CHAPTER 28 ~ Clash Of The Private A1 ~

Começar do início
                                    

"Nagdala ako ng mga kape."

Nilingon ko si Adonis. Tinaasan ko siya ng kilay ng mamula siya lalo na ng bumaba ang tingin ko sa mga labi niya na bahagya ng namamaga. "Gising na sila sa kabila?"

"Iyong iba. Kasalukuyan silang ginigising ni Triton. Siya ata ang nauna sa ating lahat na magising. Excited eh."

Tinanaw ko ang wall clock. Alas diyes na ng gabi. Paniguradong parating na rin si tita Chrissy, ang tatay ni Rushmore. Yes, tatay. Siya din ang official beauty stylist ng BHOCAMP.

"Tawagin mo si Phoenix para gisingin si Snow." sabi ko kay Adonis.

Bago pa siya makasagot ay bumukas muli ang pinto at pumasok si Phoenix. Dumiretso siya sa kinaroroonan ni Snow at sinimulan na niyang alisin ang mga 'balakid' na nakaharang sa babae.

Ilang sandali lang ay aantok antok na nakaupo na ang mga babaeng agents kasama ni Snow na ngayon ay nakasubsob pa ang mukha sa leeg ni Phoenix na nakaupo sa kutson.

"Sa lahat naman kasi ng oras na gusto mo iyong madaling araw pa talaga. Buti napapayag niyo ang Pari sa gusto ninyo." sabi ni Sky habang umiinom kami ng kape.

"Si daddy ang kumausap. Fortunately kakilala ng pari na kadalasang nagkakasal sa mga BHOCAMP agent ang pari dito sa Laguna."

Napagdesisyunan kasi namin ni Triton na dito sa Laguna magpakasal. Noong una kasi na maging kami ay may isang simbahan dito na pinuntahan namin. Nang nag-iisip kami ng simbahan na pagkakasalan ay naisuggest ko iyon sa kaniya at pumayag naman siya.

"Hello world! It's time to get married woohoo!"

Napangiwi si Den ng pumasok ang father in law niya na si tita Chrissy na hindi ata alintana ang lamig sa labas dahil nakasuot pa talaga siya ng micro mini dress na hapit na hapit sa katawan niya. Sa likod niya ay nandoon si Dylan, ang boyfriend niya na pulis, na kasalukuyang dala-dala ang ilang mga bags na paniguradong pinaglalagyan ng mga gamit ni tita Chrissy.

Pumalakpak ang binabae. "Line up girls! Line up!"

Sumunod naman kami sa sinabi niya at humilera kami ng isang linya. Si Phoenix at Adonis ay tahimik na tumalilis ng alis. Mahirap na nga naman at baka madamay pa sila.

Nagpalakad-lakad sa harapan namin si tita Chrissy na sinusuri kami mula ulo hanggang paa. "What happen to your beautiful faces my dears? Maganda pa rin kayo pero parang hinamon niyo ang mga tambay sa kanto para mag-inuman. Naghuhumiyaw ang hangover aw! Except kay Freezale with her shining bright eyes."

Tumaas ang sulok ng labi ni Freezale. Talagang kikinang pa rin ang mga mata niya hindi katulad sa amin dahil siya lang naman ang hindi nakipag-inuman sa mga newly beki friends namin kaninang madaling araw.

"Okay powkay-"

"Pauso ka na naman Mama-Papa. Ang pangit pa ng pauso mo." putol ni Den dito.

"Supladita ka talagang bata ka! Kung hindi mo lang ako binigyan ng cutie apo baka pinasagasaan na kita."

"Yeah right. You love me."

Inismaran siya ni tita Chrissy. Nangingiti na lang ako sa kanilang dalawa. Imposible na hindi sila magtalo kapag nagkikita sila pero kapag may nang-api sa isa sa kanila akala mo ay mga gerilya kung lumaban.

"Anyway, ilan ang bathrooms dito?"

"Eight." I answered. Bawat kwarto kasi rito ay may sariling bathroom. Sa laki ng pamilya namin hindi talaga pwedeng kokonti lang ang kwarto o ang bathroom.

"Okay. Magsabay ang mga magkakapatid at ang mga willing magsabay para mabilis nating maayos ang mga make-up ninyo."

"Sabay tayo ate Freezale!" pumapalakpak na sabi ni Snow.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Onde histórias criam vida. Descubra agora