivan.

Napatingin ako sakanya. Mula sa seryoso ay pumungay ang mata nya ng tumingin ulit sakin.

“Babe” malambing na sabi nya.

“Babe. Are you okay? Please open your eyes, babe” napapikit ako dahil sa biglang pag flash ng isang scene sa utak ko.

Si ivan. Sa loob ng kotse. May dugo ito sa noo. Mukhang na aksidente.

Kahit sumakit ang ulo ko. Hindi ko iyon pinahalata.

Kumunot ang noo ko dahil sa naramdamang saya at kirot. Masaya dahil Crush ko sya at sa uri ng titig nya at kirot sa hindi ko malaman dahilan.

“Don't call her that, ivan” galit na sabi ni Ash kaya Napatingin kami sakanya.

“Kasalanan mo kung bakit hindi nya na 'ko—kami maalala. Dahil sa kagaguhan mo” galit itong tumingin kay ivan.

Natahimik ito dahil sa sinabi nya.

“Kung ano ang narinig mo kanina, totoo yun. Si Ash..” tumingin si tito kay Ash saka binalik ang tingin sakin “Ash is your older brother”

The fuck?

Ang damulag na yan? Kapatid ko? Sa narinig ay biglang nagflash ang lahat ng mga kagaguhang ginawa nya sakin sa school. Gawain ba yun ng kapatid? Ang pahirapan ang sariling nitong kapatid?

“Talaga lang ha” sarkastikong napatawa ako. “Kapatid? Ako ba ginagago nyo?”

“It's true kiel” si gab na umiiyak na, dinaluhan sya ni conlan “Ash is your older brother”

Salubong ang kilay ko Isa-Isa kong tinignan ang mga kaibigan ko.

“Alam nyo? Alam nyo pero hindi nyo sinabi sakin?!” sigaw ko, tuluyang tumulo ang luha sa mga mata “Alam nyo ang ginawa sakin ng gagong ito! Tas sasabihin nyo sakin kapatid ko 'to?! Pinagloloko nyo ba 'ko, ha!?” napatayo ako dahil sa galit na naramdaman.

Umiling si gab habang humahagolgol “May rason si Ash kung bakit nya ginawa 'yun Kiel. Maniwala ka—”

“Rason? Anong rason nya para gawin sakin 'yun? Sabi nyo kapatid ko 'to?” tinuro ko si Ash na nakayuko “Sabihin nyo sakin. Gawain ba 'yun ng isang kapatid, ha!? Ang sirain at pahirapan ako?!”

My Worst EnemyWhere stories live. Discover now