Chapter 29

3 2 0
                                    

CHAPTER 29

"Umalis ka sa harap ko sasamain ka sakin" banta ko sa pula ang buhok na nasa harapan ko.

"Kiel, sige na" pagpupumilit nya.

Kanina pa 'to kinukulit akong bilhin ang ice cream na paborito daw nya, eh mayaman naman ang bugok na 'to sakin pa magpapalibre aba dapat sya ang manlibre dahil sya ang mataba ang pitaka samin dalawa sakin dahon lang ang laman.

"Ewan ko sayo may pera ka, ikaw bumili" sabi at bumalik sa ginagawa.

"Iiihhhh, wala akong pera eh" aniya na parang bata.

Hindi ko talaga maintindihan ang taong 'to minsan ang seryoso ng mukha, pero palaging mukhang ewan kagaya ngayon.

Tumingin ako sakanya at ganun din sya sakin with matching puppy eyes at nakapuot pa ang luko.

"Oo na, Oo na. Ibibili kita" suko nako, agad naman lumiwanag ang mukha nya.

"Yehet" aniya saka pumapalakpak pa.

Parang bata.

At yun nga pumunta kami ng convinience store sa loob lang ng school ground. Yes. Meron silang ganyan sa school.

Habang namimili ng ice cream ang luko ang mga chichirya naman ang tinatarget ko.

"Excuse me" bulong ng sino.

Luminga naman ako pero walang akong makita.

Binalewala ko na lang at nag patuloy.

"Ehem, excuse me" ayun na naman.

Punyeta may multo pa yata sa store nato.

"Miss?" tawag ng multo sakin, kinalabit din ako.

Para akong na estatwa, naka ramdam akong ng malamig na presensya sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon.

at nakita ko ang....

Isang nerd!?

Pang Korean style ang buhok nya naka salamin din sya at May hawak na libro.

"Excuse me lang" ewan ko bulong ba yun o ganun na talaga ang boses nya.

Parang kasing multo ang bumulong. Putrages.

Tumabi naman ako sa gilid at tinignan sya. Grabe kala ko talaga multo yung bumulong sakin.

"Bakit?" tanong nya na hindi tumitingin sakin.

Umiling lang ako saka lumapit kay red na animoy nasa hakot Grocery ang luko.

"Tapos kana?" sabi ko, tumangi naman sya kaya agad ko syang hinablot papuntang counter.

"Bakit kiel? May problema ba?"

Umiling ako "Wala"

Lintik kinabahan talag ako akala ko multo na talaga.

eishh.

Habang naglalakad walang humpay ang latakan ng ice cream ang luko. Ayaw pang mamigay. Apaka damot.

"Hoy ano yan? Pahinge" sabi ni Charles na bigla na lang sumulpot kung saan.

"Ano ka, bili ka sayo" sabay layo ng ice cream kay charles.

"Ang damot mo naman, patikim lang"

Habang nag aagawan ng ice cream ang dalawa biglang sumulpot si thristan na nakisali din sa agawan.

Napailing na lang ako bakit parang nag iba na naman yata ang ugali nila may time na ang seseryoso nila pero ngayon talo pa nila ang walang makain na palaboy.

My Worst EnemyWhere stories live. Discover now